FIRST READ ON PEP Part 2: Jake Ejercito tells Andi Eigenmann: “I don’t feel the same anymore.”

IMAGE Allan Diones

Kinontra ni Jake Ejercito ang naging pahayag ni Jaclyn Jose tungkol sa pagmamahalan nila ng anak ng aktres na si Andi Eigenmann: “Tapos, yun nga, sinasabi niya na, 'May dalawang tao [na nagmamahalan], pabayaan na lang natin.' Hindi rin puwedeng gano’n. Kasi si Andi, siyempre nagtatrabaho, may anak na nga, natuto na siya with all her trials. Mature na siya. Kumikita siya for herself. E, ako naman, hindi ako gano’n. Hindi ako in the same position as Andi, na


LONDON, U.K. Aminado si Jake Ejercito na tinamaan siya nang husto kay Andi Eigenmann.

Kaya kahit ganun na ang nangyari sa kanilang relasyon ay hindi pa rin nagbago ang pagtingin niya rito.

“Obvious naman po yata na talagang tinamaan ako!” natatawang sabi ni Jake sa pagpapatuloy ng panayam sa kanya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

Ano ba ang qualities ni Andi na nagustuhan niya?

“E, kasi, kami naman ni Andi, childhood friends nga, as we all know, di ba?

“Tapos nung high school, pareho kami ng circle of friends. Pareho ng barkada.

“So, nung… paano ba nangyari ‘yon?

“Based na ako nun dito sa London, e. Tapos, pag-uwi ko one summer, gano’n, nagkita ulit kami after a long time. Nag-meet kami, tapos…

“Doon sa bakit ako nainlab sa kanya… Kasi, si Andi, parang ano siya, e, parang bata na masayahin, na very positive, and very plucky. Very strong na babae.

“Tapos, siyempre, marami rin akong natutunan sa kanya and vice versa.

“Siya, walang kaalam-alam sa politics. Ako, tinuturuan ko siya about it. Yung nasa news, ine-explain ko.

“Tapos siya naman, may mga questions ako sa showbiz na sinasagot niya.

“And basically kasi, marami na kaming common friends to begin with.

“My parents were both in showbiz before, and hers as well. So, parang maraming common factors din.

“And, basically, first ko kasi siya. First na sineryoso! Hahaha!

“Kaya siguro malakas yung tama. Kaya ganun po.”

NOT THE SAME ANYMORE. Ngayon ba, malakas pa rin ang tama ni Jake kay Andi?

May nakarating kasi sa PEP na nag-text si Jake kay Andi ng: “I don’t feel the same anymore.”

Totoo ba ‘yon?

“Oo, sinabi ko iyon sa kanya,” mabilis na pag-amin ni Jake.

And he meant it?

“Hindi ko naman siguro sasabihin kung hindi.”

Ano ang naging reaksiyon ni Andi?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Yung interview… yung inilabas niya dun siguro,” tugon ni Jake, na ang tinutukoy ay ang emosyonal na panayam ni Andi sa The Buzz.



TROUBLED RELATIONSHIP. Ayon kay Jake, bago pa ang kontrobersiyal na interview ni Jaclyn ay nagkakalabuan na sila ni Andi.

Aniya, mahigit na dalawang taon na sila ng young actress kaya marami na rin daw silang problema.

Idagdag pa na long-distance ang kanilang relasyon, dahil nandito si Jake sa London at si Andi naman ay nasa Pilipinas.

Kumukuha ng kursong Political Science at Business Management si Jake sa isang kilalang unibersidad dito sa London.

May komunikasyon pa rin ba sila matapos ng interview ni Andi kunsaan umiyak ito?

“Once in a while, nag-uusap pa rin. But not as often as before,” sagot ni Jake.

Nagsu-sorry ba sa kanya si Andi?

“Actually, oo. Until now, nagsu-sorry siya.

"Kasi nga, hindi niya pa rin madiretso yung mom ko.

“So, until now, nagsu-sorry pa rin siya. Hiyang-hiya siya.”

Sa tingin ba niya ay posible pa silang magkaayos at magkabalikan ni Andi?

“Well, nothing is impossible naman po, di ba?

"Pero, as of now, mukhang sobrang lumabo po bigla, e.

“After nung interview ni Tita Jane [Jaclyn Jose], siguro after sometime, pag naayos na namin, pag naayos ‘yon, either parents muna…

“Pero kasi po, yun nga, wala naman ako sa posisyon na hindi sumunod sa parents ko, na parang, ‘Hindi ko kayo susundin, kami na lang ni Andi!’

“Nag-aaral pa ako. Nasa London pa nga ako, napakasuwerte ko. So, pagbubutihin ko ang pag-aaral ko.”

CALLS HIMSELF "MARTIR!" Never ba talaga siya diniktahan ng parents niya pagdating kay Andi?

“Never, never, never," mabilis na sagot ni Jake.

"Kaya lang, nung mabuntis si Andi…

“Kasi, it came as a surprise also to my mom nung nabuntis si Andi. Kasi, ang alam ng mom ko, break na kami.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Tapos, my mom was in the U.S. nung interview si Tita Jane ng announcement ng pregnancy.

“E, biglang na-link ako, di ba?

“So, tawag siya, ‘O, ano na naman ‘yan? Bakit ganun?’

“Sabi ko, ‘Ah, Ma, wala, wala.’

“Kasi, kung bibilangin mo yung months, nandito ako sa London nung mabuntis si Andi, e.

“So, hindi rin posible talaga!” natatawang pakli niya.

Bakit nagawa pa rin niyang mahalin si Andi kahit pinagsabay pala sila nito ni Albie, tapos ay nabuntis pa ito at nagkaanak sa karibal?

“E, yun nga po, e, siguro dahil first love.

“Tapos… hindi ko alam. Ganun lang siguro talaga. Martir!” tawa na naman ni Jake.



COLD TREATMENT. Pag-amin pa ni Jake, medyo cold na yung treatment niya ngayon kay Andi.

Pero hindi niya raw ito binabastos.

Hindi rin daw niya ito magawang basta i-ignore na lang.

Sinasabi ba sa kanya ni Andi na ayusin nila ang lahat?

“Gusto niya lang mag-sorry talaga.

“Ang sinasabi naman po niya kasi after the interview, pati siya nagulat.

“Kaming dalawa raw yung magkakampi. Kasi pati siya, hindi niya naiintindihan kung bakit nasabi ng mom niya ‘yon.

“So, yung gusto niyang ipakita sa akin is that sorry talaga siya for what happened at gusto niyang mag-sorry sa nanay ko.

“Kasi, siguro that way, maaayos lahat.”

Mukhang sobra siyang nasaktan para sa mom niya?

“Very much so. I mean, tahimik, e.

“Alam mo naman yung mom ko, very low profile since nawala siya sa showbiz.

“Tapos, yung dad ko pa, di ba? Nakakahiya naman sa dad ko.

“Pero yun nga, buti kung may basis, e, yung insinuations ni Tita Jane.

“Kaso lang, hindi talaga, e. Wala, e.

“Yung ‘Baka ayaw ng parents niya,’ hindi talaga ganu’n, e.

“Alam niya ‘yon. Even si Andi.

“Andi wouldn’t have reacted that way kung tama ang insinuations ng mom niya,” medyo may diing bulalas ni Jake.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

NOT IN THE SAME POSITION. Sa interview rin na iyon kay Jaclyn, kung saan may nasabi ito tungkol sa parents ni Jake, ay panay ang puri nito sa binata.

Ayon kay Jaclyn ay mabait na bata si Jake, magalang, at mahal na mahal nila ni Andi.

Ano ang reaksiyon dito ni Jake?

“Well, yung respect naman, mutual yun, e.

“Pati naman siya [Jaclyn], nakita ko siya as a hardworking mom, you know.

“I mean, very flattering din yung mga sinabi niya.

"Pero yun nga, e, may mga singit na yung biglang, ‘Baka ayaw ng parents niya!’

“Tapos, yun nga, sinasabi niya na, 'May dalawang tao [na nagmamahalan], pabayaan na lang natin.' Hindi rin puwedeng gano’n.

“Kasi si Andi, siyempre nagtatrabaho, may anak na nga, natuto na siya with all her trials.

"Mature na siya. Kumikita siya for herself.

“E, ako naman, hindi ako gano’n.

“Hindi ako in the same position as Andi, na kaya kong magsarili na at sabihin ko sa parents kong ‘Pabayaan n’yo ako!’ Hindi gano’n.”

So, ano na ang lagay niya ngayon? Moving on na ba siya?

“Okey naman. I’m just keeping myself busy. Pagbubutihan ko lang yung pag-aaral ko.

“I’m sure, siya [Andi] naman, busy rin. Ang dami niyang projects ngayon.

“Tapos, birthday pa yata ni Ellie soon.” Si Ellie ang anak ni Andi kay Albie.

Handa na ba siyang magmahal ulit?

“Naku, hindi pa!” natatawang sagot ni Jake.

MESSAGE FOR ANDI AND JACLYN. Bilang pagtatapos ay hiningan ng PEP si Jake ng mensaheng gusto niyang iparating kay Andi.

“Well, nag-uusap pa rin naman kami, e.

“Siguro, basically, 'Stay strong. I mean, Ellie needs you. I’m happy for you na kahit paano, di ba? Konti lang ang nakakagawa nung nakakabalik pa.'

“So, yun ang message ko sa kanya. Keep it up with her career, take care of Ellie. Ang cute-cute na bata!”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ano naman ang gusto niyang sabihin sa nanay ni Andi na si Jaclyn?

“Sa mommy niya naman, I mean, wala namang nawala sa respect ko sa kanya.

“Siguro, may mga nasabi lang siya na siguro nabigla din siya.

“Nandun pa rin yung respect ko sa kanya and everything.

“Sumama lang yung loob ko nang konti, pero Tita Jane pa rin siya sa akin.”

(Nananatiling bukas ang PEP sa panig ng mga sangkot sa isyung ito kung may nais silang sabihin, linawin, o ipahayag.)


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN