Andi Eigenmann: “Everything my mom said was true anyway.”

IMAGE Noel Orsal / Allan Diones

“So much for going against my own mother and sacrificing our relatnship just to give u what u want.Fyi everything my mom said was true anyway,” Andi Eigenmann posted on her Twitter account earlier, November 21, after the interview with ex-boyfriend Jake Ejercito appeared on PEP.


Dismayado si Andi Eigenmann, 22, sa mga naging pahayag ng dating kasintahan na si Jake Ejercito, 22.

Ipinarating ni Andi ang kanyang saloobin sa pamamagitan ng kanyang Twitter account.

Ilang oras matapos lumabas dito sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang panayam ni Allan Diones kay Jake sa London ay nag-post si Andi kaninang hapon, November 21:

“Feeling perfect. Gross.”

Pagkalipas ng ilang minuto ay nag-post muli si Andi, na nagtatanggol naman sa kanyang inang si Jaclyn Jose:

“So much for going against my own mother and sacrificing our relatnship just to give u what u want.Fyi everything my mom said was true anyway.”

Pahabol pa ni Andi: "I hate boysssssssss"

Matatandaan na sa panayam ni Allan kay Jake, inilahad ni Jake, na kasalukuyang estudyante sa London, ang mga dahilan ng paghihiwalay nila ng Kapamilya actress.

Inamin ni Jake na nagsimula ang lahat sa paglabas ng interbyu kay Jaclyn tungkol sa kanila ni Andi.

Ipinahiwatig ni Jaclyn sa interbyu na maaaring ang balakid sa pag-iibigan ng kanyang anak at ni Jake ay mga magulang ng lalaki.

Sa salita ni Jaclyn sa press, “baka ayaw ng parents” ni Jake ang relasyon nito kay Andi.

Si Jake ay anak ng deposed President Joseph "Erap" Estrada at ng isa sa mga mistresses nito, ang dating aktres na si Laarni Enriquez.

(CLICK HERE to read related article.)

Sabi ni Jake tungkol kay Jaclyn, “Kasi, yung statements niya, yung insinuations were unwarranted.

“Wala naman siyang sinabi blatantly, pero parang na-put yung parents ko in a bad light.

“I respect Tita Jane [tawag niya kay Jaclyn] very much. But then, parang nagulat lang ako at, siyempre, sumama na rin yung loob ko dahil, yun nga, medyo napasama yung parents ko.”



NOT YET RIGHT TIME TO TALK. Nilinaw rin naman ni Jake na nagkausap na sila ni Andi tungkol dito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Tulad niya, nagulat din daw si Andi sa interview ng ina.

Sinubukan din daw ni Andi na makipag-usap sa mga magulang ni Jake.

Pero ayon kay Jake, “Ang sabi naman ng mom ko, ‘Not right now. Maybe someday soon. Pero huwag muna ngayon.’

“Kasi, siyempre, fresh pa lahat.

“Nagulat din mom ko, kasi ang tahimik, e. Ang tahi-tahimik na ng lahat, biglang may ganito.”

Bagamat hiwalay na sila ni Andi, inamin ni Jake na nagkakausap pa rin silang dalawa.



ANDI’S BLOG POST ON ERAP & LAARNI. Kaugnay nito, nag-post si Andi ng isang entry sa personal blog niyang Mermaid Mayhem noong November 4.

Ani Andi, “I just really hope Id be granted an opportunity to apologize personally, to show more sincerity than this blog post.

“But I guess this could be a good way to start. Maybe somehow Id be heard. Well just incase, here goes.

“I wouldnt have fallen in love with such a fine young man if not for the amazing parents he has that surely raised him well.

“People who brought him up to be the smart, kind hearted, humble gentleman that he is.

“Therefore, I know for a fact that it will be wrong for all of you to judge his parents negatively just because they only want what’s best for him.”

ANDI'S BLOG POST ON MOM JACLYN. Sa nasabing blog post, sinabi rin ni Andi na naiintindihan niya ang mga nasabi ng kanyang ina sa lumabas na interbyu.

“I know for a fact that it wasnt her intention at all. Maybe at that point, she too was only being a mom.

“Just as your parents would want whats best for you, she just wants the same for me, and this time Im guessing she just wanted to let others know that I deserve it too. (in her opinion that is).

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Im not angry at my mother, dont get me wrong.

“Besides the fact that Im not allowing myself to, cus i have respect for her, I also know that she couldnt have possibly done that to throw Jake and I under the bus on purpose.”

JAKE'S COLD TREATMENT. Sa ngayon, aminado si Jake na medyo cold ang treatment niya kay Andi.

Bagamat umaaasa siya na maaayos ang lahat ng ito, aminado ang binata na nasaktan din siya para sa kanyang ina.

Sumama man ang kanyang loob sa nasabi ni Jaclyn, nilinaw ni Jake na “wala namang nawala sa respect ko sa kanya.”

Dagdag pa niya, “Siguro, may mga nasabi lang siya na siguro nabigla din siya.

“Nandun pa rin yung respect ko sa kanya and everything.

“Sumama lang yung loob ko nang konti, pero Tita Jane pa rin siya sa akin.”

(CLICK HERE to read related article.)


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN