Mark Gil gives advice to daughter Andi Eigenmann: “Huwag muna ‘yang love.”

IMAGE Noel B. Orsal

Mark Gil gives his advice to his daughter Andi Eigenmann: “Tapusin mo muna ang pag-aaral mo. I’ll tell Andi, 'Wag na muna 'yang love, love, love na ‘yan.'”


Aminado si Mark Gil na very protective siya pagdating sa kanyang mga anak na babae.

“Mas protective ako, kahit daughter or granddaughter. Yung son, madali lang sa akin. Sa ‘kin pag daughter ang may problema, [sinasabi ko] 'Talk to your mother.'

“Protective ako. It’s a common thing among daddies na protective sila sa mga daughters nila.”

Sa panayam sa veteran actor na ginanap sa Cocoon Hotel, Quezon City, noong November 20, sinabi niya na lima na ang apo niya.

“I have two with Gabby [Eigenmann], two with Maxine, and a girl with Andi. First granddaughter ko si Ellie,” ani Mark.

Nabibigyan ba siya ng pagkakataon na alagaan ang kanyang apo na si Ellie?

“Nakakapagpalit na 'ko ng lampin ni Ellie,” tawa ni Mark. “It’s not very frequent kasi busy si Andi, busy rin ako. I told Andi, sana maiwan si Ellie sa akin ng one day.”

“Birthday niya [Ellie] on November 23 and I believe she will be having her celebration on the 25th. Baka hindi nga ako makapunta dahil sa work.”

How would he describe Ellie as a baby?

“She’s beautiful. Nakakagigil yung bata,” sabi ni Mark na may ngiti sa kanyang mga labi.


ON ANDI AND JAKE. Inamin kamakailan si Jake Ejercito na medyo “cold” na ang treatment niya kay Andi matapos sabihin ni Jaclyn Jose na “baka ayaw ng parents” ni Jake ang relasyon nito kay Andi.

Ang mga magulang ni Jake ay ang dating Pangulong Joseph Estrada at ang dating aktres na si Laarni Enriquez.

(CLICK HERE to read related article)

Ipinagtanggol naman ni Andi ang inang si Jaclyn at nag-post siya sa kanyang Twitter account: “So much for going against my own mother and sacrificing our relatnship just to give u what u want.Fyi everything my mom said was true anyway.”

(CLICK HERE to read related article)


Nang tanungin si Mark Gil tungkol dito, sinabi nito: “Every parent wants the best for their children. You invest in them so much. Si Jake nag-aaral sa London and he comes from a prominent family.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I can’t say anything bad about Jake. He’s a good man…refined, very well-educated.”

Ngunit gustong ipaalala ni Mark kay Andi na piliin nito ang priorities sa buhay.

“Kahit ako sasabihin ko sa anak ko, 'Huwag muna ‘yan. Tapusin mo muna ang pag-aaral mo.'

"I’ll tell Andi, 'Wag na muna 'yang love, love, love na ‘yan.'”

Gusto rin sana ni Mark na mag-focus si Andi sa kanyang anak.

“Ang buong mundo mo ngayon si Ellie at ang career mo. You have to pick up your career and take it from there. Ang mundo mo ngayon dapat si Ellie.

“Wag mong hanapin ang love, darating ‘yan,” mensahe pa ni Mark sa anak na babae.

Kasama si Mark sa upcoming primetime series ng GMA-7 na Pahiram ng Sandali na pinagbibidahan nina Dingdong Dantes, Lorna Tolentino, at Max Collins.

Sabi niya tungkol sa kanyang karakter, “I’m a very rich man and arrogant. Kontrabida ako dito. I’m the father of Dingdong but I disown him.

“Anak ko siya kay Sandy Andolong, but I’m married to a powerful woman [Isabel Rivas]. Dine-deny ko si Dingdong, at may isa pa akong anak, which is Neil Ryan Sese.”

Bukod sa TV series na ito, kabilang si Mark sa dalawang pelikula.

“Yung isa kong movie, with Richard Gutierrez and Sarah Lahbati.

"It’s produced by Regal Films and directed by Peque Gallaga. It’s titled Seduction and I play a father in this movie.

“The second film is Mana, directed by Gabby Fernandez and produced by College of St. Benilde.

"Kasama ko si Jaime Fabregas, Epy Quizon, Ricky Davao, Tetchie Agbayani, Archie Adamos, and Fides Cuyugan Asensio.

"Lasenggo ang role ko. It’s about a family coming together as the mother is dying.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN