Enrique Gil brings joy to the elderly

IMAGE Sany Chua


Sinurpresa ni Enrique Gil ang matatanda sa Anawim Home of God’s Poor noong Pebrero 20. Sobrang na-enjoy niya raw ang pagbisita niya dito dahil “parang bumalik ako sa mga moments namin ni Nana,” pagtukoy niya sa kanyang lola.


Isang maliit na surpresa ang inihanda ni Enrique Gil at ng kanyang mga fans para sa matatanda ng Anawim Home of God's Poor sa Montalban, Rizal.

Bumisita sila dito noong Pebrero 20, at kasama ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa pagpunta nila roon.

Nasa 49 na matatanda ang kasalukuyang inaalagaan ng Anawim, 50 ang maximum na kaya nilang alagaan.

Sinimulan daw ni Bro. Bo Sanchez ang home for the aged na ito noong 1992, ngunit ang pormal na foundation date nila ay noong Hunyo 10, 1996.

Bago si Enrique, nauna nang dumalaw sa Anawim ang mga Kapamilya stars na sina Richard Yap, Maja Salvador, at Ai Ai delas Alas na nag-donate pa ng mga bench at tables.

“Every year gusto ko bumalik dito!” bulalas ni Enrique matapos ang kanilang charity event ng araw na iyon.

“Last year nag-charity din kami with fans pero para sa mga bata naman. Sabi ko this year parang gusto ko matanda, e, para kay Nana naman.”

Ang tinutukoy niyang “Nana” ay ang kanyang lola, na siyang nagpalaki sa kanya habang nasa abroad ang kanyang mga magulang.

Kaya naman habang nakikita niyang natatawanan, nasasayawan at nagkakantahan ang matatanda ay hindi niya maiwasang maalala ang kanyang lola.

“Kasi growing up ako, lola ko rin nagpalaki sa akin, e. Kasi ‘yong parents ko laging nasa abroad. So parang iba, e…

“Kasi ‘yon din ang gusto ko sa matatanda, e. Ewan ko, iba ‘yong pag tumatawa sila, iba, e, sobrang… parang warmth ng mom, e.

“Di ba gano’n kapag lola at lolo, ‘yong respeto mo iba.

“Naalala ko ‘yong lola ko, tuwing kasama ko siya lagi kaming nagkukulitan.

“So kanina, parang ngayon ko lang na-realize… ang kulit ko pala kanina! Parang bumalik ako sa mga moments namin ni Nana.”

THANKS TO FANS. Katulong ni Enrique sa charity event na ito ang tatlo sa kanyang mga fans clubs: ang Quenatics, Kathquenatics, at Enriquelicious.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang kanyang mommy daw ang nakipag-coordinate sa kanyang mga fans dahil na rin sa abala siya sa iba’t ibang commitments niya.

“Sinabi ko na gusto ko mag-charity sa matatanda talaga. So nang nalaman nila, nag-usap sila with mama kasi busy ako, e.

“Tapos nanghingi kami sa mga sponsors ko sa Head and Shoulders, F&H, sa Robinsons. ‘Tas bumili rin ako ng mga materials, ‘tas si Ate Anna din,” pagmamalaki niya pa tungkol sa kanyang handler.

Pagpapatuloy niya, “Basta lahat ng fans, busy pa sila no’ng pumunta dito— so successful.

“Nag-games kami, masaya, sabi nila masaya naman sila, balik daw next year, magdala raw ng iba pang mga kasama para mas marami, ‘Sige po,’ kung gusto nila magdadala ako.”

Naging malapit na rin sa kanyang fans si Enrique, kaya naman para silang magbabarkada nang magkita-kita.

Nagdala sila ng meryenda, at mga donasyon na magagamit ng mga matatandaang inaalagaan ng Anawim.

Kaya naman ganoon na lamang ang pasasalamat ni Enrique sa todong suporta ng kanyang mga fans.

“Kanina nga sa speech, sabi ko salamat nandyan sila, kasi hindi magiging kasing successful kung wala sila.

“Hindi magiging ganito kalaki ‘yong event namin ngayon [kung wala sila].

“So sobrang thankful… sa lahat ng fans, thank you so much! Happy si God dahil sa inyo, ‘tsaka happy lahat.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN