Part 1. Robin Padilla: “Siguro, hangga’t TFC ang number one sa abroad, at yung mga OFW natin e yun lang ang kaligayahan nila, e, dito ako sa ABS."

IMAGE Noel Orsal

Doble ang tuwa ni Robin Padilla sa pagkakahirang sa sitcom nilang Toda Max bilang Best Comedy Program sa Catholic Mass Media Awards. Sabi niya, “Kasi, Muslim ako, tapos na-recognize. Kaya yung pagbibigay ko ng pugay sa bishop, napaluhod talaga ako—nagbigay-pugay talaga ako.”


Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Robin Padilla sa taping ng ABS-CBN sitcom na Toda Max noong isang linggo.

Ang magkapatid na Epy at Vandolph Quizon ang kanilang guests sa naturang episode na bahagi ng month-long first anniversary ng show.

Katulad ng ibang cast members na sina Vhong Navarro, Pokwang, at Angel Locsin, hindi rin makapaniwala si Robin na naka-isang taon na pala ang kanilang programa.

“Praise God!” sambit ni Robin.

“Ibig sabihin nun, meron nang tibay. Meron nang paniniwala ang ABS.

"Para sa akin, magandang balita yun.”

CMMA RECOGNITION. Bago pa man sila umabot ng isang taon, nabigyan na ng parangal ang Toda Max nang manalo itong Best Comedy Program sa Catholic Mass Media Awards (CMMA) ngayong taon.

Sabi ni Robin, “Yun, grabe yun!

"Hindi ko lang yun tiningnan na nanalo.

"Kasi, Muslim ako, tapos na-recognize.

“Kaya yung pagbibigay ko ng pugay sa bishop, napaluhod talaga ako—nagbigay-pugay talaga ako.”

Naisip daw talaga ni Robin na posibleng magkaroon ng conflict sa CMMA dahil siya ang isa sa mga bida ng Toda Max.

“Siyempre, yun ang una kong sinabi dito. Sabi ko nga, hindi ako mananalo diyan.

"Pero ganun naman, magandang ano yun… very good sign.”

Ngayong umabot na ng isang taon ang Toda Max, masaya si Robin dahil unti-unti ay naibabalik na ang sitcom sa telebisyon.

Sabi pa niya, “Oo naman, pati yung moral values.

“Nagka-kontrahan pa rito, mga ilang episodes.

“Siyempre, meron pa rin forces na gusto, kalokohan pa rin.

“Meron talagang nangyaring struggle na hindi puwede, ‘Tanggalin n'yo na lang kami.’

“Meron kaming dinaanang ganoong estado.

"Pero, nanaig naman.”

Silang lahat naman daw sa cast ng Toda Max ay mas gusto ang klase ng sitcom na may maidudulot na family values.

“May time din kasi na biglang bumaba ang rating, so paniwala ng lahat, dahil masyado kaming nagpaka-moral-moral.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero, panindigan lang natin. Ayun, palagi namang nagwawagi ang mabuti.”

OTHER OFFERS. Hindi itinatanggi ni Robin na kahit may regular sitcom siya sa Kapamilya network at may bago rin siyang primetime series, hindi nawawala ang mga offer mula sa ibang network—tulad ng TV5.

“Hindi naman nawawalan ng offer,” sabi ng action star.

“Pero ako, ang habol ko sa ABS, yung TFC [The Filipino Channel].

“Siguro, hangga’t TFC ang number one sa abroad, at yung mga OFW natin e yun lang ang kaligayahan nila, e, dito ako sa ABS.

“Ako naman, hindi naman ako nagpaparinig.

“Sa totoo lang, ang sinasabi ko, mga Kapatid, mga Kapamilya.”

Kung sakaling i-consider niya ang offer ng TV5, malaking factor ba nito ang misis niyang si Mariel Rodriguez na nasa Kapatid network?

Sagot ni Robin, “E, si Mariel naman, kaya naman nandoon, hindi dahil sa gusto niya o gusto nila. Nandoon ang grupo, e."

Ang tinutukoy ni Robin ay ang grupo ng dating noontime show ng ABS-CBN na Wowowee, sa pangunguna ni Willie Revillame, na lumipat sa TV5.

Patuloy niya, “Di ba, noong umalis ang grupo, nagulantang siya?

"Nawala ang kapamilya niya, nabigla siya. Naramdaman ko yun, e.

“Kaya naman in-encourage ko rin siya. Nakita kong nalungkot siya.”

Ngayon, masaya na ba si Mariel sa TV5?

“Aba, e, kahit pasyalan ninyo siya doon,” tugon ni Robin.

KAILANGAN KO'Y IKAW. Gaya ng nabanggit, bukod sa Toda Max ay nagsisimula nang mag-taping si Robin para sa primetime series na Kailangan Ko’y Ikaw.

Makakasama niya rito sina Kris Aquino at Anne Curtis.

Balitang napaka-intimate ng love scene nila ni Kris na kinunan pa sa Boracay?

Sabi naman ni Robin, “Hindi naman. May jacuzzi, oo, pero malamig kasi noong kinunan.

“Pero ako, gusto ko yung eksena namin sa bundok.

"At saka yung masahe, maganda yun.

"Yung nagpapamasahe kaming dalawa tapos backless siya—hindi ko naman nakitang backless yun buong buhay ko.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero, di ba, naging girlfriend niya si Kris?

“Oo, pero torpe ako… bata ako noon.

“Doon ko lang talaga siya nakitang backless.”

Parang may panghihinayang sa kanya?

“A, hindi. Masayang-masaya ako sa asawa ko."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN