Robin Padilla on rumor that BB Gandanghari won't be part of their forthcoming movie, Sa Ngalan Ng Ama: “Hindi... nandun siya, nandun siya... bilang Rustom nga lang."

IMAGE Rommel Llanes

Si Robin ay advocate ng healthy lifestyle at talaga namang 'ageless' pa rin ang kaguwapuhan, kaya naman hindi nakapagtatakang maging favorite cover boy siya ng Men's Health magazine.


Maagang dumating si Robin Padilla sa nakatakdang call time sa kanya para sa sabayang presscon ng Men’s Health at Women’s Health magazines, kung saan siya ang cover boy ng una at si Marian Rivera naman ang featured cover girl ng pambabaeng magazine.

Naganap ang nasabing press conference sa Saisaki EDSA noong January 10.

Advocate si Robin ng healthy lifestyle at talaga namang "ageless" pa rin ang kaguwapuhan nito, kaya naman hindi nakapagtatakang maging favorite cover boy siya ng nasabing magazine.

Ano kaya ang sikreto ng batambatang hitsura ni Binoe?

Lahad nito sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Katulad nga ng sinabi ko, mas importanteng masaya ang buhay, relax lang.

"Siyempre pag-aalaga ng asawa... magaling mag-alaga si Mariel, e, parang bata kasi yun, e.

"Nung nalaman niyang magko-cover ako ng Men’s Health uli, siya yung nagpapalano ng kakainin ko, oras ng training, siya lahat yun. Ganun siya ka-excited.”


SIGURADUHING BABAE. Masaya ang takbo ng presscon at panay tawanan ang mga invited press sa bawat sagot ni Robin, lalo na noong matanong sa kanya ang tungkol sa pamantayan niya ng isang magandang babae.

Kuwelang sagot nito, “Siguraduhin n'yo muna kung totoong babae yung kaharap n'yo, ha?”

Kaya naman nung matapos ang question-and-answer portion ay nilinaw ito ng media kay Binoe.

May pinatatamaan ba siya sa kanyang sagot kanina?

Depensa nito, “Ay hindi, hindi, ganun lang talaga yun, wala... nanggaling sa puso ko... wala, wala.

“Ano lang yun... men’s joke yun, di ba, na actually... ano yun, e... istorya yun ng isang lalaki na nakipaghalikan sa loob ng disco, na pagpasok niya sa loob ng comfort room, nagulat siya, nandiyan yung babae... yun pala lalaki, umiihi nang nakatayo!”



SA NGALAN NG AMA. Last year pa nagsimulang mag-rolyo ang mga kamera para sa pelikulang pagsasamahan ng Padilla Brothers.

Ito ay ang Kuratong Baleleng na sa titulo pa lang ay tunog action film na talaga.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero sa patuloy na pakikipag-usap ng PEP kay Robin, napag-alaman naming iniba na ang titulo nito at naging Sa Ngalan Ng Ama na.

Originally, kasama pala sa pelikula si BB Gandanghari, bilang ang dating katauhan nitong si Rustom Padilla. May katotohanan bang naitsapuwera na si BB sa pelikula?

Tugon nito, A, hindi totoo yun, kasama siya dun, hindi siya na outcast.”

Dagdag pa niya, “Kasama siya dun, kaya lang si Rustom nga siya dun.”

So, hindi na siya puwedeng makasama bilang BB?

Maiksing sagot ni Binoe, “E, barilan yun, e. Papa'no naman?!?”

Pabirong sabat ng isang reporter, ‘Mag-aarnis siya, magcha-chaku?’

Sagot niya ulit, “E, barilan yung ano, e, Sa Ngalan ng Ama."

So, wala na ba talaga siya sa cast?

Muling idiniin ng nakababatang kapatid, “Hindi... nandun siya, nandun siya... bilang Rustom nga lang, kasi barilan nga, e...

"Ang alam ko pumayag siya, e... nag-usap sila ni kuya Rommel, sabi ni Kuya Rommel okay siya. Nasa America lang.”

During the presscon, hindi aware si Robin na nakabalik na pala si BB mula sa America.

Kaya sinabi sa kanya ng media na dumating na ito dala ang balitang inaayos na ang proseso ng kanyang pagpapa-sex change.

Sabi nito, “Ay! Hindi ko alam, nandito na ba?”


So, puwede na kayang mag-shoot si BB sa pelikula nila kung ganun?

Tugon nito, “E, ngayong dumating na siya, puwede na, bago pa man mangyari yung kanyang kagustuhan.”

Ang tinutukoy ni Robin na kagustuhan ay ang balitang magpapa-sex change na nga daw itong si BB.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN