Part 1. Robin Padilla says he's not yet planning to have a baby with Mariel Rodriguez: "Matitigil ang honeymoon pag nagkaanak!"

IMAGE Rommel Llanes

Robin Padilla is the cover guy of Men's Health magazine's January 2013 issue. Robin says of having a baby with wife Mariel Rodrgiuez, "Matitigil ang honeymoon pag nagkaanak! Saka na muna yung anak, makakapag-antay naman yun."


Sa ikatlong pagkakataon ay naging cover guy na naman ng Men’s Health magazine si Robin Padilla, at dito ay ipinakita na ni Binoe ang kanyang matikas na pangangatawan.

Pagmamalaki niya, “Syempre para sa ‘kin, isang malaking karangalan yung laging binibigyan ng ganitong pagkakataon dahil strikto din ang Men’s Health, e.

“Hindi ka naman basta-basta mako-cover dito, e. Dahil kailangan, totoong isinasabuhay mo yung tamang kalusugan at tamang pangangatawan.”

Kuwento ni Robin, binigyan daw siya ng art director ng Men’s Health na si Glen Concio ng isang buwan upang paghandaan ang shoot.

Pagbabahagi niya, “Kasi ano ko naman yan, e, kaibigan ko naman yan, e, kabiruan ko, sinabi [ni Glen], ‘Tol, cover ka namin uli. Pero eto ngayon nakahubad ka!’”

Walang pag-aatubiling sinagot naman ito ni Robin, “‘Ganun ba tol? Eh, bigyan mo ko ng isang buwan.’ ‘O, sige, tol, isang buwan.”

Hindi naman naging mahirap kay Robin na paghandaan ang nasabing shoot dahil na rin sa kanyang lifestyle.

Wika nito, “Hindi naman po ako kumawala, e. Talagang, ako’y, siguro parte na ng buhay ko yung ensayo.

“Nagkaroon lang kung saan magko-concentrate. Nung sinabing nakahubad, e syempre, sa taas yung concentration ng ensayo.”

Naganap ang shoot sa Nuvali, Sta. Rosa, Laguna noong Nobyembre ng nakaraang taon, kung saan sinabay din ang shoot ni Marian Rivera para naman sa Women’s Health magazine.

(CLICK HERE to view behind-the-scenes gallery)

Pag-amin ni Robin, “Kondisyon ko yun. Sinabi ko kay Glen. Gusto ko, kung pupwede, isabay natin si Ms. Marian sa [shoot].

“Ako po, ako po ang salarin, Tinatanggap ko po ang pagkakasala,” pagbibiro niya.

KAILANGAN KO’Y IKAW. Bukod sa kaniyang weekly show na Toda Max kasama si Angel Locsin, malapit na ring ipalabas ang bagong teleserye ni Binoe sa Kapamilya network.

Ito ay ang primetime drama na Kailangan Ko’y Ikaw kung saan makakasama ni Robin sina Kris Aquino at Anne Curtis.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Wika ni Robin tungkol dito, “Excited ako dyan kasi syempre nakasama natin ang number one ngayon, Ms. Kris Aquino.

“Ang kanyang pelikula, e, nasa takilya [Sisterakas]. Number one sa takilya ngayon ang pelikula ni Ms. Kris.

“At si Ms. Anne naman ang tumu-200 million ang pelikula. Isang malaking ano yan, karangalan para sa ‘kin. At ako’y nananabik na maiere na ang Kailangan Ko’y Ikaw.

Ano nga ba ang kaibahan nito sa mga teleseryeng nagawa na niya dati?

“Kakaiba? Drama to!” agad niyang sagot.

Dito ba ay makikita ng mga manunood na umiiyak si Binoe?

Wika ni Binoe, “A, wag ako. Yung dramang lalaki. Dramang lalaki pa rin.

“Ako kasi humingi nito, e, sa ABS-CBN. Pagakatapos ng Guns N Roses, nagtungo ako sa pamunuan ng ABS, sinabi ko sa kanila na, gusto kong gumawa ng drama.

“Kasi nasubukan ko na yung action, nasubukan ko na comedy, salamat sa PMPC.

“Gusto ko naman ‘to. Gusto ko naman magkaroon, sana, ng parangal naman sa drama.

“Talo ko, e, sa drama. Sa Maalalala Mo Kaya, talo ko, e.

“E, ayoko pa naman ano…marunong akong tumanggap ng pagkatalo pero hindi ako nakakatulog,” pagbibiro ni Robin.

Ito ang unang beses ni Binoe na makasama si Anne Curtis sa isang teleserye.

Kung ano ang feeling na makatrabaho ang aktres, tanging sagot ni Robin, “Masarap, syempre, masarap.”

“BONDING” WITH BIMBY. Tinanong ng mga miyembro ng press kung may dapat bang ikabahala si Bimby sa kanya ngayong magkasama sila ni Kris Aquino sa isang teleserye.

Naikwento na lamang ni Robin, “Ang tapang nung batang yun, hinahamon ako ng suntukan!

“Tuwing magkikita kami hinahamon ako ng suntukan, nakakatuwa, e. Natutuwa naman ako kasi alam kong may mag-aalaga kay Kris.

“Natutuwa ako kasi parang nakikita ko yung sarili ko nung bata ako, e. Ganun ako, e, ganun ako nung bata ako. Sabi ko, hanep ‘tong batang ‘to.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Matapang yung batang yun. Seryoso siya, ah, hindi siya nagbibiro ‘tol!

“Nung hinahamon ako? Totoo! Nagwawala! Nakakatuwa, nakakatuwa,” wika pa niya.

Kumusta naman ang pakikipagbalik-tambalan niya kay Kris?

Paglalahad ni Binoe, “E, masarap din. Panay ang halikan dun sa… Mas nagkakasundo kami ni Ms. Kris, sa trabaho, e.

“Pag sa personal para kaming aso’t pusa, e. Halimbawa, may taping ako ng Toda Max, may taping siya ng Kris TV, pag dumalaw ako dun sa make-up room niya, hindi tatagal yun, mag-aaway lang kami.

“Pero pag nasa taping kami, masaya kami.

Kinumusta naman namin kay Robin ang misis niyang si Mariel Rodriguez na kamakailan lamang ay kasama niya sa Berlin.

Pagbabahagi niya, “Honeymoon pa rin. Oo. Walang tigil ang honeymoon namin.

Ngayong taon ba ay wala pa silang planong magka-baby?

Pilyong sagot ni Binoe, “Matitigil ang honeymoon pag nagkaanak!

“Saka na muna yung anak, makakapag-antay naman yun.”

Hindi naman kaya magseselos si Mariel kay Kris dahil sa mga maiinit nilang eksena?

Sagot niya, “Ay, hindi! Wala siyang dapat pagselosan. Katulad ng sinabi ko kanina, ang puso hindi salawahan yan. Mata lang ang salawahan.”

ON KYLIE-ALJUR BREAKUP. Nang tanungin naman siya tungkol sa balitang hiwalay na sina Kylie at Aljur, natawa na lamang si Binoe.

Wika niya, “Wala ‘kong pakialam sa kanila. Matatanda na sila. Matatanda na sila para pakialaman ko pa.

“Alam na nila ang mga dapat nilang gawin. Basta ako, wag ko lang makikita na umiyak ang anak ko. Yun lang naman.

“Walang ama, na gustong makitang umiyak ang anak. Yun lang. Yun lang ang paalala ko sa kanila.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN