Part 2. Regine Velasquez on being second wife of Ogie Alcasid: “Yung first wife, siya; second wife, ako? Wala na kasing ganoon, e—we’re just family!”

IMAGE Noel Orsal

Hindi lamang magaling na singer si Regine Velasquez, napatunayan na ring magaling siya sa pag-arte. Kung bakit wala siyang masyadong acting assignments, sabi nito: “Reluctant talaga ako na actor, e. Hindi ko pa talaga matanggap na umaarte ako.”


Ang 25th anniversary concert ni Regine Velasquez, ang Silver, ang patunay na malayo na nga ang narating ng Asia’s Songbird.

Pero sa loob ng 25 taon, marami ring hirap na pinagdaanan si Regine.



KUYA GERMS. Naikuwento ni Regine nang first time niyang mag-guest sa Daigdig Ng Mga Artista, isang TV show noon hosted by German Moreno.

Kuwento niya, “Nakita ako ni Kuya Germs. Eleven o’clock yung show, nandun ako ten o’clock, kasi nanggagaling pa ako ng Bulacan, e.

“Tapos 'sinalang nila ako, yung matatapos na yung show...

“So, kumakanta ako... pinapatayan ako ng ilaw, tapos my credits ako sa mukha!” natatawang pagbabalik-tanaw niya.

“Tapos, hiyang-hiya si Kuya Germs. Hindi niya nakalimutan yun!

“Tapos, sabi niya sa akin, ‘Iha, bumalik ka sa ganito, iuuna kita.’

“So, ever since then, lagi akong inuuna.

“Minsan nga kahit hindi naman ako naka-schedule, ‘Kuya Germs, pa-guest naman, meron akong pino-promote.’

“Iyon naman yung bawi niya sa akin, lagi niya akong gine- guest.”

Sinabi naman daw ng Master Showman na umiinit ang ulo niya kapag ginaganoon ang guests niya.

Saad pa ni Regine, “Hiyang-hiya siya sa akin, e. Ako naman, ‘Mahihiya kayo sa akin, e, wala naman ako... parang nag-uumpisa pa lang ako.’

“I didn’t mind, but hiyang-hiya siya talaga sa akin.

“Hindi pa ako kilala noon, pero si Kuya Germs, noong nadinig niya akong kumanta, parang bonggang-bongga siya!”



TRAVEL GIFT. Naikuwento rin ni Regine ang plano nilang pagbabakasyon ng mister niyang si Ogie Alcasid.

May iniregalo kasing Amanpulo Resort Palawan trip sa kanya si Ogie.

“Actually imu-move namin, gagawin naming January, kasi may mga gagawin pa kami, may gagawin pa ako, may raket ako,” at tumawa si Regine.

“At yung asawa ko, magpu-promote ng album niya, so sabi namin, ‘Sige i-move na lang natin.’

“Parang ang type yata niya, every January gusto niya mag-trip kami. So, happy naman ako, gusto niya kaming dalawa lang. 'Weh!'”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ilang days?

“Usually, kasi ano yun, e. Siguro mga three to four days lang kasi hindi ko kayang masyadong matagal bilang …

“Noong nagpunta nga ako ng Cebu recently, first time kong iniwan yung anak ko.

“Parang overnight lang naman yun, pero parang ang feeling ko... alam mo yung feeling na may naiwanan ka?

“Yung ganun, na ‘May naiwanan ako! Yung ganun.”



NEW PARENTS. Ang pinakamalaking pagbabago sa kanila ni Ogie mula nang maging parents sila…

“Siguro sa kanya wala masyado, mas more sa akin.

“Kasi yung asawa ko naman, very patient ‘yan, e tsaka tatay na naman yun, so basically alam na niya lahat.

“Sa relationship namin, siya mostly. Noong nagkaroon kami ng anak, parang feeling ko, siya yung mas madaming adjustments especially noong when I was pregnant and I just gave birth.

“Kasi siyempre, I was going through stuff, so siya talaga yung medyo...

“Kung ano yung pinagdaanan ko, pinagdaanan rin niya nang bonggang-bongga.

“Siguro ako lang yung may malaking changes siguro ngayon—siguro, talagang iba na pag nagiging nanay ka.

“Iba na talaga yung priorities mo, like… not that I don’t care about my business... I mean that’s so ungrateful naman of me, di ba?

“It’s not that, it’s just that kahit papaano, yung priorities mo talagang napupunta na lahat sa family mo—sa anak mo.

“Like itong concert na ito. For some reason, hindi ako masyadong stressed or tensed.”



CLOSE FRIENDS. Samantala, marami ang humahanga sa magandang pagkakaibigan nila nina Ogie at Michelle Van Eimeren, ang Australian ex-wife ni Ogie.

“Yung okay kami for the kids, kasi very important iyon, e.

“Kasi, kahit ano naman ang gawin mo, tatay ng mga anak ni Michelle ang asawa ko...

“And that means I’m a stepmom, so alam mo yun?

“So kung puwede namang mag-work ang isang relationship para sa ikabubuti ng lahat, mabibigyan ninyo ng effort, e, di ba?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So kung ano yung mga differences ninyo sa isa’t isa… parang mag-asawa din...

“Ganun din, you work on it just like every relationship—you work on it.

“Ang maganda lang kasi sa amin siguro, kasi parang hindi na masyadong nabigyan ng pansin...

“Yung first wife, siya [Michelle]; second wife, ako? Wala na kasing ganoon, e—we’re just family!”

Ayon pa kay Regine, pupunta sila sa Australia, kung saan naroon sina Michelle: “This December, we’re going there. We’re spending Christmas there, kami naman.

“First time ni Baby Nate na magki-Christmas doon.

“We’re leaving on the 21st [December] kasi we wanted na longer...

“Kasi kawawa naman sila na four days-four days lang, so mga at least nine-ten days naman kami doon.

“Excited kami at excited din sila.

“Ang New Year dito. Alis kami ng 31st [December] umaga [doon], dating namin dito mga tanghalian siguro ng 31st.”



SINGER-ACTRESS. Samantala, bukod sa pagiging mahusay na singer at host, isang aktres din si Regine.

Nakaganap na siya sa mga soap operas, at meron na siyang acting award bilang “Best Actress In A Single Performance” noong 2002 sa PMPC Star Awards for TV.

Ito ay para sa portrayal niya bilang Abby, isang special child sa “Lobo” episode ng Maalaala Mo Kaya, opposite Piolo Pascual.

Kaya marami ang umaasa na sana’y mabigyan ng isang mabigat na drama project si Regine, this time ay sa pelikula naman.

“Hindi ko talaga kaya!” ang tumatawang rekasyon ni Regine.

“Thank you sa laki ng paniniwala ninyo sa akin.”

With the right project ay tiyak na lalabas ang kanyang pagiging mahusay na dramatic actress sa pelikula.

“Thank you, but I think kasi, yung hesitation nasa akin mismo, e.

“Kasi dati pa naman, kahit yung Viva, gusto nila akong gumawa ng medyo drama talaga.

“Kaya lang parang nasa akin yung… hindi ko kasi alam kung mapapanindigan ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kasi ang mahirap sa akin, yung ‘Eto na, eto na, gagawin ko na...’

“Tapos, pag andun na ako, parang pinagsisisihan ko, parang, ‘Ang hirap pala nito, ayoko na nito!’

“Tapos, mai-stress na ako, e, ayoko ng ganun.

“Right now kasi I’m only... parang mas natutuwa akong gumawa ng comedy, mas parang comfortable ako gawin iyon.

“Pero alam mo, ano talaga ako, e, reluctant talaga ako na actor, e.

“Hindi ko pa talaga matanggap na umaarte ako, I guess.

“Siguro nga kung mabigyan ako ng opportunity na mabigyan ng magandang project na… kasi kakaririn mo naman iyon, e.”

REGRETS. Natanong ng PEP si Regine, may mga regrets ba siya sa buhay niya?

“Alam mo, ire-regret ko iyon pero parang, come to think of it...

“Dahil naman dun sa mga na experience ko sa buong twenty five years kaya ako naging malakas na tao, nagkaroon ako ng character.

“So, parang, come to think of it now, parang hindi na rin, huwag ko na lang i-regret...

“Kasi nga, kahit yung mga trials na pinagdaanan mo, kasama iyon, e.

“They made me who I am today. So iyon.”

Ang mga pinagdaanan niyang disappointments sa buhay noong baguhan siya at ngayon, iniyakan ba niya?

“Oo, parang normal naman yung umiiyak.

“Pero noong bata ako, mas mahirap akong ma-disappoint, kasi pag bata ka, nangangarap ka lang nang nangangarap.

“I think yung disappointments, mas na-feel ko na may disappointments pala ako sa life nung tumanda na ako.

“Actually, noong mas may career na ako, e.

“Kasi, mas iyon yung medyo mas matindi.

“Kumbaga, naiintindihan mo na yung pangarap mo, na dapat pag nangarap ka, nararating yung pangarap mo, e.

“And sometimes it doesn’t happen, so mas naramdaman ko.

“Pero nung bata ako, parang you don’t care naman pag bata ka.

“Hindi mo naman iniisip kung ano yung disappointments... well, at least sa akin.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN