PART 1: Regine Velasquez happy she pushed through with first Silver concert despite losing voice: “Because of the overwhelming reaction of the crowd…feeling ko, I was very loved by my

IMAGE Rommel R. Llanes

Lahat ng pag-iingat ay ginagawa raw ngayon ni Regine Velasquez para hindi na muling maulit ang pagkawala ng kanyang boses. “Usually naman pagka nagkasakit na ako, normally hindi naman na bumabalik. So, hopefully... I’m just gonna pray na everything will run smoothly, na I’ll have my voice and I’ll be able to entertain everybody,” pag-asam ng Songbird.


Nakatakdang bumalik sa entablado para bumawi sa hindi niya magandang performance nung November 16 Silver concert niya si Regine Velasquez.

Sa SM Mall of Asia Arena pa rin gagawin ang January 5 Silver Rewind concert na ayon sa Songbird hindi na masyadong pagtutuunan ng rehearsal.

“Siguro isang rehearsal na lang yan, e. Baka kasi ano na lang...na-rehearse na naman namin ng bonggang-bongga, e. So, baka ako isang rehearsal na lang,” sabi pa ni Regine nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa Cravings Il Terrazo, Quezon City, nung December 19, Huwebes.

Ang mga guest na sa concert ni Regine ay sina Jaya, Rachel Ann Go, at ang La Diva.

“Plus yung two boys pa rin, si Janno [Gibbs] and Ogie [Alcasid].

“Si Michael V. wala na, kasi nasa Amerika, e. Sa 17 pa yata ang balik nila, e.”

Speaking of Jaya, nagkaroon pa ng issue nang hindi naging guest ang Soul Diva sa unang Silver show.

Iniintriga kasi kung bakit imbes na si Jaya ay si Lani ang naging guest ni Regine.

Sa muling pag-i-stage ng Silver concert ni Regine, si Jaya na nga ang guest.

“Kasi nga medyo madami nang umalis, wala na rin si Lani, so, we asked Iyay [palayaw ni Jaya] if she can make it.

“Sabi niya, okey naman. So, siya ngayon yung magge-guest.”

Sino ang kumumbida kay Jaya? Balita nga kasing nagkaroon sila ng issue nito nang hindi ma-invite para maging guest sa concert niya.

“E di kami,” sagot ni Regine sa tanong kung sino ang nag-invite sa Soul Diva.

“Wala namang isyu,” tanggi ng Songbird tungkol sa isyu diumano sa kanila ni Jaya.

“Nung hindi kinumbida, isyu, ngayong kinumbida, isyu pa rin?

“Um-oo naman siya agad,” sabi pa ni Regine.

Bukod kay Lani na pinalitan ni Jaya, may pinalitan din sa unang concert ang bago niyang guest na si Gloc-9.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kasi siya naman yung papalit kay KC [Montero]. And I think I’m also guesting in his concert.”


ACID REFLUX. May health precautions na ba si Regine ngayon para hindi maulit ang pagkakasakit niya in time for the January 5 repeat?

“Hindi, nagkasakit na ako, e. Tapos na. So, okey na yun,” ang natatawa niyang sinabi.

“I guess I just have to take vitamins and rest, that’s why I’m looking forward also to going to Australia kasi makaka-rest talaga ako doon.”

Kahapon, December 21, umalis sina Regine, Ogie, at ang anak nilang si Nate patungong Australia, kunsaan sila magpa-Pasko.

Pero kahit na sinabi ni Regine na hindi na siya babalikan ng sakit na dahilan ng pagkawala ng kanyang boses nung unang Silver concert, may mga bawal pa rin daw sa kanya.

“Ang bawal sa akin, juice. Anything that has acid. ‘Coz I have acid reflux and that’s causing, actually naman ngayon, iyon yung nagko-cause ng parang, kaya ako namamalat.

“Kasi masama yung acid reflux, di ba? Di ba nakakasunog? Puwede ngang sunugin yung vocal chords ko. So iyon.”

Ibinabalik ng sikmura ang pagkain at inumin sa esophagus o lalamunan ng taong may acid reflux o gastroesophageal reflux disease. Dahil dito, maaaring ma-damage ang esophagus o ang mismong diaphragm na siyang responsable sa pagkakaroon ng boses ng tao.

(Source: PubMed Health: Gastroesophageal reflux disease)

“Bawal akong mag-juice, chocolates, bawal ang any kind of mint, kasi may acid yung mint so ayun. Fruits, bawal.

“Pero for a while lang naman, kasi ‘pag nawala na…

“Water, I just have to keep drinking water.

“Sabi ko sa doktor ko, e, paano yung matamis, sugar?

“Basta hindi lang chocolate, so, okey naman.”

Kabilang daw sa mga bawal niyang kainin ay kahit na anong may dairy content, chocolates, ice cream, at cheese.

“For a while lang naman, kasi may medication naman ako for acid reflux.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


AIRING OF SILVER. Tinanong si Regine kung ipalalabas pa rin sa TV ang Silver.

“After natin matapos ng January 5, then ipapalabas siya kaagad.

“I think gusto nila na may kunin din sa una, e.”

Ang GMA-7 ang magpapalabas ng Silver concert sa TV.

“Kasi the first one was really...it was really memorable, dramatic, and we can’t do that anymore, di ba? Hindi mo na yun...yung feeling na yun hindi mo na yun magagawa ulit, e.

“So, I think they want to get some footages siguro from the first one.

“I dunno, I’m not sure,” banggit pa ni Regine.

Dodoktorin ba ang boses niya sa mga footages from the first Silver, ang pagpiyuk-piyok niya?

“Hindi, hindi naman madodoktor iyon, e.

“Siguro ipapakita lang nila what happened. Iyon, pero hindi naman siguro ipapakita yung mga…”


PARANOID FOR HEALTH. Dahil sa nangyari sa kanya, nagkaroon na ba siya ng paranoia o naging sobrang maingat na ba siya, lalo na sa pabagu-bagong panahon?

“Actually, hindi naman sa panahon. Medyo mas natatakot na ako, na kasi before nga I never lose my voice, e.

“Di ba parang okey lang kahit anong panahon?

“Siguro meron akong konting praning factor na, ‘Naku, baka mawalan na naman ako ng boses!’

“Kasi posible naman talaga na mawalan ng boses.

“So, for a while, I was like that. Especially, nung kakagaling ko lang.

“Pero ngayon, I figured, ‘E, kung mawawala ulit ano’ng gagawin ko?” sabay-tawa ng Songbird.

“Di ba? Wala ulit siya, itutuloy ulit yung show. Ano’ng gagawin ko, di ba? Ganun talaga yun, e.

“So, I tried to do my part na huwag pagudin masyado yung sarili ko or to get a lot of rest, to sleep. Huwag masyadong gamitin nang gamitin yung boses ko.

“Lahat ng precaution na puwede kong gawin, gagawin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero like I said, kung talagang tatamaan ka…like that night, that day, who would have thought, di ba?

“So, ganun lang, e. Wala, e, kung tatamaan ka ng sakit, ng virus, tatamaan ka talaga, e.

“So, usually naman pagka nagkasakit na ako, normally hindi naman na bumabalik. So, hopefully... I’m just gonna pray na everything will run smoothly, na I’ll have my voice and I’ll be able to entertain everybody,” pag-asam pa ni Regine.


HAPPY SHE PUSHED THROUGH. “Actually, surprisingly, hindi ako masyadong nalungkot.

“Kasi nga because of the overwhelming reaction of the crowd. So, parang…feeling ko, I was very loved by my audience.

“So, hindi ako...normally kasi pagsisisihan ko yung desisyon ko na tinuloy ko pa yung show, e. Normally ganun ako.

“Pero ngayon because of what happened, parang hindi ako nagkaroon ng ganun.

“Happy pa nga ako na I went through with the show kahit ganun ang nangyari, pero siyempre meron pa rin akong konting guilt na hindi ko na-entertain yung mga tao.

“But at least we’re doing it again, and iyon, hopefully, everything will turn out to be really, really okay.

“Oo, kasi yung speaking voice ko, medyo parang hindi pa siya bumabalik pa masyado. Kailangan ko ngang mag-speech something.

“Oo, parang ganyan, ‘yan yung sina-suggest ng doktor ko.

“But my singing voice is actually better. Better than my speaking voice.”


NOT TOTALLY FREE. Sa Silver Rewind, hindi naman daw lahat ay libre. Sina Regine at ang manager at kapatid niyang si Cacai Velasquez-Mitra ang producers ng concert.

“A little bit of the cost, kasi madami pa din, e. Like you can’t naman... I mean maraming nag-ano na free, like the venue, some of the musicians. But you still have the suppliers which is the one who’s going to do the stage.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“We’ll pay for that, the sounds and the whole orchestra, the lights. Actually, ang dancers parang nag-free din sila, my director also, the musical directors also, free.”

Si Rowell Santiago ang director ng concert, habang sina Ryan Cayabyab at Raul Mitra naman ang musical directors ng Silver.

“Kaya lang parang may seventy percent ka pa rin talaga [na babayaran] kasi like the orchestra marami silang masyado para i-free. So, ayun.

“And plus parang inisip nga namin, ‘Are we gonna do it talagang for free na talaga?’

“Parang we thought it would be unfair naman for those who bought tickets na, ‘tapos biglang ililibre namin yung iba.

“Kasi, it’s actually free for those who bought tickets, hindi siya talaga free-free concert.

“Ngayon all they have to do is go to any SM Mall, papapalitan lang nila yung tickets nila. Kasi iisyuhan sila ng panibagong ticket.

“Yung mga wala pang ticket, they can buy. Yung mga unclaimed tickets, yung mga hindi napapalitan, iyon yung ibebenta namin para ma-cover namin some of the costs.

“And then yung dating mga complimentary tickets, sorry, but bale ibibigay namin dun sa mga nag-sponsor ngayon, kasi nakakahiya naman if we… Di ba, kasi complimentary tickets nga?”

December 1 to 25 ang palitan ng tickets at kapag hindi napapalitan by Christmas ay hindi na puwede.

Starting December 26, hanggang January 5 ay magbebenta na ng tickets.

“Pina-prioritize namin yung mga ticket holders.

“Yung mga naka-standing room only, yung mga SRO na tickets, ‘pag merong nabakante dun sa area nila, pag may nabakanteng seats, priority sila. So, may chance sila na makaupo kung merong hindi mag-claim ng tickets sa kung saang area may upuan.”

Very thankful si Regine sa mga sponsors ng Silver tulad ng GMA Kapuso, Belo, Bench, PLDT MyDSL SMART, Victoria Court, at Cravings.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN