Katrina Halili and Kris Lawrence consider daughter Katrence their "good luck charm"

IMAGE Rommel Gonzales


Ginanap ang dedication ng anak nina Katrina Halili at Kris Lawrence kahapon, January 18, sa The Verandah function hall ng The Oasis sa Aurora Boulevard, Quezon City.

Ang buong pangalan ng baby girl nina Katrina at Kris ay Katrence Lawrence Halili Cadevida.

Ang celebrity godparents ni Katie (palayaw ni Katrence) na dumalo ay sina Mark Herras (na umalis agad dahil may rehearsal pa ng Party Pilipinas), Sunshine Dizon, ang talent manager na si Arnold Vegafria, at si Dennis Laurel.

Hindi nakadalo ang mga ninang na sina Marian Rivera at Jennylyn Mercado na parehong nasa Sinulog Festival sa Cebu. Wala rin sina Rachel Donaire at Nikki Gil.

Hindi rin nakadalo ang iba pang mga ninong na sina Billy Crawford, Mark Bautista, Gaby Eigenmann, at Nonito Donaire.

Ang ilan pa sa celebrity guests ay ang mga mga ka-batch ni Katrina sa StarStruck Season 1 na sina Yasmien Kurdi at Jade Lopez.

Kasama ni Yasmien ang kanyang mister na si Rey Soldevilla Jr. at ang kanilang anak.

Kasama rin ni Sunshine na dumalo ang mister niya na si Timothy Tan (isa rin sa mga ninong) at ang bunso nilang anak.

BACK TO SHOWBIZ. Nakakatuwang pagmasdan si Yasmien habang sinusubuan niya ng pagkain ang mister, na kalung-kalong naman ang kanilang anak.

Ayon kay Yasmien, pagkatapos niyang mag-breastfeed ng two or three more months ay magpapapayat at magbabalik-showbiz na siya.

Si Sunshine naman ay nagsimula nang bumalik sa pag-aartista sa isang episode ng Magpakailanman na ipinalabas last week.

Samantala, si Katrina naman ay magbabalik-showbiz na rin via Magpakailanman rin, kung saan ang true story niya ang isasadula. Si Kris din mismo ang makakapareha niya rito.

Ipalalabas ang Magpakailanman episode nina Katrina at Kris sa January 26, with the special participation of Katie mismo. May say o supervision daw sa script si Katrina

Pagkatapos ng dedication, isang video montage nina Katrina, Kris, at Katie ang ipinalabas at background music nito ang kantang “Make Me Whole” na si Kris mismo ang sumulat at kumanta.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


THE MOTHER. Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sina Katrina at Kris pagkatapos ng dedication ni Katie.

Ano ang pakiramdam ni Katrina ngayong naidaos na ang dedication ni Katie?

Sagot ng Kapuso actress, “Happy! Masaya po.

“Kasi siyempre, nandito yung family ko, yung family ni Kris, tapos yung mga ninong at ninang, di ba, so happy.

“Ang saya, masaya!”

Hindi naman daw nagtampo si Katrina kung hindi nakarating si Marian.

Kuwento niya, “Happy naman po ako kasi si Marian tumawag naman siya sa akin kanina bago yung dedication na hindi siya makakapunta, nasa Cebu kasi siya, e.

“Actually, last week ko pa alam na may Cebu siya.

“Tapos sabi ko, ‘Iku-confirm ko kaya si Yanyan?’ Kasi parang hindi siya nagte-text pa.

“Sabay sabi ko, ‘Confirm ko ba? Sige huwag ko na nga lang i-confirm, antayin ko na lang na mag-text or tumawag.’

“Tumawag naman siya bago ang dedication kaya sobrang masaya ako.

“Tinext ko nga siya, sabi ko, ‘Uy, thank you talaga, tumawag ka!’

“Kasi talagang nag-e-expect talaga ako, na nag-aano talaga ako na ‘Tatawag kaya siya?’ sabi ko.

“Paano kung hindi siya tumawag, para namang sabi niya, pupunta siya tapos hindi siya makakapunta, tapos hindi siya tatawag, di ba?

“At iyon nga, tumawag siya kanina kaya happy naman ako, masaya na ako dun.”

Kasal na ba ang susunod na paplanuhin nila ni Kris?

“Ano, wala pa, ano muna… pag-aalaga muna kay Katie,” nakangiting sagot ni Katrina.



THE FATHER. Ayon naman kay Kris, hindi niya maipaliwanag ang nararamdaman niya ngayong tapos na ang dedication ni Katie.

“It’s unexplainable, speechless ako. Just a great feeling.

“I’m happy that a lot of the guests came, yung mga ninongs at ninangs. Not everyone came but I understand na nasa Sinulog ang iba.”

Ang best friend ni Kris na si Jay-R ay hindi rin nakadalo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi niya, “Nasa States siya. Well, initially he went home for the holidays but I think he’s recording yata right now.

“So it’s understandable, everything’s work.”

Ngayong tapos na ang confirmation o dedication ni Katie, masasabi rin ni Kris na confirmed na confirmed na rin ang pagiging ama niya.

“Ah, yeah, yeah! You know, up to this day… to this day, I still don’t believe it sometimes.

“But iyon, at times like this, parang, ‘Wow, I’m really a dad!’”

Ano ang nasa isip ni Kris during the ceremony?

“Just, you know, stepping out of what’s really happening, looking around at what’s really happening and, you know, ‘This is really happening!’ Parang ganun.

“I’m really… I’m a father,” ang masayang sabi ni Kris.

Suportado ni Kris ang pagbabalik-showbiz ni Katrina.

“Sobra, yeah! Di ba ang payat niya ngayon? I run with her, I went on diet with her. Sinasabayan ko talaga.

“Also discipline. Siyempre minsan, pag may chocolates or pag may sweets, hindi niya matiis.

“So, you know, I’m there to remind her and give her the guilt trip na, ‘Uy, sige, pag kakainin mo ‘yan, bahala ka!’

Kasama si Kris sa Magpakailanman episode ng buhay ni Katrina.

“Excited and I’m nervous kasi kasama ko si Kat, she’s like one of the best actresses, so siyempre,” sabi ng singer tungkol dito.

Si Katrina naman daw ang magdidisiplina sa kanya sa pag-arte.

“Yes, magwu-workshop ako sa kanya!” sabay-tawa ng Party Pilipinas mainstay.

WEDDING PLANS. Ayon kay Kris ay meron na silang wedding plans ni Katrina.

“Yeah!”

This year?

“I don’t think this year but we talk about it. Mostly me, I joke about it.

“Yung mga jokes are half-meant na, ‘So baby, after this, after the dedication, what’s next, anong next event natin?’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Tapos gaganun, tataas yung eyebrows niya.”

May plano na ba na sundan agad si Katie?

“Sa ngayon, wala pa.

"Pero siyempre, nasa isip namin ang playmate ni Katie, na gusto namin it’s not that far of a gap, para hindi ganun kalayo.

“Ako talaga, gusto ko, latest three years or kung puwede dalawang taon, two years apart.

“Gusto ko boy naman para balance, a little Kris.”

Mas nadoble raw ang effort at drive ni Kris to work harder.

“Oh, yeah! Oh grabe, grabe! When Katie came out, it hit me na, ‘My gosh, I really have to work extra hard now.

“So ngayon, yeah, there are a lot of exciting things that are about to happen.

“And I think also, it’s Katie—she brought us so many blessings, she’s our good luck charm.

“So iyong mga susunod na projects are for her,” nakangiting sabi ni Kris.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN