Kris Lawrence on Katrina Halili as a mom: “Hands-on, feet-on, head-on… everything!”

IMAGE Noel Orsal

Hindi raw nararamdaman ni Kris Lawrence ang pagod sa trabaho kapag nakikita niya ang anak nila ni Katrina Halili na si Katrence.


Proud tatay talaga ang singer na si Kris Lawrence.

Kaya naman daw sa lahat ng kanyang mga pinagkakaabalahan ay inialay niya ito sa kanyang baby girl na si Katrence.

Magtu-two months na sa November 18 ang anak nila ng Kapuso actress na si Katrina Halili.

Sa ulat ng Ang Latest: Uplate ng TV5 noong November 14, inamin ni Kris na hindi niya nararamdaman ang pagod sa pagtatrabaho at sa pagiging ama dahil daw iba ang pakiramdam kapag kasama na niya ang bata.

Kuwento nito, “Siguro hindi ko nararamdaman sa sobrang saya because it’s so true—nawawala yung pagod mo, nawawala lahat ng stress pag nakita mo.”



KATRINA AS A MOM. Samantala, inihayag naman ni Kris kung gaano siya ka-proud sa ina ng kanyang anak na si Katrina.

Nakatutok daw ito talaga sa mga needs ng bata at kapag may oras daw ay nagwo-workout daw ito.

Aniya, “Just lately, we started playing badminton, she’s walking on a treadmill, not too much, but she’s still biking.

“She’s doing her mommy job like a hundred and fifty percent. Sobrang proud ako sa kanya.

“Hands-on, feet-on, head-on… everything!”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN