Kris Lawrence on wedding talks with Katrina Halili: "May mga joke-joke na half-meant!"

IMAGE Noel Orsal

Pahayag ni Kris Lawrence tungkol sa kasintahan niyang si Katrina Halili: “This experience has brought us so much closer. Sobrang hanga ako sa kanya. Hangang-hanga ako sa kanya sa pagiging mommy. She’s hands-on. She’s a super mom.”


Isang masiglang Kris Lawrence ang nabungaran ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) habang kausap ang ilang miyembro ng media sa lobby ng new building ng GMA-7 last Sunday, November 18.

Tungkol sa binyag ng baby nila ni Katrina Halili na si Katrence ang paksa ng usapan.

Sa January 20, 2013 nakatakdang ganapin ang binyagan.

WEDDING TALKS. Nangiti si Kris nang matanong kung pagkatapos ba ng binyag ay kasal naman nila ni Katrina ang sunod na aantabayanan

“Tapusin muna namin yung binyag, tapos bahala na,” sagot niya.

May initial talks na ba sila ni Katrina tungkol sa pagpapakasal?

“Uhm… may mga joke-joke. May mga joke-joke na half-meant!” sabay tawa ng Party Pilipina mainstay.

Patuloy ni Kris, “Kami ni Kat, we’re super-good.

“This experience has brought us so much closer,” pagtukoy niya sa pagiging proud parents ng baby nilang si Katrence.

“Sobrang hanga ako sa kanya. Hangang-hanga ako sa kanya sa pagiging mommy.

“She’s hands-on. She’s a super mom.”

HOLIDAY PLANS. This Christmas, plano raw nilang umuwi sa Palawan para makasama ang buong pamilya ni Katrina.

“Until New Year na siguro kami doon. Depende lang kung may countdown.”

Ang tinutukoy ni Kris ay ang New Year Countdown ng GMA-7, kung saan taun-taon ay maraming Kapuso stars ang nagpi-perform kasabay ng pagpapalit ng isang panibagong taon.

“Kung may countdown, babalik agad ako ng Manila. Maiiwan si Kat at yung baby namin para doon sila mag-New Year.”

BACK TO SHOWBIZ. January next year ang plano ni Katrina na maging aktibo ulit sa kanyang acting career. Hindi naman daw tutol dito si Kris.

“She has expressed to me na sobrang mahal niya yung trabaho niya. So, bakit ko siya pipigilan kung mahal niya ang trabaho niya?

“Whatever she wants to do, I’ll support her.

"As long as she’s happy, I’m happy,” nakangiting sabi ni Kris.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN