Marian Rivera, Jennylyn Mercado, Cristine Reyes, among godparents of Katrina Halili and Kris Lawrence's Baby Katy

Mar 11, 2013
Noong Martes, September 18, ipinanganak ni Katrina Halili ang anak nila ng nobyong si Kris Lawrence. Pinangalanan nila ang anak na babae nila ng Katrence Halili Lawrence Cadevida o Baby Katy. Nang tanungin kung kasunod na ang kasal, sagot ni Katrina: “Pangit naman na ipaplano namin ang kasal dahil sa baby. So, ‘pag talagang feel na feel na naming magpakasal, go!”

Ayon sa report ng Startalk TX kahapon, September 23, bago pa man manganak ay puspusan na ang paghahanda ni Katrina Halili sa paglabas ng kanilang anak ng nobyong si Kris Lawrence.

“Actually nakakatawa yung istorya, kasi ang sabi ng doctor sa akin kapag nag-contract ako ng dalawang beses sa eight minutes, pumunta na daw ako, ok na yun.

“’Tapos pagdating namin dito [sa ospital], nakangiti-ngiti lang ako, ‘tapos tsinek nila ako, hanggang sa tsinek nila yung contraction ko. Yun na, sunud-sunod na nga siya!

“Hindi ko nga lang siya talaga nararamdaman kasi mataas yung pain tolerance ko,” umpisang kuwento ni Katrina sa Startalk TX habang katabi si Kris.

At nitong Martes, September 18 bandang alas-siyete ng gabi, via caesarian section ay nagsilang si Katrina ng sanggol na babae na may timbang na 6.6 lbs. at pinangalanan itong Katrence Halili Lawrence Cadevida or Baby Katy.

“Ako, nakikita ko kamukha ni Kris,” sabi ni Katrina, na sinundan naman ni Kris ng pagsasabing, “Ako, nakikita ko, kamukha niya.”

Continue reading below ↓

“Pero sinasabi ng mga tao, ‘ayun… kamukha ko, kamukha daw niya.

“So, ako sabi ko, ‘Sige akin na lang yung kamay saka paa,” sabi na lang tuloy ni Katrina na ikinatawa ni Kris.

“Kasi nakikita ko kamukha niya, e,” turo pa ni Katrina sa tumatawang si Kris.

“Pero yung shape ng face niya akin, 'tapos yung dito, yung chin.”

Kay Kris naman daw nakuha ng bata ang ilong at mata.


KATRINA'S FIRST BREASTFEEDING EXPERIENCE. Kahit likas na matapang, hindi naiwasang mapaluha ni Katrina nang una nitong subukang i-breastfeed ang anak.

“’Tapos dito sa hospital, ayaw pa nila akong pabigyan ng milk. So, kailangan, ganun. Kasi meron siyang nasisipsip dun, e. Iyon yung importante, colostrum ang tawag, yung first milk,” nangingilid ang luha sa matang pag-aalala ni Katrina tungkol sa kanyang unang breastfeeding experience.

Matapos manganak, nasa plano na ba ni Katrina ang pagpapakasal?

“Pangit naman na ipaplano namin ang kasal dahil sa baby. So, ‘pag talagang feel na feel na naming magpakasal, go!”

Continue reading below ↓


THANKFUL TO GMA-7. Ang tiyak lang, babalik si Katrina sa showbiz.

“Sobrang thankful ako sa GMA-7, kasi iyon nga, nung nagpaalam ako sa kanila, pinayagan nila ako ‘tapos ni-renew nila ako ng contract.

“Tapos iyon nga, magsa-sign na kami pagbalik ko. Sa January.”

Nakatakda na rin ang binyag kay Baby Katy pati na ang line-up ng ninang at ninong nito.

“Medyo marami na po,” ayon kay Kris.



CELEB GODPARENTS. Kabilang sa mga nabanggit na celebrities sa lineup ng mga ninong at ninang ni Baby Katy ay sina Jay-R, Billy Crawford, Nikki Gil, Jennylyn Mercado, Mark Herras, Denise Laurel, Cristine Reyes, Paolo Contis, at si Marian Rivera.

“Actually tinext ko si Marian kanina, e. Excited nga siya.”

Sa third week ng January raw ang binyag ni Baby Katy, pagdating ng mommy ni Kris mula sa Amerika.

Ayon pa kay Kris, “When you look at your baby, parang sasabihin mo sa kanya, ‘Gagawin ko ang lahat para sa yo.’

Continue reading below ↓

“So, hindi mo talaga mararamdaman yung pagod 'pag nakikita mo siya.”

Si Katrina naman, “Super-excited kami sa kanya at saka super-love namin siya!”

Read Next
Read More Stories About
Katrina Halili, Kris Lawrence
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Noong Martes, September 18, ipinanganak ni Katrina Halili ang anak nila ng nobyong si Kris Lawrence. Pinangalanan nila ang anak na babae nila ng Katrence Halili Lawrence Cadevida o Baby Katy. Nang tanungin kung kasunod na ang kasal, sagot ni Katrina: “Pangit naman na ipaplano namin ang kasal dahil sa baby. So, ‘pag talagang feel na feel na naming magpakasal, go!”
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results