Kris Lawrence on dismissal of Katrina Halili's case against Hayden Kho Jr.: "Hindi naman kailangang problemahin. We’re in a new chapter in our lives."

IMAGE Noel Orsal

Walang pagsidlan ang kasiyahan ni Kris Lawrence sa nalalapit na panganganak ng girlfriend niyang si Katrina Halili. Aniya, “What keeps me going strong is just seeing her. Kapag nakikita ko yung tiyan niya, sobrang nag-i-smile lang ako. Lalo na, you know, this is huge news! We’re gonna be responsible for another life."


Kapansin-pansin ang pagiging masaya at excited ng singer na si Kris Lawrence nang makakuwentuhan siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa Party Pilipinas kahapon, August 19.

Masaya siyang nagkuwento tungkol sa nalalapit nang panganganak ng girlfriend niyang si Katrina Halili sa kanilang anak.

“She’s good! She’s really good. We’re both excited.

“September 17 ang sabi ng doctor. Pero, I know, puwedeng mapaaga o kaya ay ma-late ng one week or two weeks.

“Sobrang alaga niya… she’s always taking her vitamins. Always sleeping early,” sabi ni Kris tungkol kay Katrina.

May naisip na rin daw silang pangalan para sa kanilang baby girl: “Katrence.”

Paliwanag ng R&B singer, “Well, it’s Katrina and Lawrence merged into one. And I wanted something unique na name kaya iyon ang naisip namin.”

BABY SHOWER. Kumpleto na ba ang mga gamit ng parating nilang baby girl?

“Uhm… hindi pa. We’re waiting for the baby shower.

“Kasi a lot of people’s recommendation, huwag munang mag-shopping. Hintayin muna raw yung baby shower.

“'Tapos saka na lang kami bumili kung ano pa yung kulang.”

First week of September daw ang plano nilang mag-baby shower, pero hindi pa sila nakakapag-invite.

“Siguro this week, we’ll gonna send out invitations.

“Yeah, for close friends lang… yung dito sa Party Pilipinas.”

Binanggit ni Kris ang mga kasamahan niya sa show na sina Jay-R, Mark Bautista, Rachelle Ann Go, Dennis Trillo, Mark Herras, Ynna Asistio, Jennylyn Mercado, at Geoff Eigenmann.

Dagdag niya, “I think she’s inviting Marian also. Ninang yata si Marian!”

Ang tinutukoy ni Kris ay si Marian Rivera na co-star ni Katrina sa huli niyang teleserye, ang My Beloved.

Matatandaang nagkaroon ng alitan sina Katrina at Marian habang ginagawa nila ang serye, ngunit nagkaayos din sila sa huli.

GETTING BORED. Kuwento pa ni Kris sa PEP, sa bahay lang daw madalas si Katrina ngayon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi ba ito nabu-bore?

“I feel that she’s getting bored sometimes. That’s why as much as possible, I try to keep her company.

“You know, it’s all part of it.

“Uhm, lahat naman ng nag-a-advice sa kanya, ‘Ganyan talaga, Mare, mabu-bore ka talaga.’

“So it’s actually good kasi now she’s learning how to spend time alone.

“Lumalabas din kami kung minsan. Actually, lately, napapadalas kami na manood ng movie, gumala lang sa mall.

“Uhm… finding excuses lang para lumabas na, ‘Mag-grocery tayo, mag-ganito tayo,’” bahagyang natawa si Kris.

Kapag nasa bahay lang si Katrina, ano ba ang karaniwang ginagawa nito?

“Naglalaro ng games… minsan nagluluto. Masarap siyang magluto. Sobrang sarap niyang magluto!”

KATRINA’S MOODS. Nagiging moody at temperamental din ba si Katrina kagaya ng ibang nagbubuntis?

“Minsan po!” sabay tawa ni Kris.

Sinusungitan siya?

“Yes!” tawa ulit niya.

Paano ba ito magsungit sa kanya?

“Halimbawa lang, ‘Baby, gusto ko ng ganito, gusto ko yung kulay blue.’

“Ako naman, ‘Okey, sige.’ So, lalabas ako, bibilhin ko.

“Tapos, ‘Baby, o heto na yung kulay blue…’

“Then siya naman, ‘Ano ‘yan, sabi ko black, gusto ko black!’

“Parang gano’n!” tawa ulit ni Kris.

“So… okey, black.”

Hindi naman nauubos ang pasensiya niya kapag ganoon si Katrina?

“Hindi naman.

“What keeps me going strong is just seeing her.

“Kapag nakikita ko yung tiyan niya, sobrang nag-i-smile lang ako.

“Lalo na, you know, this is huge news! We’re gonna be responsible for another life.

“So, sobrang natutuwa kami.

“Lagi kong kinakausap bago matulog. Uhm… kinakantahan ko yung baby.”

Posible ba na matapos makapanganak si Katrina ay sunod naman nilang pag-usapan ang pagpapakasal?

Sagot ni Kris, “Hindi pa namin napag-uusapan ang tungkol do’n.

“But… we’ll know when it’s time. We’ll know when it’s time.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

DISMISSAL OF CASE. Ano naman kaya ang saloobin ni Katrina matapos ma-dismiss ng Court of Appeals ang kasong Republic Act No. 9262 (Anti-Violence Against Women and Children Act) na isinampa nito laban kay Hayden Kho?

(CLICK HERE to read related story.)

Sabi ni Kris, “She’s okay, yeah! Everything is fine.

“You know, she’s trying to move forward. Move forward and just keep going forward.”

Bagamat na-dismiss muli ang kaso sa ikalawang pagkakataon, balak daw ng kampo ni Katrina na maghain ng motion for reconsideration.

May nai-advice ba si Kris kay Katrina hinggil dito?

“We really didn’t talk about it that much. But, you know, like I said, we’re just always pushing forward.

“And hindi naman kailangang problemahin. We’re in a new chapter in our lives.

“So we’re gonna concentrate on this [having a baby].

“And this is bringing so much happiness to us. You know, it’s such a blessing.

“And there’s no use of thinking negative things.

“So, it’s such a blessing in our lives. So we’re just gonna keep pushing forward—and it’s gonna be beautiful.”

Suportado ba niya si Katrina sakaling i-appeal nito ang kaso laban kay Hayden?

“Whatever she wants to do, I’ll support her,” tugon ni Kris.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN