Lovi Poe on how to bring out your inner goddess: “Love yourself.”

IMAGE Noel Orsal

Lovi Poe’s advice on how to bring out your inner goddess: “You should love yourself for who you are naman, e. Ito... sexiness should come from within, with your confidence— I think that’s good enough. You shouldn’t be conscious about these things. Love yourself.”


Isa si Lovi Poe sa mga hinahangaang female celebrities ngayon, dahil sa kahusayan ng kanyang pagganap mapa-bida man o kontrabida.

Kaya naman tingin ng ilan, isa si Lovi sa mga nakapagbago ng trend pagdating sa pagpili ng mga bidang babae, na kadalasan ay mestiza.

“Wow!” ang naging reaksyon ng morenang aktres nang mabanggit ito ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ibang entertainment press sa kanya noong Marso 11.

“I don’t know, I just never ano… I never find being tan and everything a hindrance.

“I really love it, actually.”

Nakausap ng PEP si Lovi sa set ng pelikulang The Bride and The Lover sa Fernwood Garden, sa Project 6, Quezon City.

THE SEXY IMAGE. Isa rin sa kinahahangaan ng mga kalalakihan kay Lovi ay ang kanyang natural appeal at sexy na pangangatawan.

Pero para sa Kapuso actress, medyo “weird” para sa kanya kapag tinatawag siya na “sexy.”

Hindi naman daw kasi niya inaasahan ang ganoong image sa kanya, lalo na at medyo wholesome ang imahe niya nang magsimula siya sa showbiz.

Ang kanyang unang major character na ginampanan ay bilang si Kristal, ang magandang anak ni Bakekang sa GMA-7 primetime drama series na Bakekang (2006).

Maging sa pagme-maintain nga raw ng magandang pangangatawan ay hindi masyadong nag-e-effort si Lovi.

Aniya, “It's hard kasi when you watch [your diet too much].

“It’s not wrong to take care of yourself, but not super na you deprive yourself na, tama lang siguro.”

LAID BACK. Ang totoo raw, “laid back” o “cowboy” si Lovi sa likod ng camera.

Kapag ordinaryong araw lang o kapag nasa bahay lang siya, kadalasang sinusuot niya’y... “Naka-malaking T-shirt. Mas masarap kasi kapag kumportable.”

Tanda pa nga raw niya noon, mayroong sumubok na baguhin ang ugali niya o baguhin siya, pero hindi raw ito nagtagumpay.

“Wala, ako matigas ang ulo ko, e. When I’m being dictated, I was like, ‘Whoa!’ Ako, the more comfortable the better.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Si Heart [Evangelista] lang ang nagturo sa akin mag-ayos, mag-heels and everything,” natatawa pang pag-alala ng aktres.

Kaya naman ang payo ni Lovi sa mga kababaihan, “You should love yourself for who you are naman, e.

“Ito... sexiness should come from within, with your confidence— I think that’s good enough.

“You shouldn’t be conscious about these things. Love yourself.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN