PEP FORUM: Female Kapuso stars share the life lessons they've learned as celebrities

IMAGE Noel Orsal


Lovi Poe, Sheena Halili, and Max Collins have been in the industry for some time now. As they continue to follow their respective paths to fame and fortune, they have also learned invaluable life lessons that will guide them all their lives.


Malaking bahagi ng buhay ng bawat tao ang mga pagsubok.

Ito ang maaaring magpabagsak o magpatatag sa isang tao, depende kung papaano dinadala at hinaharap.

Gaya ng karamihan, marami ring pinagdaraanan ang mga paborito nating artista— lalo na kapag inuulan sila ng kabi-kabilang kontrobersiya.

Pero gaano man kahirap ang mga ito, sa bawat dumadating na intriga o problema sa trabaho, ay mayroon silang natututunan.

Kaya naman inalam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) mula sa ilang Kapuso stars ang mga natutunan nilang aral sa buhay bilang artista.

BE TRUE TO YOURSELF. Ang pagiging totoo sa iyong sarili ang unang aral na natutunan ni Max Collins nang pasukin niya ang showbiz.

Aniya, kapag kasi hindi mo kilala ang iyong sarili, maaari kang baguhin ng showbiz.

“It’s so hard to not change because we're constantly growing as artists more than people, sometimes, sa school.

“Kasi iba lagi ‘yong pinapasubok sa amin, so we're constantly growing. But sometimes we forget kung ano ‘yong importante.

“So, being true to yourself is so important.”

Nalaman din ni Max kung gaano kahalaga ang maging positibo ka lagi anuman ang nangyayari sa personal na buhay mo o sa iyong career.

“Napatunayan ko ‘yan sa sarili ko,” wika ng Kapuso actress.

“That really works, kasi before, kapag medyo negative ako or pessimistic, hindi dumadating ang blessings because I’m not open.

“But when I’m positive and I leave it up to God, tuluy-tuloy ang blessings.”

GIVE YOUR BEST. Natutunan naman ni Lovi Poe kung gaano kahalaga na ibigay ang “best” sa bawat proyektong ginagawa.

Lalo na sa tulad niyang kabi-kabila ang commitments, napakahalaga ang oras na kanyang ginagamit sa bawat eksenang kinukunan niya.

Ani Lovi, “You should always give your best in everything that you do, so that you don’t have to repeat it or do it all over again.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“It’s something that I learned way back in high school, naalala ko ‘yon, so that hindi ka paulit-ulit.

“Kasi you always want to make it perfect sa first shot pa lang.”

LEARN TO SAY “NO.” Ang matutong tumanggi naman ang importanteng aral na nakuha ni Sheena Halili mula sa kanyang pag-aartista.

Hindi kasi maiiwasan na minsan ay sunud-sunod ang dating ng mga commitments na kailangang gawin ng isang personalidad, lalo na kung siya’y nasa kasagsagan ng kanyang career.

Pero napuna ni Sheena sa sarili na hindi rin maganda na tanggap ka lamang nang tanggap.

“Kasi magpo-provide naman si Lord,” paliwanag ni Sheena.

Ngunit ang pinakamahalaga raw sa lahat, huwag na huwag kang mawawalan ng pananampalataya sa Panginoon.

Ani Sheena, “Kahit anong mangyari at gaano ka busy, ‘wag ka dapat mawawalan ng time kay Lord, sa church, at sa family mo— mapapagod ka talaga!

“Parang refreshing ang feeling pag nakakarinig ka ng word ni God every week, para din may guide ka sa lahat ng desisyon mo and siyempre same with family and parents.”

Bawat isa sa atin ay mayroong napupulot na aral mula sa pinagdaraanan natin sa buhay.

Nasa atin na lamang kung tatanggapin at kapupulutan ito ng aral o babalewalain lamang ang mga ito.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN