COUPLE OF THE WEEK: Is this the end for Jessy Mendiola and Matteo Guidicelli?

IMAGE Courtesy of ABS-CBN

Totoo nga kayang si Jake Cuenca (gitna) na ang magiging bagong ka-loveteam ni Jessy Mendiola (kaliwa)? Kung gayon, paano na ang umuusbong na pagtitinginan ng aktres at ni Matteo Guidicelli (kanan)?


Kasabay ng halos limang buwang itinagal ng Precious Hearts Romances Presents: Paraiso, nakita ng publiko ang pag-usbong ng pagkakaibigan ng lead stars nitong sina Jessy Mendiola at Matteo Guidicelli.

Mula sa pagiging simpleng magkatrabaho— minsan na nilang nabanggit sa PEPtalk na wala silang anumang ugnayan bago nagsimula ang show— ngayon ay halos hindi na mapaghiwalay ang dalawa.

[CLICK HERE to watch PEPtalk]

Sa katunayan, nito lamang Holy Week ay muling ipinamalas ni Matteo ang pagiging sweet niya sa kanyang leading lady, nang i-tour niya ito sa private beach property ng kanilang pamilya sa Cebu.

[CLICK HERE to read related article]

Bukod pa dito, may ilang beses na ring nakikitang sweet sila sa isa’t isa.

Ilang larawan nina Jessy at Matteo na lumabas sa photo-sharing application na Instagram ang nagpapakitang madalas magka-holding hands ang dalawa, na ayon naman kay Matteo ay inaalalayan lamang niya ang leading lady niyang noo’y nakasuot ng high-heeled shoes.

Noong nakalipas na Valentines’ Day, magkasama ring nanood ng Foursome concert ang dalawa, kasama ang director nila sa program na si Rechie del Carmen.

THE END OF MATTEO-JESSY LOVETEAM? Sa pagtatapos ng kanilang programa bukas, Abril 5, pinangangambahan ng maraming fans na magtatapos na rin ang kanilang tambalan.

Ayon kasi sa isang source na nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal), hindi raw si Matteo ang magiging ka-partner ni Jessy sa umano’y napipinto nitong pagganap sa remake ng Mexican telenovela na Maria Mercedes.

Bagamat wala pang opisyal na pahayag mula sa management ng ABS-CBN tungkol sa final casting ng proyekto, ang pagganap ni Jessy sa naturang karakter sa lalabas na Summer Station ID ng network ay isang matibay na senyales na siya na nga ang gaganap sa role na pinasikat noon ng international star na si Thalia.

Si Jake Cuenca naman ang napapabalitang gaganap bilang Jorge Luis, ang kapareha ni Maria Mercedes na pinasikat ng Mexican actor na si Arturo Peniche, ayon pa rin sa PEP source.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dagdag pa nito ay nalungkot daw si Matteo nang ibalita sa kanya ng management na hindi na sila magkakasama ni Jessy sa isang show.

Ang tanong: Kung matuloy ang paghihiwalay ng tambalan nina Matteo at Jessy, kasabay rin kaya nitong maputol ang pagkakamabutihan nila?


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN