Angeline Quinto to undergo cosmetic surgery

IMAGE Noel Orsal

Angeline Quinto on how she was convinced to undergo cosmetic surgery: “Ito naman, alam ko naman kasi na makakatulong sa 'kin, lalo sa trabaho ko. Matagal ko na ring sinasabi sa iba, kumbaga sabi ko nga, hindi naman ako mahihiya sa mga tao kung ano talaga 'yong totoo... nakita niyo naman 'yong itsura ko noon!"


Sasailalim sa cosmetic surgery si Angeline Quinto.

Ayon sa ulat ng ABS-CBN News ngayong araw, Abril 18, ipapagawa ng Kapamilya talent ang kanyang ilong, mata, pisngi, kili-kili at likod sa celebrity doctor na si Vicki Belo.

Isa si Angeline sa mga endorsers ng Belo Medical Group na pag-aari ni Dra. Vicki.

Ayon kay Angeline, napagdesisyunan daw niyang ipaayos ang kanyang ilong dahil maraming nagsasabing “disproportionate” ito sa laki ng kanyang mukha.

"Matagal ko nang sinasabi na sana, kung may chance, mapagawa ko 'yong ilong ko,” pag-amin ng singer-actress.

“Kasi dati pa naman marami nang nagsasabi sa akin na parang hindi raw proportion 'yong ilong ko sa mukha, kasi medyo malaki.

“So ngayong mas pumayat ako, mas lalong napansin ng mga tao na malaki pala 'yong ilong ko talaga.”

Bukod pa sa pagpapagawa ng kanyang ilong, ipapa-enhance din daw ni Angeline ang kanyang mata, na maraming nagsasabing parating mukhang “sad.”

Sasailalim din sa liposuction procedure ang 23-year-old na aktres, upang matanggal ang taba nito sa likod, dahil napuna raw niyang “madalas akong nagsusuot ng gown na fitted, kaso meron pa ring baby fats, so nahihiya ako, so kailangan ko ipatanggal talaga.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Inamin din ng aktres na noon pa siya mayroong glutathione treatments at “nagpapagawa ng botox sa kilikili kasi nga medyo pawisin 'yung kilikili ko talaga.”

THE PROCEDURES. Samantala, ipinaliwanag naman ni Dra. Vicki Belo ang mga procedures na gagawin kay Angeline, upang mas maintindihan ito ng mga tao, lalo na ang concerned fans ng Kahit Konting Pagtingin star.

Una niyang ipinaliwanag ang pinaplano niyang gawin sa ilong ni Angeline, na inilarawan niyang mayroong “Pinocchio tip.”

“Most Pinoys nagpapagawa dahil kulang iyong bridge,” wika ni Dra. Vicki.

“Pero iyong kay Angeline, mataas iyong bridge niya. Ang problema natin iyong tip, masyadong mahaba, parang kaunting Pinocchio type.”

Habang ang kaso naman daw sa mata ni Angeline na mukhang “sad” ay tinatawag na “ptosis.”

Paliwanag niya, “Iyong lid medyo mababa... it's also hard for her to put makeup and sometimes mukhang heavy iyong lid.

"So ang gagawin, iyong magmukha siyang bright-eyed at para may kaunting fold siya, so pag naglalagay siya ng makeup, hindi siya mahihirapan.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Isang pang tinitignan ni Dra. Vicki ay ang pisngi ni Angeline, na sabi niya ay kailangan ng “kaunting filler lang, kasi may pagka-flat lang siya dito (sabay turo sa kaliwang pisngi ni Angeline), para magkaroon ng mas malaman.

“Kasi maganda na iyong cheekbone, pero hindi pantay iyong right and left niya.”

Isasagawa raw ang mga procedures na ito kay Angeline sa darating na Sabado, Abril 20.

Samantala, nang tanungin naman ang ASAP regular kung paano siya napapayag na gawin ang mga procedures na ito, ang sagot ng dalaga ay, "Ito naman, alam ko naman kasi na makakatulong sa 'kin lalo sa trabaho ko.

“Matagal ko naring sinasabi sa iba...

"Kumbaga sabi ko nga hindi naman ako mahihiya sa mga tao kung ano talaga 'yong totoo—nakita niyo naman 'yong itsura ko noon!" pagtatapos niya sabay tawa nang malakas.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN