Bea Binene pushes for environmental awareness

Apr 24, 2013
It's been a long-time dream of Bea Binene and her mom to put up their own foundation that would push the causes they're advocating. But while they haven't done that yet, the teen star supports other groups by lending her time and celebrity status to create more awareness among the youth.

Isa na namang cause-oriented endorsement ang tinanggap ni Bea Binene bilang pagtulong upang maipalaganap ang environmental awareness sa lahat ng mga kapwa Pilipino.

Kamakailan ay ginawaran ng plaque of appreciation ang Kapuso teen star, ng Philippine BioChar Association para maging isa sa mga celebrity ambassadors nito.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Bea nong Biyernes, Abril 19, sa isang restaurant sa Quezon City, ipinaliwanag nito ang pakay ng nasabing grupo at kung ano ang magiging role niya dito.

“Bio-Charcoal po iyon. Foundation po.

“Iyan po iyong charcoal na imi-mix mo sa soil para po sa mga famers para po sa maha-harvest nilang crops. Toxic-free po, chemical-free po, environmental friendly.

“Na-involve po ako diyan kasi po iyong isang officer po doon, galing po siya ng Haribon Foundation. E, Haribon [member] din po ako.

“So, alam niya na gusto ko iyong mga ganyan na pumu-protect kay Mother Earth, tumutulong sa pagpi-preserve ng environment.

Continue reading below ↓

“So, sinama niya ako and bagong advocacy ko po ito,” pahayag niya.

Ano ba ang magiging role ni Bea bilang ambassador?

“Siyempre po, spread the word to promote bio-char… to use bio-char, influence them to use bio-char. At kung may extra time, sasama ako sa mga events nila.

“Nagpunta na po ako sa Zambales, briefing po ng procedure kung paano iyong paggawa ng bio-charcoal,” kuwento niya.

LONG-TIME ADVOCATE. Matagal nang nagbabalak si Bea at ng ina niyang si Mommy Carina na magtayo ng sarili nilang foundation.

Subalit naantala ito nang magkaroon sila ng issue sa abugadong si Ferdinand Topacio.

[CLICK HERE to read related article]

Kaya naman sumasapi na lang muna si Bea sa iba’t ibang mga foundation para tumulong, gaya ng Kapuso Foundation, “I Am A Girl” at “Climate Change Awarenesss” campaigns ng Plan International, at ng PAGASA, kung saan naging speaker na siya sa ilang gatherings.

Paano naisisingit ni Bea sa kanyang busy showbiz schedule ang pag-asikaso sa mga advocacies na ito?

Continue reading below ↓

“Kaya naman po. Basta may time at pag gusto mo talagang makatulong, magagawan naman ng paraan,” sagot niya.

Read Next
Read More Stories About
Bea Binene
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
It's been a long-time dream of Bea Binene and her mom to put up their own foundation that would push the causes they're advocating. But while they haven't done that yet, the teen star supports other groups by lending her time and celebrity status to create more awareness among the youth.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results