TV5 Chairman Manny V. Pangilinan intends to increase stake in BusinessWorld to more than 50 percent

IMAGE File Photo


Ayon kay Manny Pangilinan, ang BusinessWorld ay magiging instrumento nila para sa pagkakaroon ng “better analysis of business development in the country.”


Sinabi ni Manuel V. Pangilinan, chairman ng Philippine Long Distance Telephone Company (PLDT) at MediaQuest Holdings, Inc. na iaangat nila ng higit sa 50 percent ang stake o pag-aari nila sa BusinessWorld, ang kauna-unahang business newspaper sa bansa.

Sa kasalukuyan, may 30 percent share na ang kumpanya ni Pangilinan sa business broadsheet.

Dagdag pa ni Pangilinan, inaasahan nilang maisasakatuparan nila ito bago matapos ang taon.

“I think BusinessWorld needs money with respect to its retirement of its pension fund and maybe certain working capital requirements.

"So we are prepared to inject [the] cash needed for those purposes, subject to further discussion with the pension fund people," ani Pangilinan, nang makapanayam siya ng media noong Biyernes, Mayo 3, sa launch ng News 5 Everywhere—ang interactive news portal ng TV5.

Sakop ng MediaQuest ang media assets ng PLDT. Kabilang dito ang TV5, Cignal, Philippine Star, Philippine Daily Inquirer, BusinessWorld, at Interaksyon.net.

Sumunod na itinanong kay Pangilinan ang kahalagahan ng mas malaking share o ownership sa BusinessWorld.

Tugon niya, “It’s really the ability to cover business news more effectively for the group in a fair and objective way.

"We’d like to maintain the integrity of the paper as such, which I think under Mr. [Raul] Locsin has been their [objective]."

Si Locsin ang siyang founder at tumatayong editor-in-chief ng broadsheet.

Hanggang saan ang magiging sakop nila pagdating sa kabuuang nilalaman ng pahayagan?

"In terms of the actual content itself there would be integration. But in terms of actual formulation of the content, we want it to be an independent media company."

Dagdag ni Pangilinan, “We need a better analysis of business development in the country.”

Bukod sa pagiging daily edition, may plano rin siya para sa weekend edition ng broadsheet.

"There's a probability that we can consider a weekend edition that summarizes the news of the week.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


“Ako, ang model ko is the Financial Times,” pagtukoy niya sa international business at information financial broadsheet.

“It's written very well and the analysis is very good and the language of Financial Times is excellent."

Pero paglilinaw ng TV5 Chairman na hindi sila nakikipagkumpitensiya sa ibang broadsheets.

Ang pagkuha ng mas malaking stake sa BusinessWorld ay hudyat din ng preparasyon ni Pangilinan sa paglulunsad ng all-English news channel nito, ang CEO TV.

Ipinahayag din ni Pangilinan na ang PLDT ay nakikipag-usap sa Philippine Star upang dagdagan ang kanilang kasalukuyang 20 percent stake, samantalang wala naman silang planong itaas ang 18 percent ng PLDT group sa 18 percent stake nila sa Philippine Daily Inquirer.

Nauna nang naiulat na inaprubahan na ng PLDT board ang P750-million investment sa media assets nito upang maging multimedia service company ang PLDT group.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN