Grace Poe Llamanzares hopes to continue her father’s legacy

IMAGE Allan Sancon

Aminado si Grace Poe Llamanzares na noong una ay wala sa kanyang isipan na pasukin ang pulitika. Ngunit matapos pumanaw ang kanyang amang si Fernando Poe Jr., na tumakbo sa pagkapangulo noong 2004, inamin ni Grace na “it’s always been my intention to preserve the legacy of my dad.”


Si Grace Poe Llamanzares ang nangunguna ngayon sa senatorial race sa katatapos lamang na May 2013 election.

Gabi pa lamang ng Mayo 13, ang pangalan na niya ang nasa unahan ng listahan, hanggang sa kasalukuyang sinusulat ang artikulong ito.

Mayroong ilan na nabigla sa desisyon ni Grace na pasukin ang pulitika. Pero ang ilan, inasahan na ito, lalo pa at noong 2004 ay tumakbo sa pagkapangulo ang kanyang ama na si Ronald Allan Kelley Poe o mas kilala bilang Fernando Poe Jr.

Kaya binalikan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kung paano mula sa pagiging isang simpleng mamamayan ay napasok sa pulitika si Grace Poe Llamanzares.

EARLY CAREER. Ayon sa January 2013 issue ng YES! magazine, hindi nalilinya sa pulitika ang karanasan ni Grace noong nagtatrabaho siya sa Virginia, United States, kung saan nakatira ang kanyang pamilya.

Bagamat nakapagtapos ng kursong Political Science sa Boston College, Massachusetts, tatlong taon munang naging pre-school teacher si Grace.

Sumunod ay naging procurement liaison department ng United States Geological Survey, at 2001 ay lumipat naman sa CSC Scientific Inc.

TURN OF EVENTS. Pero Disyembre 2004, nagbago ang takbo ng buhay ni Grace.

Kinailangan niyang bumalik ng bansa dahil na-stroke ang kanyang ama na si FPJ, pitong buwan matapos matalo sa May 2004 presidential election.

Noong mabalitan ni Grace ang nangyari sa kanyang ama, “My God, I couldn’t talk. My knees stated wobbling, na parang I couldn’t move.

“I had a feeling na eto na ‘yon, that finally all of the frustrations of the campaign and then all of the physical stress finally caught up, after so many months.”

Aminado si Grace na bagamat umaasa siyang malagpasan ng ama ang sakit nito, handa na rin siya sa maaaring mangyari.

Hanggang noong Disyembre 14, 2004, pumanaw na si FPJ, at hindi na siya inabutan ni Grace.

“They tell me that he passed away when my mother whispered to him that I had landed at the airport.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Knowing my dad, he didn’t want me to see him suffering or in pain. So when I saw him, it was as if he was just asleep, and his body is still warm.”

Matapos ang pagpanaw ng kanyang ama, nagdesisyon si Grace at ang kanyang asawa na si Neil Llamanzares na manatili na sila sa Pilipinas.

FIRST POLITICAL EXPERIENCE. Anim na taon matapos tumakbo sa pagkapangulo at pumanaw ni FPJ, naganap naman ang 2010 presidential election.

At ang pumalit sa administrasyong Arroyo ay ang administrasyon ni incumbent President Benigno “Noynoy” Aquino III.

Apat na buwan matapos iproklama at manumpa ni PNoy, kanyang itinagala si Grace Poe Llamanzares bilang Chairperson ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB).

Noong una ay nagdalawang-isip si Grace na tanggapin ang naturang posisyon dahil “ayokong mgaing kontrabida. Mamaya ‘yan, kainisan pa ako ng mga tao.”

Isa pa niyang dahilan ay ang hindi magandang sistema ng MTRCB ng mga panahong iyon.

Pero naisip niya, “Whatever responsibility is given to you, you can change things if you’re primarily responsible.

“Sabi ko, ‘Ano nga ba’ng ayoko sa mga dating MTRCB? Unreasonable, unpredictable… Meron naman tayong ibang pananaw, how to do things more diplomatically.’

“Sabi ko, ‘Sige, I’ll give it a try.”

CONTINUE FPJ’S LEGACY. Dalawang taon din nanilbihan si Grace bilang Chair ng MTRCB.

Hanggang Oktubre 2012, marami ang nagulat nang isa siya sa mga mag-file ng certificate of candidacy sa pagka-senador, sa Commission on Elections (Comelec).

At ang nagtulak sa kanya na gawin ito: “It’s always been my intention to preserve the legacy of my dad.

“I want to make sure naman na, even through me, whatever his dreams were for the country, and also his memory, would be alive if I can continue that public-service aspect.”

Buo naman daw ang naging suporta ng kanyang ina na si Susan Roces sa kanyang desisyon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nakatutuwa rin daw ang naging suporta ng tatlo niyang anak na sina Brian, Hanna, at Nika.

Kuwento pa nga ng asawa ni Grace na si Niel, “Si Brian nga is her campaign coordinator, so he’s really like one hundred percent involved. He’s also a PolSci major, so he somehow enjoys it also.

“Si Hanna and Nika naman, they’re just taking it in stride.

“Siyempre, we don’t expect them to be so involved in the campaign. Even Hanna, I would tell her, ‘Just enjoy high school, ganyan,.’

“Every now and then she’ll go to a [campaign] sortie, just so she knows the experience.”

Aminado si Grace na hindi madali ang kanyang pinasok, lalo na dahil sa showbiz at hindi sa pulitika ang iniikutang mundo ng kanyang pamilya.

Aniya, “it’s very difficult because my family’s orientation is not naman really politics, di ba? It’s more like show business.

“But thankfully, FPJ was able to build enough goodwill during his lifetime that a lot of people naman are willing to help me.

“Even if they have no direct relationship or whatever, they just like my dad, so they offer advice, they offer assistance.

“Plus, our friends in showbiz are really supporting me, so that helps kahit papa’no.”

Dagdag pa niya, “Ang lamang ko naman sa kanila, ‘yong pagmamahal ng taong-bayan kay FPJ. Kahit papa’no marami pa rin ‘yon, di ba?

“So, the challenge now is to be able to convince them that I am worthy of continuing that legacy.

“That’s why I urge them also to look at my track record…”

At kung sakaling masungkit niya ang isang puwesto sa senado, ang uanng bibigyang-pansin daw ni Grace ay “’yong magkaroon ng standardized feeding program sa lahat ng elementary schools, kasi meron nga, but not in all places.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Marami kasing tumitigil sa pag-aaral dahil walang pagkain, which is so absurd.

“We cannot expect progress if our children, the next generation, are not properly protected.

“So, mga child-welfare initiatives talaga ‘yong gusto ko.”

Ngayong malaki ang tsansayang mailuklok siya bilang senador, nakamasid ang publiko sa mga magiging hakbang ni Grace upang ipagpatuloy ang legacy ng kanyang amang si FPJ.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN