Ai-Ai delas Alas and Jed Salang’s “time will tell” love story

IMAGE Noel Orsal/Instagram


Age didn’t matter to Ai-Ai delas Alas and her new husband, Jed Salang, when they decided to get into a relationship. Though they had their own share of ups and downs, they proved that in time, their love will eventually prevail.


Love always prevails.

Ito ang pinatunayan nina Ai-Ai delas Alas at Jed Salang nang sila’y magpakasal nito lamang Abril sa Las Vegas.

Bago nauwi sa dambana ang kanilang isang taong relasyon, marami ring pinagdaanang unos ang dalawa.

Kaya naman babalikan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang ilang mga pangyayari sa relasyon nina Ai-Ai at Jed bago sila nagpalitan ng “I do’s.”

PEP SPOTTED. Nagsimula ang usap-usapan tungkol sa pagkakaugnay ni Ai-Ai sa isang car company executive noong huling bahagi ng taong 2011.

Sa February 26, 2012 episode ng The Buzz, inamin ito ng tinaguriang Comedy Concert Queen ng showbiz, bagamat iginiit niyo na nasa “getting to know each other” stage pa lamang sila.

Tumanggi siya noong pangalanan ang lalaki at itinago na lamang niya sa codename na “FPJ” o “Feeling Parang Jowa.”

Ayon sa balita, 20 taon ang agwat ng edad ni Ai-Ai sa mas bata niyang boyfriend, ngunit hindi ito alintana ng box-office star dahil “sanay” na rin naman daw siya sa mga pumupuna sa kanya.

Nang tanungin kung ano ang mga katangiang nagustuhan niya sa lalaki, “Mabait, tsaka pogi,” ang mabilis niyang sagot.

“Bagay kami kasi maganda ako. Siyempre alangan namang kumuha ako ng pangit? Siyempre dapat pogi,” pagbibiro ng komedyana, na umani naman ng tawanan sa mga tao sa studio.

Marso 28, 2012 nang mamataan ng PEP si Ai-Ai, kasama niya ang isang lalaki sa isang basketball game.

Kuwento ng photographer na nakakuha ng kanilang paparazzi shot, “Babe” raw ang tawagan nila at marami ang nakakitang magka-holding hands sila habang papalabas ng Smart-Araneta Coliseum.

(CLICK HERE for related article)

NOT READY TO MARRY. Matapos ang first sighting sa kanila ay mas naging bukas na si Ai-Ai sa pagkukuwento tungkol sa relasyon nila ng non-showbiz boyfriend na si Jed Salang.

Mula noon, halos hindi na mapaghiwalay ang dalawa, at kung saan naroon si Ai-Ai ay naroon din si Jed.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pebrero 2013, umugong ang balitang nagpakasal na umano sina Ai-Ai at Jed.

Isang “wedding photo” nila ang kumalat sa internet, ngunit agad namang pinabulaanan ng aktres sa panayam sa kanya ni Korina Sanchez sa episode ng Rated K noong Pebrero 10.

Paliwanag ni Ai-Ai, ang kumalat na “wedding photo” ay “chika photo” lang nila dahil “masyadong excited na kaming pakasal. Kaya sa picture lang muna.”

Dagdag pa niya, hindi pa raw nila kayang magpakasal ni Jed “kasi emotionally at saka physically, hindi pa kami masyadong ready,” bagamat napag-uusapan na nila ito.

Kasama rin sa pangarap ng magkasintahang Ai-Ai, 48, at Jed, 28, na gusto nilang magkaroon ng anak kung mabibigyan ng pagkakataon.

Si Ai-Ai ay mayroong tatlong anak sa kanyang dating asawa na si Miguel Vera.

Pero dahil na rin sa edad ng aktres, maaaring “via scientific experimentation” na lang daw ang pagbubuntis niya.

(CLICK HERE for related article)

ON THE ROCKS. Makalipas ang mahigit isang linggo mula nang maipalabas ang interview nila kay Korina, isang kagulat-gulat na balita naman ang pumutok tungkol sa relasyon ng dalawa.

Inamin ng talent manager ni Ai-Ai na si Boy Abunda na “on the rocks” ang relasyon ng komedyante at non-showbiz boyfriend nito.

Nabuksan ang isyung ito nang may magtanong sa “Buzz Ng Bayan” segment ng The Buzz noong Pebrero 24, kung mayroon bang pinagdadaanan ang relasyon nina Ai-Ai at Jed.

Isa sa mga pinagmulan ng balitang ito’y ang agad na pag-alis ni Ai-Ai patungong Amerika matapos ang front-act niya sa concert ni Psy noong Pebrero 16.

Komento pa nga ni Boy, “For Ai-Ai actually to leave after the concert, medyo may kabigatan siguro ang kanilang pinagdadaanan.”

Gayunman, hindi raw alam ni Boy ang detalye ng problema nina Ai-Ai at Jed, pero nakikita niya raw ang “possibilities” na maaayos ang anumang problema nila.

(CLICK HERE for related article)

Hindi nagtagal ay nagsalita na rin si Ai-Ai tungkol sa pinagdadaanan nila ni Jed, sa Marso 4 episode ng The Buzz.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dito’y sinabi niya kay Boy Abunda na ang kanyang mga “insecurities” ang naging problema nila ng kanyang non-showbiz boyfriend.

“Kasi Ama [tawag ni Ai-Ai kay Boy], ang dami kong insecurities sa buhay. Ang dami kong dinaanan pagdating sa lovelife— at alam naman ng buong Pilipinas yun.

“Sobrang takot na takot ako noong nakarelasyon ko si Jed.

“Siyempre, alam naman nating bata siya. Marami pa rin siyang makikita, pero siyempre, iba pa rin ang ganda ko!

“So, yung insecurities ko, nagkapatung-patong… yung tampuhan namin, nagkapatung-patong.”

Ang mga bagay na ito raw ang naging dahilan kung bakit nagdesisyon siyang magtungo sa Amerika. Nais daw niyang mabigyan ng pagkakataon ang sarili na makapag-isip.

Pagbalik niya sa Manila, ilang araw lang ang nakalipas, ay doon nagdesisyon si Ai-Ai na kalimutan ang kanyang mga “insecurities” at pagbigyan ang sarili na magmahal muli.

Kaya naman mensahe niya kay Jed, “I love you too, Babes, and thank you for not giving up on us. Thank you na hinabol mo ako. Hindi ka nawalan ng pag-asa.”

(CLICK HERE for related article)

THE WEDDING. Matapos malampasan ang kanyang inner struggle, napagdesisyunan ni Ai-Ai na oras na upang magpakasal sila ni Jed.

Abril 5 nitong taon ay lumabas sa PEP ang balitang nagpakasal through civil wedding sina Ai-Ai at Jed sa The Venetian Resort Hotel Casino, Las Vegas, Nevada noong Abril 4.

Hindi pormal na inanunsyo ng komedyante ang kanilang kasal, pero nagbigay ito ng pahiwatig sa kanyang Instagram account (@aiaidelasalas).

Nag-post siya roon ng isang larawan kung saan makikitang naka-formal attire sila ni Jed.

Habang sa isang larawan ay naka-formal attire din ang dati niyang asawa na si Miguel at kanilang mga anak na sina Sancho, Sean Nicolo, at Sophia.

Ang caption na nakalagay sa larawan ay “FORMAL DINNER... happy day!”

(CLICK HERE for related article)

Sa Abril 14 episode ng The Buzz tuluyang inamin nina Ai-Ai at Jed na nagpakasal na nga sila noong Abril 3 (U.S. Time), kasabay ng kanilang “monthsary.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dito’y nagbalik-tanaw sila kung paano sila nagkakilala sa Opus Bar, paano sila nagkaayos, at paano nag-propose si Jed kay Ai-Ai nang bumalik ito mula sa Amerika.

Humingi rin ng tawad si Ai-Ai sa mga kaibigan niya na hindi naimbitahan sa civil wedding nila.

Aniya, “Unang-una, gusto ko sana ito ilihim para sa amin lang— family, friends.

“Parang feeling ko kasi, maiksi lang itong kasal na ito para i-ano ko sa buong mundo.

“Sorry po, kung na-ano ninyo ang mga friends ko, mga anak ko na nagdi-deny, kasi po, utos ko yun.

“And now na okay na, pasensiya na po kayo kung nagsinungaling ang mga bata.

“Lalo na si Sancho na sinabi ko sa kanya, ‘O, anak, huwag mong sabihing kasal na.’”

Matagal pa ang itatakbo ng pagsasama nina Ai-Ai at Jed, pero ayaw na raw isipin ng huli kung anuman ang mangyayari sa hinaharap.

Ani Jed, “Ang future kasi sa akin, Ama [Boy Abunda], okay, you plan it, pero sometimes hindi mo naman nagagawa.

“So, sa akin, one at a time, enjoy. Kung ano meron tayo, enjoy.

“Kung ano ang kailangang ikasaya ng bawat isa sa amin, sa family namin, sa aming dalawa, gawin namin.

“Sabi ko sa kanya, ‘If gusto mong every weekend umalis tayo, gawin natin. Kasi, ang dream natin, sumaya tayo, at ang future, darating ‘yan.'”

(CLICK HERE for related article)

(UPDATE) THE FINAL STRAW. Ilang araw matapos ilabas ng PEP ang istoryang ito noong Mayo 15, inanunsiyo naman ni Ai-Ai ang pakikipaghiwalay niya sa bagong asawa na si Jed.

Mayo 17 nang ma-post sa PEP Alerts ang tungkol sa hiwalayan ng bagong kasal.

Sa isang taped interview ni Ai-Ai, na napanood sa The Buzz noong Mayo 19, sinabi nito na itinago niya ang mga "pangit" sa kanilang relasyon na tumagal din ng mahigit isang taon.

Diumano, ayon kay Ai-Ai, sinasaktan daw siya ni Jed, at ang nagtulak nga sa kanya upang tuluyan nang hiwalayan ang asawa ay nang mag-away sila noong Mayo 2 dahil sa hindi pagkakasundo kung saan at paano nila sana ipagdiriwang ang kanilang unang monthsary bilang mag-asawa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

CLICK HERE to read related story


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN