COUPLE OF THE WEEK: Sophie Albert and Vin Abrenica— best of friends or more than friends?

IMAGE Abby Mendoza


Sophie Albert and Vin Abrenica’s loveteam is being molded by TV5. They’ve been paired since they won as the first grand winners of TV5’s talent search show Artista Academy. Now that they’ve become best of friends, will their reel loveteam become a real lovelife?


Hindi na bago sa mundo ng showbiz ang up-and-coming talents ng TV5 na sina Sophie Albert at Vin Abrenica.

Si Sophie kasi ay mula sa Cojuangco clan— kapatid ng kanyang lola na si Josephine Cojuangco-Reyes ang pumanaw na former President Corazon Aquino at si Jose “Peping” Cojuangco.

Ibig sabihin ay tita niya ang mga showbiz personalities na sina Kris Aquino at Mikee Cojuangco-Jaworski; President Benigno “Noynoy” Aquino III, at ang iba pang kapatid ni Kris na sina Ballsy Aquino-Cruz, Pinky Aquino-Abellada, at Viel Aquino-Dee.

Si Vin ay ang nakababatang kapatid ng Kapuso hunk actor na si Aljur Abrenica.

Kaya naman nang magwagi sila sa talent search show ng TV5 na Artista Academy at pagtambalin sa teleseryeng Never Say Goodbye (2012), inasahan na nila ang mga tanong, “Hindi ba kayo nade-develop sa isa’t isa?"

GETTING TO KNOW ONE ANOTHER. Kapag madalas mong kasama ang isang tao, malamang sa hindi ay unti-unti mo nang nakakabisado ang ugali nito.

At pinatotohanan nga ito ni Vin, na sinabing “kilalang-kilala ko na! As in kilalang-kilala ko na!” pagtukoy niya sa leading lady na si Sophie.

Para patunayan ito, ibinahagi niya sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang isang bagay na hindi alam ng marami tungkol sa kanyang on-screen partner— masungit si Sophie kapag bagong gising.

Nakangising kuwento ng batang aktor, “Automatically, if she sleeps na, kunwari kahit ganito, normal tayo lahat, kapag nakatulog 'yan, automatically pag nagising 'yan, BV [bad vibes] siya!

“'Wag na 'wag mo siyang kakausapin.

“Yes, kahit gigisingin siya on the set, 'wag mo siya kakausapin!

“Pag nakita ko, ginising siya, tapos gumanyan na 'yan, alam ko na...

“Di ko siya kakausapin!”

Pero kapag walang “mood swing” ang aktres, gustung-gusto raw ni Vin ang pagiging “sweet” nito.

(READ: Vin Abrenica admits having petty fights with leading lady Sophie Albert)

BEST FRIENDS. On and off cam daw ay maituturing na mag-best friend sina Sophie at Vin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi naman ito nakapagtataka dahil nagkalapit ang kanilang edad— kaka-22 lang ni Vin nitong Mayo, habang mag-23 naman si Sophie sa Agosto.

Pero tingin ng ilan, imposible na wala silang pagtitinginan sa isa’t isa. Karamihan daw kasi ng mag-best friend na babae at lalaki ay lihim na nagkakagustuhan o di kaya’y dating magkasintahan.

Pero sabi ni Sophie, “We’re just starting our career.

“And siguro, it’s not common for boy and girl to be super close with each other na walang anything.

“I mean, he’s a nice guy. Pero, wala…”

Giit pa ng batang aktres, “We’re not denying anything.

“Pero whatever we feel, whatever we say, yun ang totoo at hindi kami nagsu-showbiz para lang sa loveteam namin.

“At saka, hindi rin kami nagso-showbiz— hindi lang kami. So, why would we deny?

“At saka, we’re a loveteam, so awkward naman kung bawal na maging kami. Pero hindi talaga.

“At saka, kakasimula ko lang. Hindi naman ako pumasok ng AA (Artista Academy) para magka-lovelife.”

(READ: Sophie Albert says there’s no brewing romance between her and Vin Abrenica)

Ganito rin ang opinyon ni Vin tungkol sa kanila ni Sophie.

Sabi ni Vin, “Kaka-start lang namin... I think we're gonna go there.

“Siguro magle-level up kami [in the relationship], pero hindi in a way na magiging kami agad. Alam mo yun?

“Pero nagle-level up yung loveteam namin. I'm happy sa company niya [Sophie]... masaya ako pag nandiyan siya!

“Actually, we're close na talaga.”

(READ: Vin Abrenica describes loveteam with Sophie Albert: “nagle-level up yung loveteam namin.”)

Pero ngayon makikita kung gaano katatag ang loveteam at pagkakaibigan nina Sophie at Vin.

Hindi kasi sila magkasama sa upcoming teleserye ng TV5 na Misibis Bay, kung saan posibleng mapalapit ang karakter ni Vin sa gagampanang lead role ng Kapatid talent na si Ritz Azul.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pagtatambalin pa kaya sina Sophie at Vin sa panibagong project? Iyan ang aabangan ng kanilang mga fans.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN