Joshua Aquino stars in new commercial with mom Kris Aquino and brother Bimby

IMAGE Courtesy of San Marino Corned Tuna


Joshua Aquino's (right) new healthy outlook was a big factor in landing him an endorsement deal with his young brother Bimby (left) and mom Kris Aquino (center).


Pagdating sa pagiging ina sa kanyang dalawang anak, masasabing hindi maaaring masukat ang pagmamahal at kakayahan ni Kris Aquino— kung ano ang kaya niyang gawin para maibigay sa dalawang anak na sina Joshua at Bimby ang kanilang mga pangangailangan.

Gaano man ito ka-busy, asahang laging maglalaan si Kris ng panahon para sa mga anak. Dito man o sa labas ng bansa, handang makipag-bonding si Kris sa dalawa niyang binata.

Tulad na lamang noong nakaraang 18th birthday ni Josh, kung saan inikot nila ang dalawang karatig-bansa natin sa Asya.

Sabi nga ni Kris sa e-mail na ipinadala namin sa kanya, “We were in Singapore and Malaysia for Josh's 18th birthday. We aired those episodes on Kris TV.”

Madalas, tuwing mainterbyu si Kris, hindi maiwasang mapag-usapan ang bunsong anak na si Bimby. Ito ay dahil na rin sa pinagdadaanan nilang custody battle ng ama ni Bimby at ex-husband ni Kris na si James Yap.

READ: Kris Aquino and James Yap: Who will win the fight for Bimby?

Kaya naman tinanong namin si Kris tungkol sa panganay niyang si Josh. Paano nga ba niya mailalarawan ang anak nila ng aktor na si Phillip Salvador?

“Josh has such a pure heart and is just so innocent and kind and generous,” kuwento ni Kris sa e-mail.

“Whenever we travel he saves his money so that he has pasalubong for our entire staff. He's really thoughtful.

“When he got his San Marino TF [talent fee], he told me to please give money to Ate Mel [family cook], Ate Ruby [labandera], Kuya Eddie and Alfred, drivers of my two sons as his balato for them.”

Kamakailan lang ay nag-shooting ang mag-iina ng bago nilang TVC para sa ine-endorsong San Marino Corned Tuna.

Nang malaman ni Josh na gagawa siya ng commercial, ano ang naging reaksiyon nito?

“Josh was excited because of his workout coaches being part of the TVC.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“He loves Coach Chappy [Challanta] & Coach Evan [Grabador], and he's super PROUD of his body transformation.”

Ang balita nga namin, nasa 120 pounds na ang nabawas sa timbang ni Josh simula nang mag-workout ito. At sa orihinal na 46 inches, ayon kay Kris, ay nasa 36 inches na lang ngayon ang waistline ng anak.

BIMBY GIVES WAY. Kumusta naman ang shooting nila ng TVC?

“I was super happy, even though it was super hot at our two locations,” saad niya.

Madalas na si Bimby ang kasama ni Kris sa mga TVC niya. Pero sa pagkakataong ito, kumpleto silang mag-iina.

At sa pagkakataong ito, si Joshua rin ang sentro talaga ng TVC.

Wala naman daw naging problema kay Bimby pagdating sa aspetong ito dahil malapit ang magkapatid sa isa’t isa.

“I asked Bimb if it was okay with him that Kuya would be the star of San Marino, and the two of us are just support. Bimb said, ‘Of course, Mama, because he's my Kuya and I love Kuya so much.’

“ I think that best sums up our family dynamics. The three of us are a solid family unit.”

JOSH'S NEW HEALTHY LIFESTYLE. Ang pagkabawas nang malaki sa kanyang timbang at pagkakaroon ng healthy lifestyle ang ilan sa maituturing na malaking dahilan kung bakit nakuha bilang product endorser si Josh.

READ: Joshua Aquino pushes for well-toned body and healthy diet in 2013

At bilang ina, madalas maikuwento ni Kris kung gaano niya ipinagmamalaki ang pagpayat ng anak.

Kuwento pa ni Kris, nang magbawas na nga raw ng malaking timbang si Josh, ipinag-shopping niya ang anak ng mga bagong damit.

“When Josh reached his goal weight, we bought an entire new wardrobe from American Eagle.

“Ben Chan told me it's so hard to send Josh stuff now because he has practically the whole collection.”

Ano nga ba ang nakapagpa-inspire kay Josh para mag-workout at mag-lose ng weight?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Coach Chappy's motivation changed Josh's life. Even his eating habits have been influenced by the discipline instilled by Coach,” saad ni Kris.

May special diet din ba si Josh kasabay ng kanyang pagsu-swimming at circuit training?

Ayon kay Kris, “Josh eats healthy, fruits and cereal in the morning. Lunch is salad, miso soup & grilled chicken fillet or tuna. Merienda is fruits, dinner is soup, stir fried veggies, lean meat, fish or chicken.

“He stopped soft drinks and all bottled or canned juices and iced teas. He drinks a lot of water & buko juice. Dessert is allowed on weekends.”

Marami raw pagbabago kay Joshua na masasabi ni Kris na napansin niya sa anak.

Aniya, “Disposition, behavior and confidence have shown a marked improvement.”

A MOM'S WISH. Sa huli, tinanong namin si Kris kung ano ang mga pangarap pa niya para sa dalawang anak at gayundin, kung ano ang mga kinatatakutan niya bilang isang ina.

Ayon kay Kris, “I just want my two sons to remain as loving and close as they are now.

“The two are into music. Josh takes piano and Bimb is now taking drum lessons. I am saving and investing to help them have a financially secure future.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN