Paulo Avelino enjoys European tour but misses Mona Lisa in Paris

IMAGE Allan Diones


Kuha ito kay Paulo Avelino sa harap ng Laduree, na kilala sa produkto nitong double-decker macaron, noong July 10.


Sa recent trip ng writer na ito sa Paris, napag-alaman naming nandoon din ang Kapamilya actor na si Paulo Avelino.

(READ about Lorna Tolentino's trip to Paris)

Ka-text ni Paulo ang contributor din ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na si Gorgy Rula, na kasama sa grupo namin.

Pero dahil alam naming busy rin ang aktor, wala sa usapang magkikita-kita doon.

July 10 noong nagpunta kami sa luxury bakery na kilala sa masasarap nitong French macarons sa Rue Royale, na malapit lang sa apartment namin.

And guess niyo kung sino ang nakita naming namimili rin bago ang flight niya pauwi ng Manila nang gabing ‘yon? Si Paulo!

Ang kuwento ni Pau sa PEP, bale two weekends din siya sa Europa kung saan nagkaroon siya ng apat na shows for TFC (The Filipino Channel) sa Belfast, Ireland; Copenhagen, Denmark; Madrid, Spain, at ang last stop niya na Paris.

Parang may fiesta raw noong July 7, araw ng show niya sa Paris, kaya ang daming Pinoy na nagpunta at napanood siya.

First time nito sa Europe kaya kahit medyo nakakapagod ang paglipat-lipat niya ng lugar ay in-enjoy din niya ang biyahe.

Nang tanungin namin kung nakaikot siya sa tourist spots sa Paris, napangiti lang si Pau at sinabing hindi niya ‘yon nagawa. Nakita lang daw niya ang Eiffel Tower pero hindi siya nakapagpa-picture dito.

Ang type niya raw sanang gawin ay pumunta ng Louvre Museum at magpa-picture sa sikat na painting ni Leonardo da Vinci na Mona Lisa (o La Joconde in French), pero hindi niya nagawa.

Medyo nainggit ang Kapamilya hunk nang sabihin naming nakapunta kami ng Louvre nina Gorgy at nakapag-photo op kami with Mona Lisa.

Bago kami naghiwa-hiwalay ay inusisa ni Gorgy si Pau tungkol sa nasulat na kesyo may aaminin umano siya tungkol sa kanyang lovelife pagbalik niya ng Pinas.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Medyo natawa lang ang malihim na Paulo at hindi na sumagot. Ngumiti lang siya, mala-Mona Lisa.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN