COUPLE OF THE WEEK: Every day is "honeymoon" for Marco Alcaraz and Lara Quigaman

IMAGE Noel Orsal


Marco Alcaraz seems to have found the secret to staying happy even when he and his wife Lara Quigaman have misunderstandings: “Kasi naman, kahit anong away niya sa akin, hindi ko siya inaaway.”


Maraming natutuwa sa showbiz couple na sina Lara Quigaman at Marco Alcaraz dahil sa patuloy nilang pagiging sweet sa isa’t isa.

Kamakailan lang sa Yahoo! OMG Awards 2013 na ginanap sa SM Arena, laging magkadikit ang dalawa, animo’y lovebirds na naglalambingan.

Kaya bungad na tanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa kanila, kung nasa honeymoon stage pa rin ba sila hanggang ngayon?

Mabilis na sagot ni Marco, “Araw-araw, honeymoon!”

Tugon naman ni Lara, “Hindi puwede, baka masundan agad ang baby namin.”

Ayon sa beauty queen turned actress, walong buwan na ang kanilang baby ni Marco.

Biro muna ni Marco sa tanong kung may plano na sila sa baby nila, “Anong plano, kung kailan masusundan yung baby?” sabay tawa ng aktor.

Sabi naman ni Lara, “Yung birthday niya, sa November pa, may mga naiisip na kami, pero hindi pa definite yung plano.”

Dahil nga nabanggit ni Marco ang salitang “sundan,” natanong ang mag-asawa kung isa ito sa kanilang plano?

“Hindi, matagal pa,” sagot ni Lara.

Sabi naman ni Marco, “Ako, gusto ko nga, isa lang, ayaw naman niya, gusto niya marami.

Depensa agad ni Lara, “Ay, hindi, dalawa lang, kasi kawawa naman kung mag-isa lang siya… para maging kuya pa.

“Pero matagal pa yun, pag magpo-four [years old] na siya.”

LOVING LARA’S STRETCH MARKS. Kapansin-pansin ang seksing pangangatawan ni Lara na parang hindi ito nanganak.

Paliwanag niya, tinulungan siya ng Marie France para bumaba ang kanyang timbang.

“Pero sa akin, pag nabubuntis, lahat nangingitim, nagkakaroon ng stretch marks.

“So, with that, meron akong secret, pero hindi ko pa puwedeng sabihin.

“Sa September pa puwedeng i-share,” pagtukoy ni Lara sa isang upcoming endorsement deal na makapagtatanggal ng mga marka niya sa tiyan.

“Yung treatment na yun, nakakatulong siya sa stretch marks.”

Inamin ni Lara na marami siyang stretch marks dulot ng nakaraang pagbubuntis.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Oo, ang dami, kasi sobrang dami, kasi lumaki talaga ako. Kasi, itong little skin-secret ko, malapit ko na siyang i-share,” aniya.

Tinanong namin si Marco kung nakakaapekto ba ang stretch marks ni Lara para mabawasan ang panggigigil niya sa asawa?

“To be honest, dati, noong hindi pa kami kasal.

“Siyempre, gusto mo mas flawless, parang pag may stretch marks, parang, ‘Ano ba 'yan?’

“Pero noong nakita ko yung tiyan niya, yung naghirap siya na dalhin yung baby, parang I really admire her for that na sobrang hirap manganak.

“Nandoon ako noong nag-labor siya, nandoon ako noong hindi siya makatulog. So, mahirap para sa isang babae na magbuntis talaga.

“So, yung mga stretch marks na 'yan, dapat proud sila.”

LITTLE QUARRELS. Kapansin-pansin na palaging masaya sina Lara at Marco kaya naitanong namin kung may mga tampuhan o problema ba silang nai-encounter.

“Meron naman,” halos sabay nilang sagot.

“Nag-aaway rin kami,” sabi ni Lara.

“Maliit na bagay,” dugtong ni Marco.

Naikuwento ni Lara na bago sila nagtungo sa naturang event, “Galing kasi ako ng taping, so pagkagaling ko sa taping, kailangan ko pang mag-prepare.

“So, usapan namin, siya [Marco] ang pi-pick up ng gown ko, e, late na siya, so ako na rin ang pumik-up.

“So, yung mga ganoong bagay na nagkakainisan, pero sobrang mabilis naman, nari-resolve rin.”

Paano naman nilalambing ni Marco si Lara kapag nagtatampo ito?

“Kini-kiss ko siya, pero wala pa naman kaming major fight. Thank you, Lord, wala pa.

“Kasi naman, kahit anong away niya sa akin, hindi ko siya inaaway.”

Sabi naman ni Lara, “Hindi niya ako pinapatulan, parang nakakainis tuloy.

“Feeling ko, pang-inis niya yun sa akin na kapag inaaway ko siya, gusto ko, awayin niya rin ako.

“E, hindi niya ako inaaway? So, lalo akong naiinis.”

May tampuhan o wala, nananatiling tapat sa isa’t isa ang mag-asawa at kitang-kita ang pagiging focused nila sa pagpapalaki sa anak na si Noah Lamar, at sa kani-kanilang trabaho.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kabilang pa rin sa cast ng Juan De La Cruz sa ABS-CBN si Lara. Aniya, tatagal pa hanggang October ang seryeng pinagbibidahan ni Coco Martin.

Samantalang si Marco naman ay kasama sa cast ng Prinsesa ng Masa, na pinangungunahan nina Aljur Abrenica at Kris Bernal sa GMA-7.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN