Marco Alcaraz and Lara Quigaman share the joys of parenthood

IMAGE Noel Orsal/Borrowed from Instagram @marcoalcaraz

Marco Alcaraz and Lara Quigaman both wish that, in the future, their son Noah Lamar would finish his studies first before deciding to enter showbiz.


Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa mag-asawang Marco Alcaraz at Lara Quigaman noong Hulyo 19, sa Yahoo! OMG Awards, naging kapansin-pansin ang sweetness ng dalawa.

Marahil isa sa dahilan ay ang panunumbalik ng kaseksihan ni Lara, na kamakailan ay nagsilang sa kanilang panganay na si Noah Lamar.

Biniro namin si Marco na mahirap tanggihan ang kaseksihan ng kanyang asawa.

Pagsang-ayon niya, “Akala ko nga lalaban siya ng Miss International uli, e!”

Sabat ni Lara, “Siyempre, hindi puwedeng tumatanggi!”

Tumawa nang malakas si Marco sa narinig mula sa kabiyak.

Dugtong pa ni Lara, “Bawal yun!”

Bagamat para pa rin silang nasa honeymoon stage, ayon kay Marco ay iniiwasan talaga nila ang masundan agad ang kanilang nag-iisang anak.

READ: Everyday is "honeymoon" for Marco Alcaraz and Lara Quigaman

Paano ba nabago ang buhay nila mula nang magka-baby sila?

“Mas sumaya lang,” mabilis na sagot ni Lara.

“Hindi siya nabago na parang nahirapan kami, but siyempre, may konting hirap.

“Pero more than that, parang ang sarap-sarap ng pakiramdam namin with the baby kapag umuuwi kami.

“Kahit sobrang puyat at pagod namin, nawawala talaga pag nakikita namin ang anak namin.”

Kakaiba naman ang pakiramdam ni Marco sa tuwing makikita ang kanilang baby.

“Iba e, ‘Totoo ba ito?’ Tapos, galing ako sa States recently.

“Dati, pag nagsa-shopping ako, sarili ko lang at sa kanya [Lara], pero ngayon, puro pam-baby lahat ng pasalubong ko.”

PREPARING FOR SON'S FUTURE. Walong buwan pa lamang si Noah Lamar, pero ngayon pa lang ay pinaghahandaan na umano ng mag-asawa ang future ng kanilang anak

Nang tanunging kung may investments na sila para kay Noah, si Lara ang sumagot, “Meron na, oo.

“Kinuha na namin siya ng investment pero hindi namin sasabihin sa kanya dahil baka hindi na magtrabaho yung anak namin.

“As early as now, gusto namin kahit paano, secure na yung future niya,” aniya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ibinalita ni Lara na meron nang ongoing negotiation para sa product endorsement ng kanyang baby.

Ayaw muna niyang sabihin hangga’t hindi pa ito nailalatag nang husto sa kanila.

Umaasa siyang matuloy ang negosasyon para rin naman sa kanilang anak.

SHOWBIZ CAREER FOR NOAH LAMAR? Papayagan ba nilang mag-artista ang anak in the future?

“Yung mga commercial endorsements o product endorsements, okay lang.

“Pero yung mag-aartista o magte-taping siya, parang ayoko. Kasi baka hindi tumangkad.

“E, alam naman natin sa taping, puyatan din, paguran. Gusto ko ma-enjoy niya yung kanyang childhood,” saad ng proud mommy.

Para naman kay Marco, na dating varsity basketball player ng San Sebastian College-Recoletos, “Siguro, studies muna ngayon, saka sports na rin.

“Kung puwede niyang i-balance na, kunwari once a week taping na parang Goin Bulilit, why not, in the future?

“Gusto ko rin siyang maging athlete, malaking bata, e—malaking paa, malaking kamay.

Dagdag naman ni Lara, “Saka very active na baby.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN