Maxene Magalona recounts experience in joining a Hong Kong shopping contest

IMAGE Noel Orsal

The winner of the Hong Kong Super Shopper contest, which Kapuso actress Maxene Magalona joined recently, won HK $200,000 or about 1.2 million pesos.


Nitong Hulyo ay sumali sa isang contest si Maxene Magalona, ang Hong Kong Super Shopper. Siya ang naging representative ng Pilipinas para sa isang shopping contest na pinaglabanan ang walo pang bansa.

Kinuwento ni Maxene ang naging karanasan niya rito noong makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa taping ng Mga Basang Sisiw noong Biyernes, August 2, sa Beverly Hills Subdivision, Antipolo City.

Ayon kay Maxene, “I represented the Philippines. Kasi, for four years na nilang ginagawa ang contest na ito and this year is the first year that they actually got celebrities from different country.

"Ako lang sa Philippines, and I think they contacted GMA and GMA thought of me kasi mahilig akong mag-shopping siguro and I’ve been to Hong Kong.

"Malaking factor yun na kailangan napunta ka na sa Hong Kong.

"May five finalists na nag-join sa Twitter contest at sa five finalists na yun, ininterbyu namin sila para malaman kung sino ang best na makaka-team ko and we chose this girl, her name is Smile, and she’s already in her early 40's.

“Pinili namin siya kasi of all the finalist siya ang may pinaka-alam sa Hong Kong. She lived in Hong Kong for four years, so malaking tulong.

"Nagpunta kami doon noong July 29. Nag-contest kami from July 29 to July 31.”

Iyon nga lang, hindi raw umabot sa Top 3 sina Maxene at Smile. Sa siyam na bansa, pang-anim daw sila at ang bansang Taiwan ang nanalo.

Ayon pa kay Maxene, “Pero masaya. Nakilala ko ang iba [Asian celebrities] roon.

"May Singaporean actor na si Ian Fang; tapos meron pang isa, iyong Thai singer from Thailand na si Yong Armchair; and then si Lee Sagang ng Korea.”

Ang premyo raw ng nanalo ay umabot ng HK $200,000 o nasa 1.2 million pesos.

Pero, silang hindi raw pinalad na manalo ay binigyan ng Visa Card na may lamang HK $8,000 at HK $2,000 cash bilang shopping money.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi pa ni Maxene, “It’s so fun because it’s the first time I joined a contest like that, tapos shopping pa!”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN