Derrick Monasterio to receive youth achievement award in September

IMAGE Noel Orsal

Derrick Monasterio's birthday wish: “Peace on this world and sana dumami pa yung blessings ko and sana mawalan na ng mga masasamang tao sa mundo.”


Feeling proud ang GMA Artist Center talent na si Derrick Monasterio dahil nakatakda siyang parangalan bilang isa sa Youth Achievers for Entertainment & Arts ng Golden Globe Annual Awards, na gaganapin sa September 29, sa Manila Hotel.

Bukod kasi sa pagiging artista ay aktibo rin si Derrick sa kanyang mga adbokasiya para sa mga kabataan.

“According to my manager, parang young male achiever award.

“Siyempre nakaka-proud, proud to be Kapuso. Parang ilan lang kaming may ganito.

“Sa dinami-dami ng mga kabataang artista, siyempre napili ako, iba rin yung feeling na talagang nakakabigay ka ng honor sa network mo,” sabi ni Derrick.

Co-managed si Derrick ng GMA Artist Center at ng personal manager niyang si Manny Valester.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Derrick tungkol sa ginawa niyang charity work at birthday party sa Nayon ng Kabataan sa Mandaluyong, noong Agosto 18.

YOUTH AMBASSADOR. Malaking impluwensiya raw para kay Derrick ang pagiging youth ambassador niya ng National Youth Commission (NYC) para makaisip siya ng mga paraan kung paano makatutulong sa mga kabataan.

“Siguro po mas naging close po ako sa mga kabataan dahil nga po sa mga campaign ng National Youth Commission.

“Kasi bilang youth ambassador gumagawa po ako ng mga speech para sabihin po sa kanila at magbigay ng inspirasyon sa mga kabataan.”

Dahil ba sa pagiging ambassador niya at role model sa mga kabataan ay nagiging maingat na rin ba siya sa kanyang mga ikinikilos at ginagawang desisyon tulad ng pag-iwas sa mga bisyo?

“Actually, simula po nung makuha ko po yung… Nung naging youth ambassador po ako ng National Youth Commission, talagang na-realize ko na po na dapat umiwas na ako sa mga ganyang mga bagay [bisyo].

“So, nung may dumating pa na isang award na ganito [Youth Achiever] siguro mas extra careful lang po sa mga gagawin ko, sa mga galaw ko.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Anong campaign at advocacy ng NYC ang isinusulong niya?

“Actually, may project po ang NYC ngayon na anti-drug and substance abuse, yung hindi pwedeng gumamit ang mga kabataan ng mga ipinagbabawal na gamot at saka mga alak.

“Hindi yun ang sagot sa kahirapan, sa problema. Siyempre nagbibigay din po ako ng mga pwede nilang gawin, halimbawa pag bored sila hindi dapat ganun ang gagawin nila.

“Pwede namang mag-sports, kumbaga sa ikakabuti ng sarili nila.”

CHARITY WORK. Isa nga sa mga naisip na paraan ni Derrick para makatulong at makapagpasaya ng mga kabataan ay ang pagsasagawa ng charity work tuwing sasapit ang birthday niya.

Kung noong isang taon ay sa Boystown siya nag-birthday, ngayong taon ay isinagawa niya ang kanyang post-birthday celebration sa tulong ng GMA Artist Center noong Agosto 18, sa Nayon ng Kabataan sa Mandaluyong sa piling ng mga batang inaalagaan ng Department of Social Welfare and Development.

Derrick turned 18 noong August 1, pero dahil sa busy schedule ay kamakailan lang niya nagawa ang kanyang charity work para sa birthday niya.

Sabi nga ni Derrick, “Para po maiba naman kaysa nagagamit yung pera sa mga party ganun.

“Siyempre mas maganda kung yung birthday mo may cause, may saysay kumbaga.

"Sabi ko nga po, pag yumaman ako someday gagawa ako ng sarili kong foundation para may natutulungan ako, para naman po nashe-share ko yung blessings ko at may napapasaya ako.”

Ano naman ang birthday wish niya?

“Birthday wish… Peace on this world and sana dumami pa yung blessings ko and sana mawalan na ng mga masasamang tao sa mundo.”

Bukod sa gift-giving, nagpakain at nakipaglaro rin si Derrick sa mga kabataan na kilala siya bilang si Aldrin sa kinabibilangan niyang GMA teleseryeng Anna Karenina.

Sumaya rin ang mga bata nang kantahan niya ang mga ito.

KAPUSO LEADING MAN. Samantala, natutuwa naman si Derrick dahil ramdam niya ang pag-level up ng roles na ibinibigay sa kanya ng GMA-7.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ngayon nga ay isa na siya sa mga bagong leading men ng Kapuso network.

“Siyempre nagpapasalamat din ako sa network kasi noong una tweens-tweens lang po yung mga ibinibigay sa aking roles. Pero ngayon mas nararamdaman ko na bumibigat na yung tiwala nila sa akin.

“Who knows one day, malay n’yo po, di ba, maging isa rin tayo sa top leadingmen ng network, why not? Sana.”

Bilang leading man ni Barbie Forteza sa Anna Karenina, masaya si Derrick na na-extend pa ang pag-ere ng serye nila dahil sa mataas na ratings.

“Masaya kasi noong una po talaga ang nakaplano parang 12 weeks lang po yata.

“At saka mas nakaka-push po sa akin para mas galingan kasi yung mga tao talagang nakatutok po doon sa show e.

“Tipong pag medyo pangit yung acting mo nakikita nila. Pag maganda, nadadala sila, so yun ang mahalaga.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN