Mark Escueta: No more threat to wife Jolina Magdangal's pregnancy


Mark Escueta on having to deal with his pregnant wife Jolina Magdangal's delicate first trimester: "Malungkot ako noon pero kailangan kong maging strong para sa kanya kasi siya talaga ang emotionally affected, e."


Sinamahan ni Mark Escueta ang misis niyang si Jolina Magdangal sa live show ng Sunday All Stars (SAS) ng GMA-7 noong Linggo, August 25.

Halos apat na buwan na ang ipinagbubuntis ngayon ni Jolina kaya doble ingat daw sila.

Matatandaang ilang linggo nag-leave si Jolina mula sa SAS dahil naging maselan ang kanyang pagbubuntis nung mga unang buwan.

Pero nang bigyan siya ng clearance ng kanyang OB-Gyne doctor ay bumalik din kaagad ang singer-actress sa trabaho.

Kinumusta ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Mark ang kalagayan ngayon ni Jolina.


Sabi ng Rivermaya drummer, "Okay naman siya. Bale after matapos ang first trimester niya, gumaan na ang pakiramdam niya.

"Kaya nagpapasalamat kami sa lahat ng nagdasal, mga nag-express ng support.

"Kasi sa first three months niya, classified yung case niya as threatened abortion nga... muntikan na.

"Tapos gumaan na ang pakiramdam niya, so nag-consult uli kami sa doctor niya at binigyan siya ng permission to work, pero hanggang nine ng gabi lang."

Complete bed rest nga raw ang order kay Jolina noong first trimester nito, kaya si Mark ang naging "nurse" sa halos lahat ng pangangailangan ng kanyang asawa.

Pagbabalik-tanaw ng musikero, "Yung first three months, complete bed rest talaga siya kasi nag-i-spotting siya, e.

"Malungkot ako noon pero kailangan kong maging strong para sa kanya kasi siya talaga ang emotionally affected, e.

"Pero nang sinabi naman ng doctor na bukod dun sa physical stress and any form of stress na iniisip mo, naaapektuhan talaga ang bata, delikado.

"Kaya nga, unang-una ako ay nagmistulang nurse niya, dala lahat ang pangangailangan niya.

"Nasa phone book ko ang listahan ng mga gamot niya. Tapos, naka-alarm ako kung anong oras ako dapat gigising.

"Minsan ay ayaw ko siyang gisingin kasi naaawa ako sa kanya. Tulog lang talaga siya parati at yun naman ang kailangan niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"So, nagre-research na kami tungkol sa parenting. Dini-distract ko siya doon sa medical [implication] ng nararamdaman niya.

"Sabi naman ng doctor na kahit medyo delikado, we're on top of the situation naman with the doctor, e.

"Kaya ngayon, this time, mas excited na kami pareho kasi medyo lumampas na kami doon sa threat."

Dagdag pa ni Mark, "Wala siyang ginawa kundi mag-Candy Crush at saka nakakarami kami ng movies.

"Kasi yun nga, nami-miss niya talaga magtrabaho.

"Nagi-guilty nga siya na hindi raw siya nagwu-work. Sabi niya, 'Parang ang tamad-tamad ko.'

"Sabi ko naman, 'Hindi, mas grabe ang trabahong ginagawa ng katawan mo. Yun, kaya huwag mong maramdaman 'yang ma-guilty ka.'

"Siguro nga, hinahanap-hanap din ng katawan niya ang magtrabaho."

Pero hindi ba mas delikado kay Jolina ang magtrabaho kahit sabihin pang may clearance silang pinanghahawakan mula sa kanilang doctor?

Paliwanag ni Mark, "Generally, pregnancies... pregnant women naman can do some work to a certain time lang.

"Basta kung ano ang bilin ng doctor, we follow.

"At saka, this time, lagpas na nga siya sa stage na delikado ang lagay ng bata."

Naranasan ni Jolina ang maglihi, na karaniwan sa pagbubuntis.

Pero ayon sa sabi-sabi ay maaari rin itong maramdaman ng kanyang asawa.

Nangyari rin ba ito kay Mark?

"So far, hindi pa naman. Si Jolina, gustung-gusto niya yung sinigang at saka yung beef noodles.

"Minsan nagki-crave siya ng sinangag sa Tapsilogan Express.

"Pero, wala pa naman yung out of this world na request, wala pa naman.

"Sana huwag siyang maghanap yung hindi ko alam kung saan ko hahanapin!" natatawang dugtong niya.

Nabanggit ni Jolina na kung siya ang masusunod, gusto niya ay lalaki ang maging panganay nila. Pero si Mark naman, ang gusto ay babae.

Pagkumpirma ni Mark, "Oo... gusto ko babae. Ini-imagine ko na siya kung paano niya bibihisan ang daughter namin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Yun lang yung ano ako, pero kahit ano, okay naman basta healthy lang siya.

"Sa ngayon, hindi pa siya nakakapag-ultrasound kasi sabi ng doctor, around the fifth month pa raw.

"Pero, depende minsan sa ultrasound. Yung next niya will be September 7 pa.

"Depende sa posisyon ng baby, minsan kasi may sign na kung ano ang magiging gender niya.

"Sa akin, kung ano ang ibigay ng Diyos, maluwag naming tatanggapin, papalakihin at aalagaan."

Paano naman niya inihahanda ang kanyang sarili bilang isang first-time father-to-be?

Ayon kay Mark, "Nagtatanong ako sa mga kaibigan ko na may mga family na rin.

"Yung dalawang kabanda ko, mga daddy na rin, e.

"Tapos yung dad ko rin, sinasabi niya na, 'Hindi ka dapat maghanda kung kailan nandiyan na ang baby. Dapat before pa lang.'

"So, nagbabasa ako ng mga libro, mga videos sa Internet.

"Tapos yung mom ko, may ibinibigay na books sa amin about parenting.

"Basta kami, anything that will help us adjust to become parents, ginagawa namin."

May napili na ba silang ipapangalan sa anak nila?

"Wala pa...wala pa.

"Pinag-uusapan namin, meron kaming libro at websites na tinitingnan, pero wala pa.

"Siguro kung alam na namin ang gender, siguro doon kami mag-iisip."

Malaking bagay raw sa kanilang buhay mag-asawa na ang kanilang parents sa both sides ay parehong excited sa paglabas ng first baby nila.

"Sobra!" natatawang sambit ni Mark.

"Mas excited pa nga ang mga lolo't lola.

"Kami naman ay natuto na sa kanila by example.

"Sobrang blessed kami kasi sa experience namin sa aming parents ay alam na namin ang aming gagawin.

"Gusto ko ring makita na yung anak namin ay nilalaro ng parents namin.

"Matagal ko na ring ini-imagine yun at talagang excited kaming lahat."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN