Annaliza star Andrea Brillantes gave gadgets to elementary students

IMAGE Nikko Tuazon

Andrea Brillantes on education: “Mahalaga kasi kapag hindi ka nakapag-aral, wala kang trabaho. Hindi ka makakatulong. At ang edukasyon, para sa akin, ang pinaka importante sa lahat.”


“Masaya lang.”

Ito ang maiksing sagot ng Annaliza star na si Andrea Brillantes nang tanungin kung ano ang masasabi niya ngayong patuloy ang pagtaas ng ratings ng kanilang programa.

“Siyempre po sobrang saya po dahil tumaas na kami. Tapos, yun masayang masaya,” dagdag pa niya.

Ayon kay Andrea, na-extend pa raw hanggang next year ang kanilang teleserye, kaya naman ngayon pa lang na naihahanay na siya bilang isa sa "primetime princesses" ng ABS-CBN.

Kaugnay nito, si Andrea na rin daw ang susunod sa yapak ng Teleserye Queen na si Judy Ann Santos ayon sa ilang showbiz observers.

Kaya naman, ipinagpapasalamat ng child wonder ang ganitong recognition mula sa mga manonood.

Aniya, “Siyempre, masaya dahil… gusto ko din po balang araw maging katulad niya.”

ANDREA AS “DARBEL.” Sa pagbisita ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ng iba pang miyembro ng press sa set ng Annaliza noong September 18, sa Quezon City, nakasuot ng superhero costumes ang mga batang cast nito.

Ang suot ni Andrea ay isang Darna costume, kaya naman tinanong ng press kung sino bang superhero ang gusto niyang gampanan kung sakali.

Ang kakaibang sagot ng child star: “Gusto ko po meron akong sarili.

"Pangalan niya? Dalawa po yung gusto ko, e. Ang pangalan niya Darbel. Andrea Brillantes bilang Darbel, ang Darnang Deyesebel... di ba?

“Kasi gusto ko rin pong maging sirena. Gusto ko pong maging sirena simula nung bata pa ako, pero gusto ko rin pong maging si Darna.”

Ang katangian ng superhero character ni Andrea: “Makatulong sa merong nangangailangan at mahuli yung mga bad guys, yung mga gumagawa ng masama at turuan sila ng leksyon.”

KNOWLEDGE ON TAP. Samantala, nagmistulang superhero nga si Andrea sa mga estudyante ng Lupang Pangako Elementary School sa Barangay Payatas, Quezon City noong September 17, kung saan namigay siya ng 10 Polaroid tablets upang magamit nila sa kanilang pag-aaral.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Siyempre po masaya dahil hanggang dun sinusubaybayan… sinusuportahan po nila ako,” pasasalamat ni Andrea sa mga sumuporta sa kanyang charity program.

May ilang sitwasyon rin daw na hindi niya mapigilang maiyak dahil nasaksihan niya mismo ang dinadanas ng kabataang kapus-palad, kaya naman ang charity work na ito ang isa sa kanyang mga ginawa upang makatulog sa kapwa niya bata.

Kuwento ng 11-year-old child star, “Minsan nga po, pag ano po nasa kotse ako tapos merong nanlilimos, tapos wala po…

“Tapos lalo na po pag nanlilimos po sila naaawa po ako, naiiyak nga po ako kasi hindi po ako nakakapagbigay sa kanila.

“Naaawa ako sa kanila kaya ang binibigay ko na lang sa kanila kahit wala akong nabibigay [na limos] dahil naaawa nga ako sa kanila, ang sinasabi ko na lang po sa isip ko ‘Lord, sana naman po pakainin niyo sila.’

“Kahit wala akong nabigay, ‘God Bless you’ na lang.”

VALUE FOR EDUCATION. Para kay Andrea, isang napakahalagang bagay ang makapag-aral, at umaasa siyang makatulong ang regalo niyang tablets para sa mga estudyante.

Saad ng Star Magic talent, “Mahalaga [ang edukasyon] kasi kapag hindi ka nakapag-aral, wala kang trabaho. Hindi ka makakatulong.

“At ang edukasyon, para sa akin, ang pinaka importante sa lahat.”

Si Andrea ay pumapasok sa isang regular school, kaya naman sa tuwing wala siyang ginagawa sa taping, isa sa mga bagay na pinagtutuunan niya ng pansin ay ang pagsagot ng kanyang homework.

“Sinasagutan ko yung homework ko, tapos kung hindi po yun sina-study ko po yung script ko.

“Tapos kung hindi yun, pag minsan natutulog ako. Pag natutulog si tatay, natutulog ako,” ang tinutukoy niya ang kanyang ama sa teleserye na si Zanjoe Marudo.

Ano naman kaya ang gusto niyang maging trabaho pag nakatapos na siya ng pag-aaral?

Sagot ni Andrea, “Gusto ko po direktor! Film-making!

“Yun yung gusto ko, tapos kung hindi yun, Theater.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Tapos kung hindi yun, pagluluto.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN