Ronnie Liang all set to show off his hunky body

IMAGE Mark Atienza

Ronnie Liang talks to PEP about how he achieved his hunky figure, and what it was like working with Megan Young before she was hailed Miss World 2013.

He says Megan deserves the title, knowing her to be “mabait tsaka matalino... nasa kanya ang lahat ng qualities, e."


Slimmer at very hunky ngayon ang male balladeer/actor na si Ronnie Liang.

Na-achieve niya ito sa pamamagitan ng disiplina sa pangangalaga ng katawan.

“Talagang strict diet na ang kinakain ko lang ay carrot, celery and repolyo. Araw–araw.

“I eat twenty times a day pero iyon po yung kinakain ko, since itong start ng taon,” kuwento ni Ronnie ng makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong October 1, sa Dulcinea sa Tomas Morato.

Pero hindi naman raw siya vegetarian.

“Nilalagyan ko din siya ng tuna, minsan nilalagyan ko ng chicken, kasi kailangan rin ng protein. Pero before I was shaking, nagse-shake ako."

Three days lang naman daw yung panginginig niya. “Dati nanghihina ako, pero ngayon hindi na. Nakakapagbuhat ako, nakakapag-weight lifting pa ako, nagba-barbell ako.”

Sa halip na kanin, wheat bread ang source ng kanyang carbohydrates. At three times a week, nasa gym siya, “Isang oras, minsan dalawa,” wika niya tungkol sa kanyang workout.

Bakit ngayon lang siya nagdesisyon na maging hunky?

“For me, gusto ko ring mag-repackage... something new na makikita ng public na hindi kagaya nung dati.

“And effective naman kasi kayo ang reaksyon ninyo is, ‘Hey!’

“Kahit nung nag-guest ako sa ABS-CBN, yung sa Minute To Win It, nagulat sila na hindi daw ako nagbago.

“Ibig sabihin, in a way, na ‘You still look young. You maintain your body. Payat, pero you look young. Maganda!’ Iyon ang sabi nila sa akin, so very effective.

“Tsaka gusto ko ding parang laging... siyempre pleasant tingnan ng audience ko. Yung expectation nila as an artist, siyempre, it’s your responsibility na you look nice.”

RONNIE FOR COSMO BACHELOR? Napag-alaman namin na dati ay rumampa na pala siya sa siakt na Bachelor Bash ng Cosmopolitan Philippines magazine.

“Before, nag-Cosmo ako, kaso hindi ako ready nu'n, e. Hindi ako nagda-diet kaya…” Isang beses lang raw iyon, noong 2011.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero ngayon, okay na ako kasi may abs na ako—dose hanggang tuhod. Joke! Biro lang,” sabay tawa ni Ronnie.

Kung aalukin raw siya na rumampa next year ay papayag siya.

“Yes, looking forward ako diyan.”

Handa ba siyang kabugin o talunin ang mga ginawa ng mga bachelors sa nakaraang Cosmo Bash?

“Kayang-kaya natin yan!”

MEGAN YOUNG. Samantala, napag-usapan din ang tungkol sa dati niyang co-artist sa Star Magic na si Megan Young, na kamakailan ay nakoronahan bilang Miss World 2013.

“Tsaka during Star Magic World Tour kami-kami ang magkakasama din ni Megan.”

Hindi naman daw sila super close ng actress-turned-beauty queen ay nagkakausap naman daw sila noon.

“Mabait tsaka matalino,” paglalarawan ni Ronnie kay Megan.

Inakala ba niya na magiging Miss World si Megan?

“Nasa kanya ang lahat ng qualities, e. Bakit hindi, 'di ba?”

Nagkagusto ba siya noon kay Megan? Niligawan niya ba ito?

“Siyempre sino ba naman ang hindi magkakagusto kay Miss Megan.

“Pero I believe, during that time, nililigawan ko na yung girlfriend ko.

“I admire her, pero ang attention ko mas naka-focus du'n sa nililigawan ko.”

Sa tanong kay Ronnie kung mas maganda ba kay Megan ang non-showbiz girlfiend niya, nakangiting sinabi nito na, “Mas maganda!”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN