Ryan Agoncillo to join triathlon race in December

IMAGE Noel Orsal

Ryan Agoncillo recognizes the fact that at his age of 34, it is, more than ever, vital to take on a healthier lifestyle.


Bagamat busy sa dalawa niyang TV shows—ang Eat Bulaga! at bagong game show na Picture! Picture! sa GMA Network—puspusan ang ginagawang training at pagda-diet ngayon ni Ryan Agoncillo.

Balak kasi nitong sumali sa isang triathlon race ngayong December.

“Nagte-training ako," kwento ni Ryan sa PEP.ph noong November 11, sa set ng Picture! Picture!.

"May gusto sana akong salihang karera sa December... So, iyon din, medyo busy din.”

Base sa research ng PEP.ph, ang triathlon race na sasalihan ni Ryan ay ang “eXtri 2013” na gaganapin sa December 7, sa La Luz Resort sa Laiya, San Juan, Batangas gaganapin ang triathlon race.

May dalawang kategorya ang sporting event.

Ang eXtri ay binubuo ng 1-Km ocean swim, 23-Km XC bike, at 4-Km trail run na nakalaan para sa mga experienced triathletes.

Ang isa naman ay tinatawag na eXtri RAW, na binubuo ng half-kilometer swim, 10-Km bike, at 2.5-Km run, at nakalaan para sa mga rookies, amateurs, at weekend warriors gaya ni Ryan.

Bagamat matagal nang mahilig sa sports, ito raw ang unang pagkakataong sasali siya sa isang triathlon race.

Kaya naman halos araw-araw na ang pagte-train nito sa swimming, running, at biking kasama ang misis na si Judy Ann Santos, pati na ang mga anak nilang sina Yohan at Lucho.

(Borrowed from Instagram @thatsmytatayryan)

“First time kong sumali sa ganoon and I’ve only got a month to go.

“So, two months na, tapos iyong training, so pabigat na nang pabigat.

“Hopefully matapos ko iyong race sa December 7,” wika ni Ryan.

Nang tanunging kung ano ang nagtulak sa kanya na sumali sarace, ito ang naging tugon ni Ryan: “May magawa lang!

“Kailangan galaw-galaw… Treinta y cuatro na ko, e!”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN