Edward Mendez set to release a book about health and fitness

IMAGE Noel Orsal

In Edward Mendez's soon-to-be-released book called Eat More, Exercise Less: Your Dream Body Come True, the fitness guru hopes to influence more people to switch to a healthier lifestyle.


Kamakailan lamang ay lumabas ang model-turned-actor na si Edward Mendez sa pelikulang Kung Fu Divas, bilang leading man nina Ai-Ai Delas Alas at Marian Rivera.

Taong 2003 nang maging bahagi siya ng Pinay Pie, kasama rin si Ai-Ai, at sina Assunta De Rossi, Joyce Jimenez, at Carlos Agassi.

Ipinaliwanag ni Edward kung bakit matagal siyang nawala sa showbiz.

Aniya, “Pinay Pie was just ano, e, a stint for me. Kasi syempre nag-aaral pa ko noon, e.

“So, I chose to finish what I had to finish over showbiz. I’m kinda glad kasi kung pinasok ko iyong showbiz then, I wouldn’t be the person I am.

“That time talaga, I had the choice to continue the showbiz, I was doing modeling.

“Pero, of course, my father wanted me to continue [my studies] and it wasn’t the right time, hilaw pa masyado to get into this kind of world.

“Now, I think I can handle it maturely.”

Bakit siya nagdesisyong bumalik?

“Well, hindi ko talaga pinlano iyong showbiz.

“But I came back here because, simply, I love the Philippines. And of course, being a Filipino, I do love just to be around, you know, the culture, lahat.

“So, at the same time, iyong pagpasok ko sa showbiz was kinda like, I could probably say it’s by accident lang.

“But you know, I was at the right place at the right time na I was asked to audition, so it’s a blessing for me, so I took the chance na rin.

“So pumasok ako sa project and then tuluy-tuloy na, and I love it kasi ito iyong klase ng trabaho na dini-desire ng maraming tao.

“So for me, it’s a blessing, I don’t take it for granted.”

FITNESS GURU. Bukod sa paglabas sa pelikula at telebisyon, si Edward ang fitness director ng Sexy Solutions, ang non-surgical arm ng kumpanyang Belo Medical Group, na pag-aari naman ni Dra. Vicki Belo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pahayag ni Edward: “Iyong dream ko talaga is to be the Belo of fitness, so that’s why I wrote a book."

Eat More, Exercise Less: Your Dream Body Come True ang titulo ng librong ipa-publish ni Edward.

“Iyong philosophy kasi ng book ko, completely opposite ng pagda-diet kasi kailangang kumain ka nang kumain.

“Tapos iyong exercise naman, kailangan iyong exercise mo, very less. Kabaliktaran.

"So, sa book na iyon, sana magkatotoo iyong dream nila.”

Personal din niyang tine-train ang ilang mga celebrities.

Kuwento ni Edward: “I trained si Martin Nievera. I helped him prepare for sa concert.

“'Tapos I trained si Tim Yap, of course, si Atom Henares, some of mga friends who are passionate about fitness also.”

May background daw si Edward sa health science dahil ito ang kinuha niyang degree sa college.

“Yeah, sa Fitness Sports Science. I’m from the US, that’s where I studied, so iyon talaga iyong passion ko before pa.

“So, basically, lahat ng ginagawa ko pagdating sa nutrition fitness, may science talaga.

“So iyong nag-prepare ako sa Kung Fu Divas, last minute nasabi sa'kin na kailangan in tip-top shape.

“So, nagawa ko nang mabilis dahil nga sa alam ko, sa knowledge.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN