Ariella Arida leads Lipstick Campaign for teachers affected by super typhoon Yolanda

IMAGE Arniel Serato

Ariell Arida on the significance of wearing lipstick for teachers affected by super typhoon Yolanda: “Parang, sa akin, it’s a sign ng kaya nating bumangon, na parang after what happened na malungkot, ngayon its time na ng pagbangon natin, so masaya iyong feeling.”


Naghatid ng ngiti sa mga gurong nabiktima ng super typhoon Yolanda ang Binibining Pilipinas beauties na sina 2013 Miss Universe third runner-up Ariella Arida, Miss International Philippines Bea Rose Santiago, at first runner-up Pia Wurtzbach.

Nagtungo ang tatlo sa Bulwagan ng Karunungan ng Department of Education (DepEd) Central Office sa Pasig City noong Nobyembre 26, upang dumalo sa sa relief gift-giving at debriefing ng mahigit 300 na guro at mga kapamilya nito.

Bukod sa pakikisalamuha ng tatlong beauty queens sa mga nasalantang teachers at mga kaanak nila, na nagmula pa sa Tacloban at iba pang bayan sa Leyte, nagpasimuno din ang mga ito ng "Lipstick Campaign."

Katuwang ng inisyatibong ito ang AVON, isang beauty and lifestyle company, kung saan layon nito ang magbigay muli ng ngiti sa mga itinuturing na pangalawang magulang ng mga batang Pinoy.

A SIGN OF HOPE AND POSITIVITY. Pagkatapos maglagay ni Ariella ng lipstick sa isang guro, nagpaunlak na ito ng panayam sa PEP.ph (Philippine Entertainment Porta), TV Patrol ng ABS-CBN, at 24 Oras ng GMA.

Ayon kay Ariella, bukod sa mga teachers din ang kanyang magulang, napakalapit sa puso niya ang pagtulong sa mga gurong nasalanta.

Para sa kanya, ito ang nakikita niyang magsisilbing hudyat ng pagbangon ng mga biktima ng bagyong Yolanda.

Kuwento niya, “Yes po. Actually, sobrang grateful ako andito ako ngayon.

"'Tapos, as in nakausap ko personal iyong mga kababayan natin sa Samar.

"And the fact na teacher sila, e, malapit talaga ako sa mga teachers kasi iyong parents ko teachers, so iyon po.

"Sobrang happy ako, and iyong nakikita ko na mga nakangiti sila, na parang walang problemang naganap sobrang… it’s a sign of hope, and sobrang positive talaga ng mga Pinoy.”

Ang pag-a-apply daw niya ng lipstick sa mga labi ng mga gurong babae ay may mas malalim na kahulugan, lalo na ngayong nagsisimula silang bumangon mula sa delubyo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Saad pa ng beauty queen na tubong Laguna, “Parang, sa akin, it’s a sign ng kaya nating bumangon, na parang after what happened na malungkot, ngayon its time na ng pagbangon natin, so masaya iyong feeling.”

Dagdag pa ni Ariella: “It means confidence. Pero mas… na kahit alam mo iyon, hindi mo mapi-feel na may problema or may something.

"Basta you look good, parang nako-cover up niya kung ano iyong napapagdaanan mo.

"So, magandang pang-enlighten ng mood or ng look ng isang girl… na halimbawa ako, pag bad mood ako, I just put lipstick para mapapa-good mood na rin ako at hindi mapi-feel ng mga tao na, 'Ay, may problema' or may pinagdadaanan ako.”

Sa mga nakausap daw niyang guro, may mga words of encouragement daw siyang sinabi sa kanila.

Aniya, “Basta maging strong sila. Be posistive na parang dire-diretso pa rin iyong buhay sa kanilang lahat.”

BEAUTY WITH A CAUSE. Pag-uwi ni Ariella o Ara sa bansa noong Nobyembre 12, matapos ang Miss Universe competition sa Moscow, Russia, sinabi nitong parang "blessing in disguise" na hindi siya ang itinanghal na Miss Universe.

READ: Ariella Arida says failing to win Miss Universe crown is a "blessing in disguise"

Kung sakali raw kasi, matatali siya ng isang taon sa Miss Universe Organization at hindi niya matututukan ang relief operations sa Visayas.

Saad pa niya, “Actually, oo, mas na-feel ko na parang ito talaga iyong purpose ko.

"If not, about... siguro after ko mag-represent ng country, parang ito na talaga iyong kung bakit ako nandito. Parang na feel ko po talaga mas may meaning iyong ginagawa ko.”

Hindi na raw bago kay Ara ang lumahok sa mga relief operations.

Sa katunayan, noong nanalasa ang bagyong Ondoy sa bansa noong September 2009, sumali na rin siya sa pagbibigay ng mga relief goods sa mga biktima.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pangako pa ni Ariella, panimula pa lang daw ito ng kanyang pagtulong sa mga biktima ni Yolanda.

Saad niya: “Oo naman po. Hindi dito nagtatapos kung ano iyong puwede ko pang puwedeng magawa.

"Like, sabi ko nga po, willing naman ako anytime kung papayagan ako ng Binibini, since sila ang [nag-aayos] ng mga schedules ko, na pumunta sa Tacloban, ako mismo ang magbigay ng mga relief goods and all. Willing po ako pumunta anytime.”

Ang Binibining Pilipinas Charities, Inc. ang kasalukuyang namamahala sa career ni Ariella at sa iba pang winners ng Bb. Pilipinas 2013.

Ito ay pinamumunuan ni Mrs. Stella Marquez-Araneta.

Mensahe naman ni Ara sa lahat ng mga gurong nabiktima ng super typhoon:“Ako, basta sa akin ,alam ko po na kaya nila iyon.

"Natutuwa ako na sa kanila mismo nanggaling na parang napaka-positive nila na, alam mo iyon, na nandoon pa rin iyong purspose nila as a teacher, hindi nawawala.

"Aat ang mga iniisip pa rin nila ay kung paano ibabalik sa normal iyong schooling, iyong education.

"So, para sa kanila, saludo po ako sa lahat ng mga teachers and alam ko kaya nila ‘to.

“And iyong malaman ko lang na nakangiti pa rin sila in spite of what happened, sobrang nakaka-inspire, so alam ko kaya nila.

"Be strong, be positive, and always pray.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN