Bianca Gonzalez reflects on her past issues related to social media

IMAGE Noel Orsal

Bianca Gonzalez on why she likes to read negative comments about her: "Hindi ko alam kung sadista, pero ang effect noon sa akin, naga-ground ako. Parang kasi... minsan, ‘di ba, feeling mo ang taas-taas mo na, nandito ka. Pero, sa totoo lang, alam mo iyon, it really humbles you when you read negative posts like that."


Sa cover ng January 2014 issue ng Women’s Health Philippines Magazine, binansagan si Bianca Gonzalez bilang "social media darling."

Halatang masaya ang TV host at magazine editor sa naturang tag, na, ayon sa kanya, ay noon niya lamang nakita sa joint press conference ng Women’s Health at Men's Health Philippines Magazine, noong January 7.

“I feel so honored, kasi, ang dami namang iba na mas maraming followers—iyong three minutes pa lang ang photo, 1,000 Likes na.

"Hindi naman ako ganoon. But then, to be given that title by a prestigious magazine, siyempre, nakaka-flatter.

“I hope, I’ll live up to it,” saad ni Bianca.

Tunay ngang isa siya sa pinaka-aktibo sa social media.

As of pres time, may 397,601 followers at 894 posts si Bianca sa photo-sharing application na Instagram.

May 2,823,670 followers at 35,580 tweets din siya sa Twitter.

RESPONSIBLE SOCIAL MEDIA USER. Maraming beses nang napahamak ng ilang celebrities dahil sa ang pagpo-post nila sa kani-kanilang social media accounts.

Maging si Bianca ay hindi nakaligtas sa kontrobersiya nang mag-post siya sa Twitter noong nakaraang taon tungkol sa saloobin niya sa mga informal settlers.

READ: Bianca Gonzalez willing to talk with pro-poor party list after her tweet about informal settlers

Dahil sa pinagdaanang isyu, paano niya ngayon nagagawang limitahan ang mga pino-post niya? Sa tingin ba niya ay impulsive pa rin siya?

“Ay, ang dami kong time na impulsive! 'Tapos, inokray-okray rin ako ng mga tao. Ang dami, hindi maiiwasan.

“’Di ba, they say, don’t say or post anything kapag sobra kang galit? Pero minsan, hindi mo talaga ma-help.

"Then, hindi mo ma-delete one hour after kasi, ang dami nang nakakita, nag-screen grab, nag-retweet... So, panindigan mo na lang.

“I think, I’ve never really censored myself to the point na may hindi ako sasabihin.

“Parang everything na sinabi ko, sabi ko sa sarili ko, kaya kong panindigan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Siguro, ang pinaka-censored ko sa sarili ko, hindi ako nagmumura.

"Kahit gusto ko nang magmura, hindi ko gagawin kasi ang daming batang nagpa-follow.

“But aside from that, I don’t think I really censored myself. Kasi, parang, personal account ko iyon.

"Not even Tito Boy says na, ‘Huwag kang magpo-post ng ganoon.”

Ang tinutukoy niyang Tito Boy ay si Boy Abunda, ang kanyang manager.

Ayon kay Bianca, sa itinagal niya sa industriya ay naging kumportable na siyang magbahagi ng mga personal na nangyayari sa kanyang buhay, pati na ng kanyang opinyon tungkol sa iba't ibang issues?

“Yes, naging kumportable na rin,” aniya.

DEALING WITH BASHERS. Aminado naman si Bianca na may mga pagkakataong nasasagot niya ang kanyang mga bashers.

“Of couse, may days na bad mood ako, sasagutin mo sila. Sobra, marami na kong ganoon. Tao lang.”

Paano nga ba niya na-handle ang issue noon tungkol sa tweet niya tungkol sa informal settlers?

“That was really a tough fight. Totoo naman.

"Sila, when they say na ang dali para sa akin na mag-judge kasi never akong dumaan sa ganoong klase ng pangyayari sa buhay... Totoo.

"So, the way I handle it na lang, for me, opinyon ko iyon, papanindigan ko iyon.

“But at the same time, entitled din sila sa opinyon nila.

“I just took it all. I don’t know, I’m sadista. I like reading negative tweets or post about me.

"Hindi ko alam kung sadista, pero ang effect noon sa akin, naga-ground ako.

"Parang kasi... minsan, ‘di ba, feeling mo ang taas-taas mo na, nandito ka.

“Pero, sa totoo lang, alam mo iyon, it really humbles you when you read negative posts like that.

"Ako kasi, hindi ako nagba-block, so, in some instance, I have to take what they say, kasi pinanindigan ko iyong pinost ko.

“In terms of censoring myself after that... Actually, it didn’t affect me, kasi I still stand with what I said.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"But, ang isang magandang nadulot noon, ang dami kong naka-dialogue na urban poor leaders after that, and sobra naman din nilang na-appreciate iyong effort ko.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN