Gelli de Belen wants husband Ariel Rivera to sing again

IMAGE Noel Orsal

Gelli de Belen on what makes her relationship with husband Ariel Rivera strong: "We make sure na we have the same goals for our kids—iyon ang importante. And, we listen. Hindi lang basta nag-uusap kami, we listen to each other. Malaking factor iyon."


Maayos ang takbo at hindi binabagyo ng anumang intriga ang pagsasama ng mag-asawang sina Gelli de Belen at Ariel Rivera.

Sa pakikipag-usap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Gelli sa story conference ng bago niyang show na Torpe noong January 10, naibahagi nito ang ilang sikreto ng matamis na pagsasamahan ng kanilang pamilya.

Taong 1997 nang ikinasal ang actress-host at singer-actor.

Sabi ni Gelli tungkol sa estado ng kanyang married life ngayon: "Happy ako. Haping-happy.

"My two boys are grown-ups na rin, at si Ariel lagi naman nandiyan for us."

Tila puno lang ng pasasalamat si Gelli pagdating sa relasyon nilang mag-asawa.

"Kami naman ni Ariel, thank God na all these years ay solid pa rin kami."

Aniya, "Constant communication" ang nag-iisang sikreto kung bakit matibay ang pagsasama nila.

"We make sure na we have the same goals for our kids—iyon ang importante.

"And, we listen. Hindi lang basta nag-uusap kami, we listen to each other.

"Malaking factor iyon," dagdag pa niya.

Hindi rin naging sagabal ang pareho nilang pagkakaroon ng career sa telebisyon.

Sa katunayan, sila pa mismong mag-asawa ang nagtutulak sa isa't isa upang mas magpursige sa kani-kanilang trabaho.

Naikuwento nga ni Gelli na nais niyang bumalik si Ariel sa pagkanta.

"Sabi ko sa kanya—kasi di ba, nalilinya na siya sa pag-arte—e, kumanta pa rin siya.

"Sagot naman siya sa akin, 'O, sige, pag may time'."

Huling napanood si Ariel sa teleseryeng Maria Mercedes ng ABS-CBN.

Bago noon, nakasama rin siya sa cast ng Ina, Kapatid, Anak at ilan pang drama sa TV.

Pagpapatuloy ni Gelli, "Alam niyo naman iyon, di ba? Kung ano ang trip niya, doon ang focus niya.

"Sabi ko naman, 'O, sige, bahala ka na nga'.

"Basta, I always encourage him na kakaiba ang boses mo bilang singer, so dapat talaga ay kumanta siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Pero, iyon nga, alam niyo naman iyon, kung ano ang feel niya, iyon.

"E, ayaw pa niyang kumanta, ano ang gagawin natin?"

RAISING BOYS. May dalawang anak sina Gelli at Ariel—sina Joaqui, 14, at Julio, 13.

Aminado si Gelli na challenging ang buhay niya bilang isang ina, asawa, at artista.

"Yes! Triple role ako. Balance lang, 'tapos time management," wika niya, nang tanungin kung paano niya hina-handle ito.

"Siyempre, kasi ni-layout mo na iyong foundation [ng mga bata], e, lalo na iyong formative years nila.

"Kaya, as they get older, doon ka mag-ano [focus sa sarili mo]."

Ngayong nagbibinata na ang kanilang mga anak, hindi ba nila nakikitaan ang mga ito ng pagkahilig sa showbiz?

"Hindi naman sila nagtatanong. Wala silang hilig, wala silang interes.

"Iyong panganay ko, mahilig sa baseball. Iyong isa naman, basketball ang hilig.

"Ini-encouage ko sila na magtapos muna ng pag-aaral bago sila mag-isip ng kung anu-ano.

"Ayusin muna nila ang grades nila, 'no! Tapusin muna nila ang school works nila," natatawang sabi ng butihing ina.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN