Couple Regine Tolentino and Lander Vera-Perez nurture their passion for dance

IMAGE Paolo Fernandez

Regine Tolentino (in photo with husband Lander Vera-Perez) ranks among the few celebrities who have diligently heeded their passion, successfully harnessed their entrepreneurial spirit, and maintained their showbiz careers. Above all, they keep a well-balanced home and family life.


Mula noong nag-umpisa siya sa kanyang showbiz career hanggang ngayon, si Regine Tolentino ang isa sa mga artistang walang humpay na nagpursige sa kanyang hilig sa pagsasayaw.

Hindi siya nagpapahuli sa mga latest dance steps o kung anumang nauusong mga “trend” sa larangan ng pagsayaw.

May sarili siyang dance studio, ang RT Studios habang active rin siya sa kanyang mga regular shows sa telebisyon tulad ng Unang Hirit sa Kapuso network.

Dumagdag pa ang bago niyang dance show sa TV5, ang Celebrity Dance Battle.

Noong Sabado, January 18, idinaos ni Regine ang kanyang Zumba Stars Fitness Party sa Robinsons Magnolia.

Dinaluhan ito ng mga registered Zumba instructors at mga participants sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

HOOKED ON ZUMBA. Kung saan-saan na rin daw nakakarating si Regine dahil sa Zumba.

Ayon kay Regine, “We have a following in Zumba.

"And I guess I was the first celebrity Zumba instructor na medyo active talaga.

"Na-adik na at nag-enjoy ako.

"It’s so energizing to be a teacher also, ‘di ba?”

Maging ang asawa ni Regine na si Lander Vera-Perez, na dati raw ay hindi mahilig sa pagsasayaw, ngayon ay nagtuturo na rin ito.

Masayang kuwento ni Regine, “He’s licensed na, kasi palagi kaming nai-invite na magturo kung saan-saan, tapos ini-invite rin siya."

Natatawa niyang dagdag, "Nahilig na siya talaga.

"And he didn’t use to even dance at all!

“Sinasama ko siyang mag-D.I. [dance instructor], mag-lesson sa studio.

"Pero it’s only Zumba that got his interest because it’s fun, it’s easy at talagang nakaka-burn ng calories.

"We love it, kasi pati yung mga kids namin kayang sumabay.

“Maganda yung passion, maganda yung music, nakaka-engganyo yung marami kayong parehong hilig.”

HAPPY DANCING COUPLE. Dalawang taon na rin daw silang nagsu-Zumba.

Kaya naman tinanong namin si Regine kung ano ang pakiramdam na pareho na silang mag-asawa na nagtuturo ng sayaw?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Masaya! I’m super proud of him.

"Nagugulat na lang ako sa kanya na, all of a sudden, siya na ang [nagsasabi] sa akin na may bagong music ng Zumba.

"O gusto niyang nang bumili ng zumba shoes.

"Dati, he wore only navy blue and black, ngayon mahilig na siya sa neon colors.

"And in fairness, pumayat siya ng over thirty pounds through Zumba.

Sabi ni Regine, kailangan pa rin ni Lander magbawas ng timbang, "but in less than a year, nag-lose na siya ng 30 pounds.

"So, it’s really exciting.”

NEW TV5 DANCE SHOW. Si Regine ay hands-on din sa studio niya.

Dito ay iba’t ibang klase ng dance workshops at personality development courses ang itinuturo niya.

Bukod pa rito ang fashion gallery niya at ang TV career niya.

Naibalita rin ni Regine ang tungkol sa Celebrity Dance Battle on TV5 with Lucy Torres-Gomez.

Kuwento niya, "I’m the main costume designer of the show and I might be one of the judges, pero inaayos pa ngayon.

“And sa Unang Hirit, I have my dance segment

"I’ve been with Unang Hirit for twelve years na and tuluy-tuloy pa rin."

Naitanong nga namin kung ano talaga ang pinaka-prayoridad sa lahat ng ito dahil napapanatili rin niyang buo at maayos ang pamilya nila.

“I just feel the same and I’m just lucky.

"For me, at my age, as a family woman, kahit paano, I’m still active in showbiz.

“You know, para sa akin, lahat ng ginagawa ko, related.

"Siyempre, kapag nagsu-Zumba, pati fashion, pati hair, make-up, yun ang hilig ko.

"Siyempre, sa boutique ko, yung pinaggagamitan, it’s all connected. So, lahat love ko.

“Today, wala akong tulog pero, grabe ang energy ko."


DANCING FOR A CAUSE. Si Regine ay isa sa orihinal na Star Circle sa Batch 1. Kasabay niya ang namayapa nang si Rico Yan, gayundin sina Victor Neri at Jackie Manzano.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi nga ni Regine, “Wala na po silang lahat, they are not active anymore.

“I’m just lucky and blessed that I get to do what I love.

"I love to host, I love to dance, magbihis at marami rin akong binibihisang artista.”

Dugtong din niya, “Nasa puso ko talaga ang pagsasayaw.

"I trained for ballroom and hanggang ngayon, hindi ako napapagod basta sayaw.

"I mean, yun talaga ang buhay ko, kaya sine-share ko rin ang lahat ng natutunan ko.

Dito niya nabanggit ang tungkol sa RT Foundation at ang layunin nito:

"Marami akong ini-sponsor na kids. Instead na mag-drugs or mag-boyfriend, magsayaw na lang sila.”

OUTREACH EFFORTS. Bukod sa mga ito, gumagawa rin si Regine ng sarili niyang paraan para makatulong sa iba nating mga kababayan.

Katulad na nga lang nang nangyaring kalamidad sa Visayas.

Sa pamamagitan ng foundation na sinusuportahan niya, ang Air Juan, ipinapadala raw nila lahat ng donasyon na nakukuha niya.

Paano ito?

“Lahat ng donation like from today’s event [ang Zumba Stars Fitness Party] are being flown to Coron this week.

"So, at least, lahat ng donasyon, dumi-diretso agad sa affected areas.

“Ang Air Juan na ang bahala sa 100 percent na nakukuha namin, as in everything. Minsan, abono pa 'ko to them,” nakangiting sabi niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN