Dingdong Dantes launches car dealership venture

IMAGE Noel Orsal/Rose A. Garcia

Dingdong Dantes explains how he got into his car dealership venture: “Noong araw pa naman talaga, mahilig na 'ko sa mga sasakyan. Kahit noong araw pa na hindi pa ko nakaka-afford. Siyempre, along the way, through the years, may nakilala akong mga kaibigan and we share the same interest.”


May bagong negosyo na naman ang Kapuso primetime actor na si Dingdong Dantes.

Sa pagkakaalam namin, halos iba’t ibang klase negosyo na ang napasukan ng aktor.

Ang pinakabago niya ay ang dealership ng Hyundai Philippines sa Parañaque West.

Noong Biyernes, February 7, ginanap ang inauguration nito kasama rin ang mga opisyal ng Hyundai Asia Resources Inc. (HARI).

Kasama ni Dingdong ang iba pang mga kasosyo niya sa naturang business.

Hindi na nakakapagtaka na pasukin din ni Dingdong ang automotive industry dahil noon pa man, mahilig na ang aktor sa mga sasakyan.

Sabi nga niya, “Noong araw pa naman talaga, mahilig na 'ko sa mga sasakyan.

"Kahit noong araw pa na hindi pa ko nakaka-afford.

“Siyempre, along the way, through the years, may nakilala akong mga kaibigan and we share the same interest.

“Ngayon, nagkaroon ako ng opportunity to venture into the auto industry.

“Natutuwa ako that I have my friends with me, sina Irwin Tieng and Mark Sayarot.

“Actually, as early as 2009 pa lang, ina-attempt na naming makuha ang dealership.

"It seems, talagang sobrang in demand ang brand.

“Masaya kami na napagbigyan kami, we’re the 43rd dealer, so yun, ngayon na mag-uumpisa.”

CLOSE TO HIS HEART. May nagsabi naman kay Dingdong na ang ibang mga artista ay sa food business lang halos nagbe-venture, siya naman ay sa auto industry talaga nakatutok.

Ayon sa Kapuso hunk, “I don’t wanna put it that way, siguro ang masasabi ko, I got involved in things that are close to my heart.

“Ako, I love to eat, definitely.

"I also ventured into food business, pero medyo hindi naging okay ang resulta.

“Ito kasi, maganda ang samahan namin as a group, we’re very transparent.

"I trust my partners and they trust me, maganda ang dynamics namin.”

Sa mga ka-partner ni Dingdong, siya lang ang artista sa mga ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nang sabihin niyang kakilala at tiwala siya sa mga partners niya, ibig ba niyang sabihin na matagal na niyang kaibigan ang mga ito?

“Oo, talaga. Kumbaga, they eat, live and breathe in the operation of this business.

"At ang bottom line, we share the same passion.

"So kumbaga parang ginagawa talaga namin ang hilig namin.”

TRUST IN THE BRAND. Bakit napili nilang maging dealer ng Hyundai brand?

Paliwanag ni Dong, “Alam niyo, kasi kapag Filipino, siyempre ayaw nilang masyadong pumasok sa risk.

"Gusto nila, sigurado, sigurista.

“Oo naman, naiintindihan ko, because, hindi naman madaling kumita ng pera.

"At kapag ikaw ang magpa-purchase ng isang bagay, iisipin mo 100 times.

“Iisipin mo muna ang quality, iisipin mo ang performance, iisipin mo ang service.

"Lalung-lalo na, iisipin mo yung value for money.

“And sa lahat ng katangiang nabanggit ko, yun, Hyundai has it.

“Kasi, the market share dictates even if we are a starting brand na hindi naman kasing-tagal ng ibang kalaban.

"We ranked number three last year, so there’s a great potential.

“Meron din clamor.”

Bago naman daw pinasok ni Dingdong ang auto industry, pinag-aralan niya muna ang naturang negosyo.

Aniya, “Oo naman, kumbaga, before mag-launch kami, lahat naman ng karapat-dapat na impormasyon at tungkulin, ginawa muna namin.”

IS MARIAN INVOLVED? Sa mga aktor ngayon, tahasan talagang masasabi na si Dingdong ang isa sa pinakamatagumpay at maituturing na “successful young men.”

Tinanong din si Dingdong kung ang girlfriend na si Marian Rivera ay “bumakas” o may share rin sa bagong negosyo niyang ito.

At binibiro nga si Dingdong kung paghahanda na raw ba nila ni Marian ang mga negosyong pinapasok nila para sa kanilang “future.”

Pagbibiro naman ni Dingdong, “Actually, sinukat ko na nga itong coat, puwede na, puwede na.”

Natatawa rin niyang dugtong, “Lahat naman e isang paghahanda sa kung anuman ang puwedeng ibigay sa atin ng hinaharap, kung anuman ‘yan.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Wala raw sosyo si Marian sa Hyundai dealership niya.

“It’s an isolated case, pero grabe ang suporta niya, natutuwa ako.

"Magmula nang mag-Christmas party kami, nandoon siya,” pagmamalaki niya sa girlfriend.

Mukhang sinurpresa naman ni Marian si Dingdong dahil nang kausap pa namin ang aktor, nagpahayag ito na hindi nga makakarating si Marian dahil nasa taping pa ito ng Carmela: Ang Pinakamagandang Babae sa Mundong Ibabaw.

Sabi pa ni Dingdong, “Siyempre, alam naman natin ang mga soap-opera, kailangan ang schedule nila...

"Kapag sinabing Monday, Wednesday, Friday, at bilang bida, hindi niya puwedeng ma-miss out yun.”

PURPOSE. Hindi sa larangan ng showbiz nagtatagumpay si Dingdong kundi sa halos lahat ng pasukin niya—socio-civic, endorsements, lovelife, family, at negosyo.

Halos lahat yata ng aspeto ng buhay niya, nasa maayos, okay siya.

“Relax lang, relax lang,” saad naman niya.

“Nothing’s perfect, okay is just a perception.

"Siyempre, you do things because there’s a purpose and yun lang naman ang mga dahilan kung bakit ko ginagawa ang mga ito.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN