Alice Dixson, Gelli de Belen, Ogie Alcasid talk about their “torpe” experience

IMAGE Mark Atienza

(L-R) Gelli de Belen, Ogie Alcasid, and Alice Dixson will topbill the upcoming TV5 comedy series Confessions of a Torpe starting March 3, Monday.

The said show is replacing Madam Chairman led by Sharon Cuneta.


Ibinahagi nina Alice Dixson, Gelli de Belen, at Ogie Alcasid na nagkaroon ng pagkakataon sa kanilang buhay na naranasan nilang maging torpe o naka-encounter sila ng mga taong natorpe sa kanila.

Ito ang naging masayang topic ng tatlong stars, na bida sa upcoming comedy series na Confessions of a Torpe sa TV5, nang bumisita sila sa studio ng PEPtalk noong February 24.

GELLI'S TORPE EXPERIENCE. Taga-showbiz ang lalaking natorpe kay Gelli noong single pa ito.

Panimulang kuwento niya, “Wala, e. 'Di siya nagsalita e 'di wala.”

Sumingit naman ang katabi niyang si Ogie, na malapit na kaibigan ni Gelli at tila kilala ang tinutukoy ni Gelli.

“Nuknukan [ng torpe],” sambit ni Ogie, pagtukoy sa lalaking pinag-uusapan.

“Yun actually, 'di ko alam kung torpe o tamad,” dagdag pa ni Ogie.

Kinumpirma ni Gelli na meron nang asawa ang lalaking tinutukoy pero tumanggi siyang pangalanan ito.

Pagbubuking pa ni Ogie, alam niya raw na may gusto talaga kay Gelli ang lalaking iyon.

Sinegundahan naman agad ito ni Gelli, “Alam ko rin.”

Ano ang ginawa ni Gelli tungkol dito?

“Dedma lang, wala akong magagawa, e.”

Pagpapatuloy pa niya, “Ang maganda lang, nakakasama ko kasi siya sa work, nagkakaroon ng paraan…chance na magkasama kami. Yun lang.”

A SELF-CONFESSED TORPE. “I’m always torpe, I’m terribly shy,” sagot naman ni Ogie nang matanong kung naging torpe ba siya sa totoong buhay.

Tinukso pa si Ogie na hindi naman basta-basta ang mga nakarelasyon niya, katulad na lamang ng kanyang ex-wife na si Michelle Van Eimeren at ang love of his life na si Regine Velasquez.

Naging Miss Australia at Miss Universe candidate si Michelle noong 1994 at may dalawang anak na babae sila ni Ogie.

Si Regine ang itinuturing na Asia’s Songbird at may anak silang isang lalaki ni Ogie, si Nate.

Hindi ba ginagamit ni Ogie ang kanyang pagiging singer at songwriter upang mabilis na mahulog ang loob sa kanya ng mga nagugustuhang babae?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabad ni Gelli, “Ginagamit talaga niya ‘yan."

ALICE SHARES TORPE MOMENT. Iba naman ang sitwasyon ni Alice.

Natotorpe raw noon ang mga lalaki sa kanya.

Kuwento ng aktres, nang manirahan siya sa Pilipinas galing sa U.S., marami ang na-intimidate sa kanya dahil hindi pa siya marunong mag-Tagalog noon.

“Inglisera ako, they don’t know how to communicate, hindi pa ako masyadong marunong mag-Tagalog.

“'Tapos there was this one guy, he was really cute, he was in a different section, so I would see him every day," pagbabalik-tanaw ni Alice noong high school days niya.

“He was so torpe, he waited until the end of the school year bago [kami] naging friends.

“He didn’t want to approach me, he was so shy.”

Natanong din si Alice kung siya ba ang tipo ng babae na gagawa ng first move kung may gusto siya sa isang lalaki?

Sagot ng dating beauty queen, “Depende on how much I like that person."

Naranasan na ba niyang siya ang gumawa ng first move sa lalaking gusto niya?

“Yes,” sagot niya.

Naging boyfriend ba niya ito?

“Yes,” sabi niya.

Kasama rin sa cast ng Confessions of a Torpe sina Wendell Ramos, Albie Casiño, Shaira Mae, Mark Neumann, Bayani Agbayani at Jojo Alejar.

Nakatakdang ipalabas ito sa TV5 ngayong Marso 3, Lunes, 7:30 p.m.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN