How Marian Rivera got her 19-inch waistline

Apr 15, 2014
Marian Rivera on why she's not worried about losing her sexy body if she gets married and bears kids in the future: “Magka-asawa, magka-anak ka, mataba ka, whatever, hindi naman ibig sabihin na hindi ka healthy. Ibig sabihin, may magandang dahilan kung bakit nangyayari iyan sa sarili mo... para sa asawa at anak mo.”

Sa ika-limang taong anibersaryo ng Women’s Health Philippines ngayong Abril, ang Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera ang napiling maging cover ng magazine.

Napag-alaman ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) mula mismo sa editor-in-chief ng magazine na si Ms. Lara Parpan na si Marian pa lang ang bukod-tanging artistang babae na apat na beses nang naging cover ng Women’s Health.

Sa ginanap na presscon noong Abril 3, sa Privato Hotel, ikinuwento ng aktres na, "Palagi ngang sinasabi sa akin na, 'O, Marian, iko-cover ka namin para sa anniversary.'

"Alam naman natin na kapag sinabing anniversary, malaking issue talaga.

"Iyong ako talaga ang pangalan na nasa isip nila, so nakikita ko ang pagtitiwala nila sa akin, so, iyon, thankful ako.”

BEST FIT. Aminado naman si Marian na ngayon daw ang maituturing niyang "best body" niya kumpara noong panahon ng Marimar at Dyesebel.

“Oo,” sabi niya ng nakangiti. "Siguro, payat ako kasi hindi pa ako medyo nagpo-focus sa workout."

Continue reading below ↓

Ngayon raw ay Wushu, Arnis, at Muay Thai ang ilan sa regular sports niya.

"Kahit pinaka-rurok na busy ako, nagwo-work-out pa rin ako,” aniya

Nag-zu-Zumba na rin daw si Marian ngayon. Ito ba ang dahilan kaya naging 19-inches ang waistline niya?

“17!” natatawang biro naman ni Marian.

CHOCOLATES. Matagal na namang sinasabi ni Marian na adik siya sa chocolates, at iyon daw ang “cheat” niya.

“Kapag sinabi kong nag-cheat ako, ibig sabihin, kumain ako ng chocolate, at hindi ibig sabihin na isa lang iyon.

“E, kasi, puyat ako, so, doon na lang ako kumakain ng energy talaga.”

Kung dumating naman ang panahon na madagdagan ang timbang niya, sakaling mag-asawa na nga siya at magka-anak, hindi raw kaso kay Marian iyon.

“Magka-asawa, magka-anak ka, mataba ka, whatever, hindi naman ibig sabihin na hindi ka healthy.

"Ibig sabihin, may magandang dahilan kung bakit nangyayari iyan sa sarili mo... para sa asawa at anak mo.”

Continue reading below ↓

NO VICES. Maituturing na healthy ang lifestyle ni Marian, kaya naman ganoon na lang siya ka-sexy.

Hindi tulad ng iba na mahilig sa night life at pag-iinom o kung ano pa mang bisyo, si Marian ay hindi napagkikita sa mga "gimmick places" tulad ng clubs at bars.

Sabi nito, “Hindi talaga ako gimikera. Homebody ako na tao, sobrang homebody.

"Gusto ko kasama ko ang mga kaibigan ko, kakain lang kami sa labas.

“Nasanay kasi ako na ang buhay ko, artista man ako o hindi, ganoon lang talaga.

"Masaya ako na nakikita ko ang mga kaibigan ko at kumakain.”

SACRIFICE. Bilang isang Katoliko, ano ang isasakripisyo ni Marian ngayong Holy Week?

"Ako, chocolates. Hindi ako kakain ng chocolates,” natatawang saad niya.

“At siguro, mag-chu-Church. Hindi ko pa alam kung saan ako pupunta talaga.”


SUMMER SKINCARE. Kapag ganitong summer, ano ang mga puwede niyang i-share na tips para manatiling “flawless” ang skin niya?

Continue reading below ↓

“Well, unang-una sa lahat, huwag mawawala ang sunblock talaga.”

At saka nito naalala ang ine-endorsong produkto at sinabing, “Ang Maxi-Peel, may sunblock.

"Importante talaga ang sunblock. Lalo na 'ko, tisay, kapag naaarawan ako, nagkaka-freckles ako.

“So, kailangan kong alagaan iyon.”

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Marian Rivera on why she's not worried about losing her sexy body if she gets married and bears kids in the future: “Magka-asawa, magka-anak ka, mataba ka, whatever, hindi naman ibig sabihin na hindi ka healthy. Ibig sabihin, may magandang dahilan kung bakit nangyayari iyan sa sarili mo... para sa asawa at anak mo.”
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results