Cheska Garcia-Kramer on Team Kramer: "We do have a normal family life."

IMAGE PR photo

Except for the popularity of their family's moniker "Team Kramer" in social media, Doug Kramer and Cheska Garcia-Kramer are no different from any married couple who want a stable family life. "It's our vow and pangako to our kids," says Cheska.


Hindi akalain ng actress-TV host na si Cheska Garcia-Kramer na magiging celebrity ang kanyang pamilya na kilalang-kilala ngayon sa social media bilang Team Kramer.

Umaani ng libu-libong likes sa Facebook ang fan page nila ng asawang cager na si Doug Kramer at kanilang mga anak na sina Kendra, 4; Scarlett, 2; at Gavin, 1.

Bungad ni Cheska sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) tungkol sa kasikatan ngayon ng kanyang pamilya: "It feels good that we have a lot of supporters.

"We feel a lot of love for our family, most especially our children. Sila talaga ang may big following, so we're all happy about it."

Nag-umpisa ang lahat nang maging viral ang family videos ng mga ito sa social media.

Ang ilan sa videos na tinangkilik ng netizens ay ang tungkol sa nagtulug-tulugang si Scarlett matapos nitong makipag-away sa ate niyang si Kendra, ang paghuhumiyaw ni Kendra dahil gusto nitong tumikim ng wine o beer at maramdaman ang pagiging adult, at ang pagpapakain ni Gavin sa costumed figurines.

Komento ni Cheska: "It is very unexpected that something like this would come out from something we just wanted to share with our friends and family members whom we don't see all the time."

NORMAL LIFE. Nakausap ng PEP ang dating aktres at ngayon ay full-time mom sa meet-and-greet event ng PLDT HOME Telpad sa SM Megamall noong April 27.

Ang Team Kramer ang pinakabagong family ambassador ng PLDT HOME Telpad.

Ayon pa kay Cheska, normal pa naman ang takbo ng buhay ng kanilang pamilya lalo na ang tatlo nilang anak.

Aniya, "Yes, we do have a normal family lfe.

"It's just that kapag lumalabas kami, a lot of people want to have pictures with them, try to know their names...

"But for Scarlett and Gavin, they are just too young to understand na popular sila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Si Kendra pa lang ang may idea na siya ay kilala ng public."

Hindi rin daw nila ramdam na para silang nasa aquarium na laging inoobserbahan ang bawat galaw ng kanilang pamilya.

Conscious ba sila ni Doug na bawat kilos nila ay kailangang naaayon lagi sa kung ano ang tama at ideal?

Saad ng 34-year-old mother: "Hindi naman, that's part of it.

"We don't mind naman kung parang lagi nila kaming tinitingnan or inoobserbahan.

"It's probably just explaining to the kids kasi sila naman iyong hindi pa nakakaintindi why there's so much clamor around them.

"It's a bit harder when we go out with the kids.

"Kung kami lang ni Doug, it's a bit manageable kasi sanay naman kami sa tao."

INSPIRATIONAL. Ibang saya daw ang dulot ng kasikatan ng Team Kramer dahil naghahatid sila ng isang magandang impluwensiya at inspirasyon sa ibang pamilya.

"It's really different," nakangiting sabi ni Cheska.

"It's the people who genuinely love the family.

"We serve as an inspiration for them to follow us and more or less aspire to have a family like us.

"In that manner, kakaiba talaga.

"Before, they admired me kasi lagi nila akong nakikita sa TV.

"This time, they admire Doug as a father and me as a mother and our relationship as husband and wife.

"They love my children and they want their children to be like our children."

Natutuwa rin daw niyang ipakita sa publiko na may mga celebrity couple na matatag ang pagsasama bilang mag-asawa.

Parang normal na kasi ang hiwalayan sa mga mag-asawang nasa limelight lalo na sa showbiz.

Nangingiting pahayag niya: "Oo nga, 'kala nila, hiwalay-hiwalay din ang katapusan.

"That's why their messages nga to us, they hope na hindi kami maging tulad sa ibang couples na mag-split up eventually.

"But Doug and I, we really work on our marriage.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"It's for us as a couple and for our children and not for anyone.

"It's our vow and pangako to our kids."

BROTHER PATRICK. Ano naman ang reaksiyon ng kanyang kapatid na si Patrick Garcia na ilang beses na ring dumaan sa personal na problema?

Bulalas ni Cheska: "Sobrang happy siya. He gets a lot of parenting tips from us—how we are in the family, how we raise our kids.

"Even his partner sees that and mas hanga nga kami sa kanila. Ibang klase sila, wala siyang yaya. Sila iyong very hands-on.

"There are times na galing si Patrick ng taping, pagod, but he would wake up to change the diaper of his baby. And he bathes the baby.

"My brother and I may have different parenting styles pero may napi-pick up kami from one another."

Si Patrick ay may isang anak na babae na si Chelsea sa kanyang girlfriend na si Nikka Martinez.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN