Lovi Poe gushes over European trip with Rocco Nacino

IMAGE lovi_poe on Instagram

The affection between Lovi Poe and rumored boyfriend Rocco Nacino are in full display in the photos of their recent European vacation that the both have been posting in social media. Lovi comments, "Ako 'yong nagpu-pose, si Rocco ang nagpu-post!"


Sina Rocco Nacino at Lovi Poe na ba?

Nang makausap sila ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa Sunday All Stars (SAS) noong April 27, mukhang refreshed ang dalawa na kagagaling lang sa bakasyon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
Ani Lovi, “Two weeks kami sa Europe, super-enjoy talaga.
“Pero it’s more of for Holy Week talaga... Nagpunta kami roon, we got to reflect.
“We got to kiss the Crown of Thorns ni Jesus no’ng Good Friday, pumila talaga kami sa Notre Dame.
“So it’s more of talagang reflecting, it’s not about having fun lang.
“Well, kasama na rin ‘yon, but talagang very solemn ‘yong pag-ano namin doon.”
Ano pa ‘yong mga ibang lugar na napuntahan nila?
“We went to the Coliseum and the Vatican City, iyon yung pinaka-magical place na napuntahan ko.
“'Tapos nag-ano rin kami sa Pope…we got to hear mass sa Pope.
"So tama ‘yong timing, perfect timing lahat.”
Si Rocco, very proud sa trip nilang iyon. In fact, naka-post agad ‘yong mga photos nila sa Facebook fan page nito.
“Oo nga!” sabay tawa ni Lovi.
“It’s fun. I mean, it’s such a beautiful place and it was a good getaway.
“So, why not post it?” tawa ulit ng Kapuso actress.
SURPRISE FROM ROCCO. “Kami ni Rocco, we get along so well, e.
"Marami kaming… hindi kami nawawalan ng pag-uusapan.
“Siya ‘yong perfect na kasama sa pag-travel.
“Actually ang plano lang talaga naming is to see my sister in London.
"But then we realized that we’re already there, why not go around na and have a vacation?”
May mga sweet moments din sila do’n sa mga photos na nai-post ni Rocco na nakakakilig makita.
“Oo, in fairness naman kay Rocco!!” nangiting sambit ni Lovi.
“Ginawan niya ako ng parang mga surprise dinners, like ‘yong sa Eiffel Tower.
“When we went there, merong dinner, na-surprise ako.
“Pero meron na rin akong idea about that kasi when you go to Eiffel Tower, something special has to happen.
“Na-surprise lang naman ako, alam mo ‘yong feeling na…
“But it was good, it was a great dinner.
“He scheduled everything ahead, he was the one who fixed everything.
“And I was like preparing for what’s gonna happen when I get there.
“'Tapos nagpunta rin kami sa Love Lock Bridge.”
Nag-lock din ba sila ng kandado sa pamosong lugar na dinarayo ng mga couples kung saan naglalagay sila ng mga padlock at naghahagis ang susi sa tubig?
“I will not tell!” muling natawang sagot na lang ng aktres.
“We went to Rome, London, and Paris,” banggit niya sa mga lugar na napasyalan nila ni Rocco.

PERFECT COMPANION. May mga bago ba siyang na-discover sa ugali at personalidad ng aktor sa dalawang linggong ipinagbakasyon nila together?
“Alam mo, 'eto, sobrang proud ako.
"I was walking sa street ng Rome, first day namin, and I saw a beautiful painting.
“Gusto kong bilhin kaso ang mahal-mahal.
"Ang galing palang tumawad ni Rocco!
“Ako, hindi ako marunong tumawad at all. No’ng nag-start na siyang tumawad, nanonood lang ako.
“'Tapos na-reduce sa half ‘yong price dahil natawaran nga niya. Sabi ko, 'Ang galing-galing mo talaga!'
“Dalawa pa, ha! Dalawa pa ang nakuha kong painting.”
Si Rocco ang nagbayad para rito?
“No! Ako ang nagbayad, siyempre.
“It’s my purchase. Ayokong magpalibre.
“We also rented a boat and we went to different islands.
“Enjoy, super-enjoy lang kami.”

STILL MUM. Wala pa ring direktang inaamin sina Rocco at Lovi hinggil sa estado ng magandang pagtitinginan nila sa ngayon.
Pero lantaran na nga ang pagiging sobrang sweet nila sa isa’t isa.
“Let’s leave it at sweet!” sabay tawa na naman ni Lovi.
Kailangan pa bang i-verbalize kung ano talaga ang real score sa pagitan nila ni Rocco? Actions speak louder than words nga, 'di ba?
Tumatawa-tawa lang ang aktres pero wala nang anumang nasabing reaksiyon pa.
Basta masaya sila ni Rocco together?
“Yeah! It’s fun.
“It’s fun, it’s always fun with him.
“And we’re still so young. We should enjoy life.
“Kaya ‘yong mga ganyang bagay…kailangang mag-travel. Be with people that you care about.”

MEMORABLE. Masasabi ba niyang talagang memorable ang Europe vacation nila ni Rocco na mas nakapagpalalim o naka-enhance lalo ng kung anumang feelings niya sa aktor?
“Well, I think, obviously, oo.”
Hindi ba talaga siya showy pagdating sa love? Kasi si Rocco lang ang nagpu-post ng mga photos ng sweet moments nila.
“Ano kasi ako, e… I’m not very good in showing my emotions or put it in words either.
“Pero okey lang naman sa akin na nagpu-post si Rocco no’ng mga gano’n.
"Siya ang lalaki, siya ang mag-post, ‘no?
“No, I’m just kidding! “I’m just kidding!
“Ako ‘yong nagpu-pose, si Rocco ang nagpu-post!
“Just kidding. Nagpu-post din naman ako.
“Meron din nga kaming mga videos sa Instagram, ‘yong kuha sa Eiffel Tower.”

OPENING UP. Bakit biglang open na rin siya at hinahayaan na niyang mai-share sa public ang mga photos at videos nila ni Rocco?
“I don’t know, I think something has changed.
“Well, I’m still the same. I’m still shy.
“But then I’m trying out something new.
"I’ve always been very quiet, di ba? I still wanna keep it that way.
“I’m the type of person kasi na I’m not really comfortable talking about these things, after everything that had happened to me in the past.”
Pero iba ‘yong sa kanila ni Rocco sa ngayon kumpara past relationship niya na naging masalimuot nga.
“I don’t wanna compare, but it’s a lot lighter now.
“Walang masyadong nanggugulo, so masarap ‘yong feeling.”
Kita naman sa kanyang mukha na masayang-masaya nga siya sa ngayon. Blooming siya ngayon at mas gumanda pa lalo.
“Yeah!” natawa ulit si Lovi.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN