Celebrities talk about how they celebrate Mother’s Day

IMAGE Noel Orsal (Julie Anne, Marian, Kathryn)/ Noel Tuazon (Nash Aguas)

On Mother’s Day, some of our favorite showbiz personalities go out of their way to make their moms feel that they are the real “stars.”


Kahit ang mga paborito nating artista, hindi nila pinapalampas ang pagkilala at pagbibigay-pugay sa espesyal na araw para sa mga ilaw ng tahanan.

Ngayong May 11, Sunday, ay ipagdiriwang ang Mother’s Day.

Tinanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang ilan sa mga paborito ninyong artista kung paano nila ipinagdiriwang ang espesyal na araw para sa tunay na “star” ng kanilang buhay, ang kanilang mga ina.

Marian Rivera. Hindi lang para sa kanyang nanay at lola ang gagawing paghahanda ng Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera para sa Mother’s Day.

Aniya, bukod sa planong date niya para sa kanyang pinakamamahal na lola at ina, balak raw ng aktres na pumunta sa isang welfare institution upang i-treat ang mga nanay.

Ang nasabing welfare institution ay nangangalaga sa mga single mommies at plano ni Marian na pakainin sila sa Araw ng mga Ina.

Pagdating naman daw ng gabi ng Mother’s Day, ilalabas daw niya ang kanyang lola at nanay para sila naman ang magdiwang.

“Pagbibigay importansya sa lola at saka sa Mama ko. Kasi, ang lola ko ang nagpalaki sa akin, although andyan si Mama para sa akin.

“Masaya ako na pinalaki ako ng lola ko na ganito ako, na minamahal ko kung ano’ng meron ako at pinapahalagahan ko ang mahal sa buhay ko, higit lalo ang mga magulang ko na kahit broken family kami, hindi sumagi sa aking isip na magrebelde.”

Kathryn Bernardo. Bukod sa pagiging sobrang supportive ng kanyang nanay, ipinagmamalaki rin ni Kathryn Bernardo na very open sila sa isa't-isa ng kanyang nanay.

Kuwento pa niya, noong nagbakasyon sila sa ibang bansa, naging pagkakataon daw ito para mag-bonding sila.

“Noong nag-out-of-the-country kami, naglakad kami, naglakad din siya; nag-bike kami, nag-bike din siya. Alam mo ‘yon, nagta-try din naman si Mama para suportahan yung bakasyon ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kahit naman daw nung bata siya, ibinibigay sa kanya ng kanyang nanay ang kalayaan na magdesisyon para sa sarili.

“Dati naman ganun na siya, binibigay na niya sa akin yung pagde-decide sa mga bagay-bagay tulad ng schedule, at gusto ko sa bahay.”

Hindi man daw sila vocal sa pagsasabi ng kanilang pagmamahal para sa isa't-isa, ipinaparamdam naman daw nila ito.

“Hindi kasi ako clingy kay Mommy, e. Hindi kami yung nag-a-‘I love you.’ For me kasi, mas okay ‘yon dahil napapakita mo naman.”


Nash Aguas. Very expressive at nag-e-exert naman ng effort si Nash Aguas sa kanyang nanay.

Tuwing Mother’s Day raw ay sa bahay lang sila at nagkakaroon ng simpleng handaan.

Kuwento pa ng Kapamilya teen star, may ginawa siyang hindi malilimutang gift sa ina noong bata pa siya.

“Nung bata ako, Mother’s Day kasi at di ako nakapaghanda dahil sobrang busy.

“Gumising ako nang maaga tapos nag-cut ako ng scratch papers ini-spell ko yung 'Happy Mother’s Day' at pangalan niya at idinikit ko sa wall.

“Tapos yung Christmas lights nilagay ko sa hagdanan pababa.

“Paggising niya, sabi niya, ‘Ano ba ‘yan, para akong magde-debut.’ Mukha ngang debut using resources sa bahay.”

Julie Anne San Jose. Simple rin ang ginagawang birthday celebration ng Kapuso singer-actress na si Julie Anne San Jose tuwing Mother’s Day.

Gayunpaman, ang mas importante raw ay naipaparamdam niya sa kanyang nanay kung gaano niya ito kamahal.

“Lumalabas kami, we go out, we hang out, we watch a movie, we do everything together sa family.

“Hindi nawawala sa aming magkakapatid ang pagsusulat ng letters.

“Yung mga simpleng bagay, naa-appreciate ng mommy, simple things do matter.”

Sarah Lahbati. Nag-share naman ng fond memory si Sarah Lahbati tungkol sa kanyang nanay noong bata pa siya.

“I remember when I was a kid, I would always get her makeup, mga ganung bagay hanggang sa paglaki ko, siya yung nagtuturo sa akin na magluto, mga maliliit na bagay na gagamitin ko naman talaga in the future.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“We’re very close. Ayokong mag-drama, pero I am very grateful to her.

"Di ako masyadong expressive, pero di naman ako yung hindi open.”

Sinabi rin ni Sarah na kailangan daw niyang pag-isipang mabuti kung ano ang ibibigay sa kanyang ina. “Pero actually, I know na what to give her,” pero hindi niya ibinahagi kung ano ang kanyang regalo.

Andre Paras. Very sentimental naman ang sagot ni Andre Paras, anak ni Benjie Paras, nang matanong kung ano ang best thing na ginawa niya para sa kanyang kinikilalang ina na si Lyxen Diomampo.

“The best thing I’ve done is I gave her my love and of course, I was there to support her.

“I support her, she’s a commercial model.

“I gave her good grades kasi she used to tutor us before.”


Mark Pingris. Kilalang-kilala naman ng basketball player na si Mark Pingris ang asawang si Danica Sotto. Aniya, magpaplano siya ng isang sorpresa, pero alam niya kung ano ang mas mahalaga para kay Danica.

“Ang importante diyan, kilala ko si Danica, gusto niya usap lang, gusto niya talk pag-uwi. 'Ano’ng nangyari?' Ganyan. Pero ang date di mawawala ‘yan.”


Jeron Teng. “Pagmamahal,” nangingiting sagot ng basketball player na si Jeron Teng nang matanong kung ano ang pinakamagandang regalong ibinigay niya sa kanyang ina.

“Wala akong budget, e,” pagbibiro pa niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN