The enduring stars of showbiz

Nagbabalik si Carmina Villarroel (second from left) bilang endorser ng Jollibee. Matatandaang dalagita pa siya noong una siyang nasilayan sa TV commercial ng nasabing produkto. Ilang taon ang makalipas, kasama na niya ang kanyang pamilya—ang asawang si Zoren Legaspi (right) at mga anak na sina Cassy (second from right) at Mavy (middle).


ADVERTORIAL

What does it take to keep shining?

Maraming mga showbiz stars ang nagsimula bilang“ talent” sa mga commercial.

Siyempre, una silang nakaakit ng atensyon dahil sa kanilang screen presence, na isa lamang sa mga tinitingnan ng mga talent scout sa advertising.

Pero, pagdating sa showbiz, hindi lamang dating sa screen ang tinitingnan.

Pagdating sa pinilakang-tabing at sa telebisyon, ibang usapan na.

Andiyan na ang galing sa pag-arte, ang versatility, ang sipag at disiplina—mga bagay na makapagpapatibay ng iyong career, dahil alam naman nating hindi rin nagtatagal ang angking ganda ng kahit sinuman.

Mga halimbawa ng mga artistang in demand sa mga commercials at patuloy ang pagkinang sa showbiz ay sina Carmina Villarroel, Toni Gonzaga, KC Concepcion, Anne Curtis just to name a few.

Sa mga male stars naman, andiyan sina Gerald Anderson, John Lloyd Cruz, Dingdong Dantes, Drew Arellano bilang mga pinakamagandang larawan ng kombinasyon ng good looks, talent at disiplina.

Perfect Example

Isa na siguro sa pinakamagandang halimbawa ng isang star with staying power si Carmina Villaroel.

Nagsimula ang career ni Carmina bilang isang lead talent sa isang Jollibee commercial noong araw. Marami sa mga nakatatandang generation ang nakakaalala pa sa kanya bilang isang pre-teen na isinama ng kanyang kuya sa Jollibee.

Bukod sa walang tigil na mga TV shows at movie projects, patuloy pa ring namamayagpag si Carmina bilang isa sa mga sought-after endorsers sa bansa.

At ngayon, hindi lamang si Carmina ang nakikita sa mga commercials, kundi pati na rin ang kanyang buong pamilya. Kitang-kita at ramdam natin sa mga commercials at guestings nila kung gaano sila kasaya at nagkakasundo bilang pamilya. Dahil dito, hindi nakapagtataka na not only Carmina but the entire Legaspi family is one of the most bankable family endorsers in the country.

Longevity in showbiz

Sa ngayon, maraming promising stars na nagsimula rin sa tv commercials. Pero isang magandang tanong ay kung matatagalan nila ang iba’t-ibang hamon ng trabaho.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Marami na rin kasing young stars na nagsimula ng maayos, ngunit sa kalaunan ay naghanap ng kanya-kanyang landas na malayo sa showbiz.

Siguro, para sa mga bagong sibol, sana gawin nilang halimbawa ang mga tulad nina Carmina, Toni at John Lloyd, na talaga namang ‘di matatawaran ang staying power sa larangan ng advertising at showbiz.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN