Gabby Eigenmann and family, plus, Geoff in Japan

IMAGE courtesy of Gabby Eigenmann

Kuha ang larawang ito ni Gabby Eigenmann kasama ang asawang si Apples sa Oasis 21, isang recreational at commercial park na malapit sa landmark na Nagoya TV Tower.


Ikalawang taon na raw ngayon na nagkakasama sa bakasyon sa ibang bansa ang magpinsan na sina Geoff at Gabby Eigenmann, kasama ang pamilya ng huli.

Pero open daw ito sa buong pamilya.

Nagsimula tila nagiging annual out-of-the-country trip nila noong isang taon.

Kasamang bumiyahe ng pamilya ni Gabby (with wife Apples and kids Josh, Gabbie, Liam and Mattie) sa U.S. si Geoff at ang ex-girlfriend nitong si Carla Abellana.

Ayon kay Gabby, “Mga Eigenmann cousins talaga, basically, the family naman are close talaga.

"But kaming magpipinsan, usually, every other week, nagkikita-kita, dinner, yung ganun.”

Susunod na travel plans naman daw nilang magkakasama ay sa HongKong, saka U.S. (sa bandang East Coast tulad ng New York at Florida).

JAPAN TRIP. Ayon kay Gabby, ika-limang beses na raw niyang narating ang Japan pero first time niyang makasama sa bansa si Geoff.

“Masaya, masaya yung trip, pasyal-pasyal lang, kain siyempre.

"Definitely there’ll be more trips kasi masaya rin yung bonding.”

Hindi naman itinanggi ni Gabby na originally, kasama sana sa sa trip na ito sina Carla at Andi Eigenmann, kasama ang anak nitong si Ellie.

Hindi nakasama si Andi dahil sa ongoing taping niya ng Dyesebel.

Samantalang si Carla, for obvious reason na hindi man sabihin ni Gabby, ay dahil break na ang dalaga at si Geoff.

Halos dalawang Linggo rin sila nagbakasyon sa Japan at pagbalik nga nila, si Gabby ay sasalang na sa bagong afternoon series na Dading, kunsaan siya na ang bida at title role.

VIEW PHOTOS Gabby Eigenmann and family, plus, Geoff in Japan


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN