Regine Tolentino on being able to work with three networks: "Hindi nali-limit ang creativity mo... I consider myself super lucky."

IMAGE Mark Atienza

Regine Tolentino: “I’m so fulfilled as a woman, as a mother, as a businesswoman, and I’m so happy na parang ang dami ko pang gustong mangyari sa buhay ko.”


Naging matagumpay ang ika-sampung Ultimate Summer Workshop ni Regine Tolentino na ginanap sa Robinson's Magnolia noong May 30.

Taun-taon nagkakaroon ng summer workshops si Regine sa kanyang RT Studios ng dance, modeling, hosting, singing, at iba pa.

Masaya si Regine dahil sa loob ng sampung taon, patuloy na tinatangkilik ang kanyang workshops.

Habang ongoing ang recital ay nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ilang TV crew si Regine.

“I’m so happy and it’s such an amazing day for me kasi we’re celebrating two really monumental things in my career and in my lifetime.

“It’s our 10th anniversary for RT Studios and 15th anniversary for Regine’s Boutique.

"So it’s a culminating, grand concert ng aming summer workshop and a showcase of our gowns,” masayang pahayag niya.

Pero kahit sampung taon na niyang ginagawa ang ganitong event, hindi pa rin daw nawawala ang kaba sa kanya.

“Yes, every year kabado 'ko just to make sure na ang participants namin ay makapag-perform nang maayos.

"And, you know, everything just pull together.

“Mahirap mag-stage ng ganitong klaseng event and it’s quite tiring but it’s very fulfilling.”



SHOWBIZ CLIENTS. Ilan sa anak at apo ng mga celebrities ay nag-summer workshop rin sa kanya.

Mas pressure ba yun na ang mga ito ang tinuturuan ni Regine?

“Yes, it’s pressure dahil may mga anak ng artista pero ganundin ang pressure ko sa lahat ng estudyante because, siyempre, lahat sila may parents.

"And it’s my goal in life to give quality education na masaya, happy experiences sa mga bata.

“You know, kapag may mga artista, mas extra alaga ako sa lahat ng estudyante to make sure na walang special treatment.

"But at the same time, siksik sila sa knowledge at experience na matatanggap nila sa amin.”

Ilan sa mga naturuan na ni Regine sa kanyang RT Studios ay ang anak nina Richard at Lucy Gomez na si Juliana Gomez; ang mga anak ni Angelu de Leon na sina Nicole at Louise, at ang anak ni Tina Paner na si Lui Shane Kristel.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nag-training din sa kanya sina Bela Padilla at Louise delos Reyes.

Nagsu-zumba naman daw sa studio niya sina Bea Alonzo, Ryzza Mae Dizon, at iba pa.

PASSION, INSPIRATION. Hanggang kailan niya gagawin ang pagtuturo?

“Hanggang kaya pa,” saad niya.

“Napapagod akong talaga pero sobra akong passionate na hindi ko na yun iniisip.

"Talagang we’re doing a good thing, umabot kami sa ten years.

“Kung makita mo kung papaano kami nag-start before, napaka-simple.

"Sa sala lang ng bahay ng mommy ko, konti lang ang estudyante ko before.

“Ang simple-simple lang ng recital ko before, doon lang sa studio.

"Pero ngayon, concert, fashion show, dance.

“Hindi nawawala ang passion ko because I’m always inspired.

"Siyempre, my husband plays a great role. He’s super supportive.

“My kids always keep me focused and balanced.

"And, siyempre, yung mga bata who look up to me, come to studio and trust us [to] take care of them and help them improve."

BEYOND DANCING. Bukod sa paghasa sa iba't ibang talento ay nakakatulong rin daw ang workshops ni Regine sa pagbuo ng confidence ng mga bata.

Anya, “May mga estudyante nga kaming nabu-bully, may mga issues and hang-ups.

"Siyempre, ‘yang age na ‘yan, ang dami nilang experience.

"Kaya ‘yan ang fundamental years na tinata-try namin na maagapan para mas lalong maging okay ang learning experience ng childhood nila.”



MOMMY DEAREST. Sa naturang event ay nandoon din ang mommy ni Regine na Ms. Gina Maristela Tolentino na may ilang taon na ang nakalilipas mula nang ma-diagnose na may cancer.

Kumusta na ang mommy niya ngayon?

“If you look at my mom, she’s so beautiful, she’s doing so great.

"She’s in remission from her Stage 4 lymphoma.

"However, yun nga, may mga araw siyang hindi makabangon, hindi siya puwede sa maraming tao.

“Medyo mahina, labas-pasok siya sa hospital, pero nakakasama pa rin siya sa mga shows ko to support us.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kaya I’m really blessed that she’s still here.”

Anim na taon na raw na in remission ang ina sa cancer.

Ayon pa kay Regine, “She has some remnants from her condition.

"But, hopefully, through prayers and constant good health, maagapan naman ‘yan.

"She’s very positive and very strong naman."

FEELING LUCKY. Naalala namin na noong nagsisimula pa lang si Regine, sinabi ng mommy niya na mataas ang pangarap nito para sa anak.

Ngayon, masasabing si Regine ang pinaka-aktibo kumpara sa mga ka-batch niya noon na nasa showbiz pa rin. Pero mas madalas nga lang, nasa likod ng camera siya bilang stylist ng mga artista at shows.

Yung nangyayari sa kanya ngayon, ito ba ang pinangarap niya?

“You know, yung mom ko before, sobrang nandiyan siya sa lahat ng ginagawa ko to the point na sinasabi sa akin ni Mr. M [Johnny Manahan], 'Pauwiin mo na yung Mommy mo, kaya mo na ‘yan.'

"Nao-overwhelm ako.

“And yung time na yun, sobra 'kong busy sa camera, full-time.

"And ngayon, the other way, iniisip ko ngayon, nag-iba na ang career ko.

“Hindi na kasing-busy but, at the same time, active pa rin ako, and I’m doing other things.

"Despite everything that has happened in my career, happy pa rin ako kasi, I can’t ask for anything more.

“I’m so fulfilled as a woman, as a mother, as a businesswoman, and I’m so happy na parang ang dami ko pang gustong mangyari sa buhay ko.”

Dugtong pa niya, “At least, nagagawa ko pa rin.

"I’m hosting, I’m dancing, I’m helping others, and I’m still a good mom sa mga anak ko.

“Yun ang importante, yung hindi sila napapabayaan.

"And I think, kahit paano, na-achieve ko yun. Thank God every day, nakakaya ko ang mga ginagawa ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"It’s also a challenge pero I welcome it and I love it so much.”

Costume designer si Regine ngayon sa Celebrity Dance Battle ng TV5 at gayundin sa Eat Bulaga! ng GMA-7. Nagbibihis din siya sa ilang artista ng ASAP sa ABS-CBN.

Bukod dito ay regular host pa rin siya ng morning show ng GMA na Unang Hirit.

Kung tutuusin, siya pala ang nakaka-cross over sa lahat ng networks.

“Yes, I’m so blessed,” masaya niyang sabi.

“It’s so fun to cross over kasi, hindi nali-limit ang creativity mo, hindi nali-limit ang capabilities, ‘di ba?

"So, I consider myself super lucky."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN