Enrique Gil says loveteam with Julia Barretto is past the "shaky" stage

IMAGE courtesy of San Marino Corned Tuna

Enrique Gil on Julia Barretto: “Super saya niyang kasama. In a way, she’s like one of the guys but prim and proper, sweet, ganun siya. But she’s one of the guys..."


Sa kanyang mas gumagandang career, lalong napapatunayan ni Enrique Gil na hindi lamang siya isa sa mga pretty boys ng ABS-CBN.

Bukod sa pag-arte, ipinamalas din ng binata ang galing niya sa pagsayaw.

Dagsaan na rin ang kanyang product endorsements at isa na rito ang bago niyang TV commercial kasama ang ka-loveteam na si Julia Barretto sa seryeng Mirabella.


Silang dalawa ni Julia ang pinakabago at pinakabatang celebrity endorsers ng San Marino Corned Tuna.

Natutuwa si Enrique dahil kabilang na siya sa roster ng famous endorsers ng nasabing brand gaya nina Kris Aquino, Marian Rivera, at Dingdong Dantes na pinsan ng Kapamilya actor.

Isa pang ikinatutuwa niya ay dahil bahagi ng diet niya ang tuna.

“I love it! Ever since before, yun na ang palaging kinakain ko.

"Para sa akin, okay... sila pa ang kumuha sa akin, win-win.

EATING RIGHT. "I was the youngest guy there," saad ng aktor tungkol sa pagrampa niya sa Cosmo Bachelor Bash, ang taunang event ng Cosmopolitan Philippines magazine.

Siya raw ay 17 noon at "hindi kasi ako nagda-diet before..."

Kuwento pa ni Enrique, “First time kong sumali ro'n at magpaganda ng katawan. I didn’t know anything.

"At that time, sabi ni Sam Milby, 'This is what I eat, crackers and tuna lang.'

"Okay, so that’s why kapag nasa taping, bumibili kami."

Para hindi raw siya magsawa, sinubukan niya ang ibang flavors and so far, pinakagusto niya ang chili.

Dugtong niya, “Kailangan talaga kasi sa job, hindi ka puwedeng kain ka lang nang kain.

"Every time you come out on TV, so as much as possible, you have to eat healthy."

JULIA. Personal na nakita ng writer na ito ang pictorial nina Enrique at Julia para sa kanilang television commercial (TVC).

Kapansin-pansin na mas close na sila ngayon.

Nakangiting sambit ni Quen (pangalan ng aktor), “Sa Mirabella pa lang, sinasabi nila na yung loveteam namin, Julber raw.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"So, kapag nakita nila ‘to, 'Oh my gosh!'"

Mas marami na kasi silang nadidiskubre sa isa't isa kaya mas komportable at hindi na sila nagkakailangan.

Ani Enrique, “Yeah, I discovered a lot about her. She’s super funny.”

Sino ang mas makulit sa kanilang dalawa?

“Parehas kasi kapag may ginagawa ako, gumaganti siya. So tingin ko, patas lang.”

Tinanong naman namin si Enrique kung may nabago ba sa unang impression niya kay Julia nang makilala at makasama na niya ito?

“Yes, kasi ako, hindi ko siya kilala before.

"She was just quiet, tahimik lang. Hindi ko siya nakakausap.

“Nandoon lang and when I got to know her, she’s super different, super different.”

Sabi pa ni Enrique, “Super saya niyang kasama. In a way, she’s like one of the guys but prim and proper, sweet, ganun siya.

"But she’s one of the guys. Spanky little things."

Kung may isang word na puwede niyang ilarawan si Julia, ano yun?

“Strong,” ang mabilis na sagot ni Enrique.

SOMETHING NEW. Kumusta ang loveteam nila?

“It’s okay naman. At first, it was really shaky kasi sa mga fans, parang they’re just not used to it, something new.

“So parang feeling ko naman, ganoon naman palagi.

"If something new, people get used to it, ‘di ba?

"Hindi lang sanay pero in time, masasanay rin sila.”

May posibilidad kayang ma-in love siya kay Julia?

“Yeah...” sagot nito.

THE REAL THING. Sa puntong ito, masasabi na ba ni Enrique kung ano ang “good for his heart” tulad ng tagline ng bago nilang TVC?

Narito ang mahaba at matalinhagang sagot ni Quen:

“I think, it’s the same thing, you have to try, you have to experience.

"How would you know if it’s the right thing if you don’t know what is not.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Paano mo masasabi na mahal mo ang isang taong ito kung before, hindi ka pa na-in love? So, you have to know.

"If I love somebody 'tapos nag-break kami, hindi pala love yun.

“Kasi kung love yun, kami pa rin yun. If you know what love is, madi-distinguish mo ang totoo o hindi.

“So now, I think I know more and more sa mga nangyari the past few days.

"Mas alam ko what’s real or not. It’s the same thing e unless you go there.

“Kung may something talaga, may something. Kung wala e ‘di wala.”

Sa huli, makikita sa pahayag ni Enrique na halos pareho ang pananaw nila ni Julia tungkol sa isa't isa.

READ Julia Barretto talks about working with Enrique Gil and possibly falling for him


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN