Regine Tolentino and Lander Vera-Perez: Still together after 17 years

IMAGE Mark Atienza

Regine Tolentino on how she and husband Lander Vera-Perez have managed to stay together after 17 years: "Sa amin ni Lander, sobrang effort, but every day, we work so hard to make sure na maayos kami, maganda ang communication, and hindi nawawala ang ligawan namin. Sweetness because sa totoo lang, ang hirap kahit 17 years na kami.”


Masaya si Regine dahil hanggang ngayon ay ipinagkakatiwala pa rin sa kaniya ng ilang brands ang kanilang produkto.

Malaking bagay ang pagiging buo at matatag na pagsasama nila ng asawang si Lander Vera-Perez.

“I feel super proud,” nakangiting sabi ni Regine.

“It just makes me want to be better and to really lead a good lifestyle like, you know, being fit. I still study, I still [update] my license from Zumba para at least, credible pa rin ako.

“And lahat ng mga choices ko, talagang pinag-iisipan naming mabuti ng pamilya just to make sure na hindi kami magkaroon ng bad image... Sobrang iniingatan namin yun and I’m just so proud na may mga products na naniniwala sa amin.”

Dumaan din sila ni Lander noon sa pansamantalang paghihiwalay pero muling nagkabalikan.

Maraming celebrity couples ngayon ang naghihiwalay talaga.

“I know, true, true,” saad niya.

Kapag nababalitaan niyang may naghihiwalay, ano ang nararamdaman niya?

“When I see showbiz couples na nagbi-break sila, I feel sad. Yung iba, mga kaibigan ko pa, mga barkada ko in showbiz na talagang hindi na nila kinaya ang pressure of being in showbiz and maintaining a relationship.

“I think, sa showbiz, ito yata ang pinakamahirap—mag-maintain ng relationship dahil sobrang complicated ang trabaho namin.

"Exposed kami sa maraming tao at mahaba ang hours.

“You really work hard, ‘di ba?

“Sa amin ni Lander, sobrang effort, but every day, we work so hard to make sure na maayos kami, maganda ang communication, and hindi nawawala ang ligawan namin. Sweetness because sa totoo lang, ang hirap kahit 17 years na kami.”

Meron pa bang mga awayan, tampuhan sa kanila ni Lander?

“Siyempre, hindi nawawala ang mga ganyan. Although, medyo mas mature na kami ngayon. Mas naanuhan na namin ang mga bagay na dapat naming i-overcome.

“Medyo naanuhan na namin yung, o sige, hindi na ko magseselos kung may taping ka, may kissing scene ka. Hindi na ko magseselos kapag may pictorial kang sexy. Yung ganoong issues.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“It’s hard but we understand each other more. Hindi na ganun katindi like before, but hindi nawawala yung mga problemang ganun.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN