Jolina Magdangal talks about the role she enjoys most: being a mom

IMAGE mariajolina_ig on Instagram

Jolina Magdangal with husband Mark Escueta and baby Pele, who is now four months old.


Mahirap ang maging isang ina.

Ito ang tinuran ni Jolina Magdangal nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa Gymboree, Manila Polo Club noong July 4.

Binigyan ng welcome party ng B.C. Magazine si baby Pele, ang four-month-old na anak nina Jolina at Mark Escueta. Ang pamilya ng Kapuso star ang cover ng naturang magazine.

Pahayag ng host/actress/singer tungkol sa pagiging ina, “Mahirap maging mommy pero, kapag nakikita mo siya, sobrang rewarding.

"Mahirap kasi, hands-on ako sa kanya.

"Kung nagya-yaya ako, dahil magwi-weewee ako or kailangan ko nang maligo, magpi-prepare para meron lang tumingin sa kanya.

“Pero, ako talaga."

Pagkapanganak daw niya, doon muna sila sa bahay ng pamilya ni Mark sa Parañaque.

Pero mas naging hands-on siya nang umuwi sila sa bahay ng pamilya ni Jolina sa Quezon City.

Dugtong ni Jolens (palayaw ni Jolina), “Si Mark naman, may kailangan na siyang gawin kasi sa Sunlife na siya.

"Manager na siya ng Sunlife kaya kaming dalawa na lang talaga ang naiiwan.

"'Tapos, gabi na siyang nakakauwi. Kapag gabi naman na nandoon na siya, gagawin ko lang ang mga ibang kailangan ko pang gawin.

“Pero, ako talaga,” nakangiti niyang sabi.


Ang pagiging mommy raw ay instinctive.

Ani Jolina, “Siguro ano, yung mga iyak niya, alam ko na ang ibig sabihin.

"Kapag yung mga iyak niya na walang tigil, inaantok na siya. Kapag yung parang iyak lang na maliliit, parang napu-poopoo lang or naiinitan. Pero, alam na alam ko kapag inaantok na siya. Kahit anong gawin ko, malikot.”

PELESERYE. Natatawang kuwento pa niya, “Ang hobby ko, piktyuran siya. I-video siya. 'Tapos, basahan siya ng mga books. Palagi siyang may music.

"May routine kami niyan na pagkagising niya ng umaga, papainumin ko na siya ng vitamins, manonood na siya ng Disney Jr. habang inaayos ko ang pagpaligo niya.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kapag nakikita niya si Pele, ano ang nararamdaman niya?

“Kinikilig ako,” sagot niya.

“At saka kapag sa Instagram, yung PELEserye niya, may nagkuwento na friend ko, dati raw yung anak niya, ayaw maligo.

"Noong napanood ang mga video ni Pele na naliligo, gusto na raw. Masaya siyang naliligo.

“'Tapos may mga comments din doon na pinapanood nila sa anak nila ang video. Biglang may tawa na ang anak. Nagkakaintindihan sila. Baby raw nila si Pele.

"'Tapos meron din na mga nega. Binubura ko lang ang comments, pero yung picture, hindi.”

Hindi naging madali ang pagbubuntis ni Jolina. Pero nawala raw lahat ng hirap na pinagdaanan niya sa sayang naidudulot ng anak niya ngayon.

Pag-amin din ni Jolina, “Ang dami ko pa rin fears bilang mommy. Emotional pa rin ako minsan. Minsan ang dami kong naiisip.”

Kumusta naman bilang ama ang kanyang asawa?

“Si Mark, noong kapapanganak ko lang, sobra siyang hands-on. Pero ngayon, naiintindihan ko na sobra siyang may work talaga. May banda siya at kumuha siya ng Sunlife na extra work. Parang ang dami pa niyang ginagawa."

DEDICATION OF PELE. Plano na rin daw pabinyagan nina Jolina at Mark si Pele, ilang buwan mula ngayon.

“Actually, dedication ang gagawin namin sa kanya. Inaayos na namin. Dapat pala Sabado o Linggo kasi gusto ko namang makapunta ang mga tao.

“Gusto ko rin kasi, ayos na ayos. Tipong three weeks before, mag-R.S.V.P. na.

"At gusto ko rin, makahanap ng lugar na parang accessible sa lahat. Pero kasi sa ngayon, parang nag-a-adjust pa rin ako. Pero gusto ko na pabinyagan muna siya.

“Iba naman kasi yung first birthday niya, birthday niya lang yun. So siguro, kapag six months na si Pele.”

February 18, 2014 nang ipinanganak si Pele.

Balik sa usaping binyag, ang sigurado pa lang daw na magiging ninang at ninong ni Pele ay ang barkada ni Jolina na Chikadoras at ang mga kaibigang sina Kyla at LJ Reyes. Ninong naman daw ang ilang kabanda ni Mark sa Rivermaya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

SHOWBIZ COMEBACK. Sa ngayon, nakahanda na raw si Jolina na mag-full time mula sa showbiz.

Dapat sana, noong kapapanganak pa lang niya, isa na si Jolina sa cast ng Niño. Pero dahil caesarean siya, hindi pa raw talaga siya pinayagan ng O.B. Gyne na bumalik agad sa trabaho.

“Ngayon, okay na okay na ko. Hinihintay ko na lang ang GMA kung ano ang ibibigay nila,” saad niya.

Kaya na niyang iwan si Pele?

“Ay hindi, isasama ko. Kapag wala si Mark, isasama ko,” lahad niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN